The Revenge: (Wakas Para Sa Simula Ng Ikalawang Yugto .)

54 2 0
                                    

"Aaaahh!"Sabay na sigaw ng mag-asawa bago tuluyang naglaho ang imahe sa salamin.

"Ano yon? Sino iyon?"Gulat na tanong ni Lester matapos makabalik sa kasalukuyan.

"Sino ang nilalang na kumuha sa wala ng buhay na katawan ng anak ko?" Muling pag-ulit ni Lester ng hindi kaagad nakasagot ang matandang albularyo.

"Iyon ang demonyo." Sandaling nabigla si Lester, bumuka ang bibig ngunit hindi Kumawala ang mga tinig.
"Palagi lamang iyong nasa paligid. Nagmamasid, nag-hahanap.. Sa tuwing may makikita itong pagkakataon, ginagawa niya ang lahat upang makapag-hasik ng kasamaan, lalo na sa mga taong napupuno ng galit o kasamaan.

At sa pagkakataong nakita ng demonyo, ang puot sa puso ng isang ina ang ginamit nito.. Walang pinipili ang demonyo Lester, Ginamit niya ang kaluluwa ng isang sanggol upang mag-hasik ng lagim, muli niyang binuhay ang sanggol ngunit para maging halimaw, maging tiyanak.." Paliwanag ng matanda. kumuyom ang mga palad ni Lester dahil sa halu-halong emosyong nararamdaman.

"Paano Gwenne? Paano mo naibunton sa walang kamalay-malay at inosenteng sanggol ang galit na iyong nararamdaman sa akin?! Sa akin ka galit! Sana sa akin mo na lang ibinunton ang lahat! Ako ang may kasalanan sayo, sana ako nalang ang pinatay mo!!! " Galit na anas ni Lester at tanging pagluha lamang ang naisagot ng asawa.
"Hindi ko alam Lester. Hindi ko alam! Basta ang alam ko lang noon ay galit ako sayo. I'm sorry!" Saad ni Gwenne sa nanginginig na tinig na sinabayan ng malakas na hagulhol. Hindi niya inaasahang mabubunyag at mabubunyag pa rin pala ang lihim na pinakatatago niya.

Kahit na! Ikaw, sa lahat ng tao, ang nakakaalam na hindi sapat ang galit mo sa akin para maging kapalit ang buhay ng inosenteng sanggol! Paano mo nagawa iyon! Paano mo naitago ang pagpatay mo sa anak ko ng ganong katagal!! " Nagpupuyos na sa galit si Lester at halos gusto na niyang pag-buhatan ng kamay ang babae ngunit pilit lang niyang kinokontrol ang sarili dahil kahit na anong galit, hindi parin niya puwedeng itangging asawa parin niya ito.

Matapos ang pagkamatay ng bata, pinalabas ko sa aking mga magulang na nakidnap ito . Sa takot na baka kung anong gawin ko sa aking sarili ng dahil daw sa dipresyon, pinasunod nila ako sa ibang bansa kasama nila. At doon, pilit kong tinakasan ang madilim na nakaraang iyon."
Mahabang paliwanag ni Gwenne sa asawa.

"Napaka galing mong magtago! Ilan ba kaming niloko mo!? Sabihin mo nga sa akin Gwenne, sa loob ba ng ilang taong lumipas, sa mga panahong magkasama tayo, nagsisi ka ba? Pinagsisihan mo manlang ba ni minsan ang paglilihim mo sa akin?, sa pagpatay mo sa sarili mong anak?"
Mahina ngunit may gigil sa tinig ni Lester habang mahigpit na hawak sa balikat ang umiiyak na asawa. Bahagyang ngumiwi si Gwenne ng maramdaman ang higpit sa hawak ng asawa ngunit hindi siya nagpahalata at patuloy lang sa pag-iyak.

"Araw-araw simula ng magsama tayo at ikasal ay walang oras na hindi ako nagsisi at natakot. Natakot dahil pag nalaman mo, kamumuhian mo ako, at nagsisi dahil hindi ako naging mabuting ina sa ikaunang pagkakataon."

"Wala naman talagang ikalawang pagkakataon!, Dahil ang ikalawang iyyon ay isang sumpang ipinataw sa masamang inang tulad mo! Ngayon, hawak na ang anak ko ng isang demonyo at wala na akong magagawa para bawiin siya.."
Pilit nilunok ni Gwenne ang masasakit na salita sa kanya ng asawa dahil alam niyang totoo ang lahat ng iyon. Hindi siya naging tapat na asawa, at mas lalong hindi mabuting ina.

"Hindi pa huli ang lahat, maaaring may paraan pa.." Biglang napalingon ang mag-asawa ng magsalita ang matanda. "Ano iyon?" Sabay na tanong ng mag-asawa.

"Karaniwan na sa mga tiyanak ang pumatay ng mga ina upang maipag-higanti ang galit na nabuo sa kanilang mga puso, nagiging tiyanak ang sanggol kapag namatay itong walang basbas o di kaya'y salat sa pagmamahal ng kanilang mga magulang. Kailangang maibigay ninyo ang---"
"Raaahh! *blaaaaaaggggg*

the REVENGE    (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon