"Aaaaaahh!!"
Isang malakas at matinis na tinig ng isang babae ang nagpabalik sa diwa ni Gwenne. Bumangon siya at agad na bumalot ang pagtataka ng mapagtantong nasa ibang lugar siya.
luminga-linga siya, inaalam ang lugar kung nasaan siya.
Kumunot ang kanyang noo. ("Anong ginagawa ko dito sa kakahuyan?")
Nasambit ng kanyang isip."Aaaaaaaaahhh!!! Tuloooooonggg!!!!"
Ang balak na tumayo ay hindi niya na gawa, Tila naestatwa siya sa nakita..Isang babae, tumatakbo habang hinahabol ng...
Agad siyang kinabahan, Natakot....Dahil ang siyang pilit tinatakasan ng babae,..
Ay ang tiyanak..(nakita ko na ang tiyanak na iyon noon...)
Ang tanging nabulong ng kanyang isip. Pilit niyang inaninag ang mukha ng babae ngunit nakapagtatakang hindi niya ito makita gayong halos magkalapit na sila..Dinig niya ang tinig nito, nakikita niya ang bawat pagtakbo nito, ngunit... Hindi niya maaninag ang mukha nito.
"Ahh! Tulungan niyo ako!!!!"
Muling sigaw ng babae. Nang mapatapat ito sa kinaroroonan niya'y napalinga ito sa gawi niya ngunit mas lalo siyang nagtaka nang tila hindi siya nito nakita dahil basta lang itong lumampas sa harapan niya.Ng tangkain niyang tawagin ang babae at lapitan ay hindi naman niya maihakbang ang sariling mga paa. Tila ba may malakas na puwersang humahatak sa kanya pabalik sa lugar na kanyang kinatatayuan.
Tinangka niyang humakbang ngunit nakailang beses na ay hindi pa din niya magawa...Sumigaw siya,, humingi ng tulong, ngunit tila ba walang nakakarinig o nakakakita sa kanya.
"Lubayan mo na koooooooo!!!"
Dinig niyang sigaw ng babae.
"hihihi!"
Tanging matinis na hagikhik lamang ang naging tugon ng tiyanak sa kaawa-awang babae. Maya maya pa'y muling tumakbo ang babaeng kanyang pinagmamasdan.Natakip niya ang dalawang kamay sa labi ng makitang sumubsob sa matigas na sahig ang babae.
"Raaaaahh!"
Agad siyang kinilabutan sa ginawang ungol ng tiyanak. Kung nakakakilabot ang hagikhik nito, mas lalo na pati ang pag-angil nito.Gusto na niyang makaalis, gusto na niyang tumakbo, ngunit hindi niya magawa..
Ilang sandali, matapos masubsob ang babae ay nakita niyang tumayo ang tiyanak.Dahan-dahan itong naglalakad palayo sa babae..
Tuluy-tuloy lang ito sa paglalakad, at tuluy-tuloy lang din ang diretsong pagtitig niya sa mga mata nito.
Hanggang sa...."rrraaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!"
Natulala siya sa ginawang ungol nito. at higit sa lahat...
ay nang mapagtanto niyang sa gawi niya papalapit ang tiyanak.
"raaaah!"Nang mas malapit na ito ay ibinuka na niya ang kanyang bibig upang sumigaw, nang biglang...
"hhaaaaaah!"
Agad na nahigit ni Gwenne ang hininga kasabay ng pagbangon mula sa kinahihigaang kama.
Nasuklay niya ang buhok at mariing pumikit.
("Ano yon?!
Sino yon?")
Nasambit niya sa isip. Napaisip siya, Bakit tila nadadalas na ang pananaginip niya ng tungkol sa tiyanak?Bumaling ang paningin niya sa orasan:
Alas singko ng umaga..
Sumunod naman ay ang asawa naman ang kanyang hinanap. Binaling niya ang paningin sa katabi sa kama at nangiti siya ng makita ang asawang mahimbing na natutulog patalikod sa kanya.
BINABASA MO ANG
the REVENGE (Completed)
HorrorSiya'y isang mumunting sanggol lamang kung iyong pagmamasdan. Ngunit kapag ika'y lumapit, wala ka nang kawala,...