"Gwenne, nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba kasi nanggaling?" Ang nag-aalalang sambit ni Lester ng makita ang asawa sa bungad ng kakahuyan.
Agad na niyakap ni Gwenne si Lester.
"Lester, umalis na tayo sa lugar na to!"
Ang umiiyak na sambit niya sa lalaki habang umiiyak sa mga bisig nito.
Hinaplos-haplos ni Lester sa likod ang asawa. "Bakit? may nangggyari ba? Sinaktan ka ba noong halimaw kanina?" Nag-aalalang tanong niya."Hindi!" Pagkasabi ni Gwenne noon ay agad na itong humagulgol at mas hinigpitan pa ang kapit sa asawa. "Basta umalis nalang tayo dito." Maktol niya sa yakap na asawa.
"Gwenne, alam mo namang hindi tayo pwedeng basta-bastang umalis sa lugar na to, may trabaho ako, at isa pa,--" hindi pa din natin nahahanap ang anak natin.
Ikaw, ako, siya, si Carl, at ang dinadala mo sa sinapupunan mo ngayon! Kayganda ng magiging pamilya natin kung ganoon.""Basta gusto ko nalang umalis dito! pumunta tayo sa Maynila, tayong dalawa lang. Diba yon naman talaga ang gusto ko noon pa man? Lester, hindi ko na talaga kakayanin pang manatili dito ng isang araw pa.." Pagsusumamo ni Gwenne sa asawa.
"Gwenne, alam kong masyado kang natroma sa mga nangyayari dito sa lugar natin, pero huwag kang mag-alala, pagkatapos na pagkatapos ng lahat ng to, aalis na talaga tayo." Ang mahinahong paliwanag ni Lester.
"Hindi ako natotroma! Gusto ko ng umalis dito ngayon din!" Sigaw ni Gwenne. Mahahalata ang takot sa mga mata nito kaya naman kahit mahirap ay gumawa na nang isang disisyon si Lester. Nagbuntong-hininga siya bago nagsalita."Ok, ok.. Aalis tayo." Agad napanatag ang loob ni Gwenne ng marinig ang mga salitang iyon mula sa asawa.
"Pero uuwi na muna tayo sa bahay para kuhanin si Carl at saka na tayo aalis papuntang Maynila."Agad nagulat si Gwenne sa tinuran ng asawa,. Nakalimutan niya ang tungkol doon.
"Hindi. Ayoko!" Malamig ang naging tono niya ng sambitin niya ang mga katagang iyon.
"Ha, bakit?" TTakang tanong ni Lester.
"Hinding hindi mo ako mapapalapit sa halimaw na iyon!, Alagad ng demonyo!"
Labis na ikinagulat ni Lester ang tinuran ng kanyang asawa."Anong sinabi mo?" Gulat na tanong ni Lester.
"Hindi mo ba ako naintindihan? Ang sabi ko, Alagad ng Demonyo yang anak mo!"Isangg malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Gwenne na agad na ikinagulat ni GLester. Agad niyang niyakap ang natulalang asawa.
"Gwenne, I'm sorry. Nabigla lang ako.. Diba hindi mo naman intensyong sabihin iyon? Diba, nabigla ka langggg din naman?
Agad na sumamo ni Lester sa asawa."Hindi. Totoo ang sinasabi ko. Lester, halimaw si Carl, tama ang sinasabi ng mga tao." Malamig na sabi ni Gwenne.
Doon na tuluyang nagalit si Lester.
"At sinnong nagsabi sayong pwede kang magsalita ng ganyan sa anak ko! Bakit, ano bang batttayan nila para sabihing anak ko ang pumapatay sa lugar na ito? Anong ipinakita nila sa iyo para tularan mo ang kanilang paniniwala! Ha!?"
Doon na nagalit ng tuluyan si Lester. Hindi niya matanggap na sariling asawa niya na mismo ang nagsasabi ng hindi maganda sa anak nila."Lester, wala. Hindi mo ba napapansin? Bigla nalang siyang mawawala, at pagkatapos, pagbalik niya, may mga sugat na siya? At yung mama. Yung may asawang muntik ng patayin? sa tingin mo, paano niya nalamang may sugat na ganoon sa braso ang anak natin?
Sa tingin mo bakit niya nasabing si Carl ang sanggol na nakita niya noong mga araw na yon! Bakit, ano bang magiging motibo ng lalaking iyon kung sakaling mag-iimbento siya ng kwento tungkol sa anak natin?""Tama na!" Sigaw ni Lester at higit sa kamay niya pero hindi siya gumalaw.
"Yung tiyanak! paano mo maipaliliwanag ang pagkakaroon ni Carl ng sugat na kagaya noong sa tiyanak na binato mo nang krus noong minsang, makaengkwentro natin ang tiyanak na iyon? At kung sadyang wala si Carl kinalaman doon, bakit nawawala siya?"
Ang pagtutugma-tugma sa mga pangyayari ni Gwenne sa harap ni Lester.
"Sinabi ng halika na!!" Galit na sigaw ni Lester at pwersahan ng hinila sa kamay ang asawa na wala ng nagawa kundi ang humakbang dahil sa lakas nito.
BINABASA MO ANG
the REVENGE (Completed)
HorrorSiya'y isang mumunting sanggol lamang kung iyong pagmamasdan. Ngunit kapag ika'y lumapit, wala ka nang kawala,...