Xiam's POV
Parang nakita ko na ang panget na pag mumukha ng taong kaharap ko ngayon. I mean itong babae sa harapan ko.Medyo familiar. Kanina pa sya lingon ng lingon sa'min ni Jake. Naiirita ako sa pagmumukha niya.
Alam ko namang pagpipyestahan ako ng mga babae rito ngunit hindi ko parin mapigilang mainis.
Hay, ang hirap maging gwapo.
"Pre, bakit ang sungit ng babaeng nasa harap natin?" bulong ni Jake na katabi ko lang. "Ewan ko kung ano ang problema niya. Mukha siyang hudas. " nakangisi kong sagot. Hindi namin mapigilang tumawa. Letse talaga, kapag kami nahuli ng teacher na nag-kukwentuhan, malalagot kami nito.
Dahil sa tawa namin ni Jake, mabilis na lumingon si Hudas. Nakakunot ang noo niya na para bang hinahanom niya kaming makipagsuntukan.
"Lumingon si hudas. " bulong ni Jake na siyang ikinahagikhik ko.
Hindi namin inakalang narinig ni hudas ang sinabe ni Jake.
"Anong naririnig kong hudas?" nanlilisik ang kanyang mga matang nakatingin sa'min. Bahagyang nakataas ang kilay. Animo'y parang isang kontrata bida sa isang soap opera."Mukha ka rawng hudas sabi netong kaibigan ko. " tinuro pa ako ni tukmol. Matalim ang tingin ni hudas sakin. Mabilis akong umiling-iling ngunit hindi ko mapigilang matawa. Sa tuwing nakakunot ang noo niya ay mukha talaga syang hudas.
"Hudas pala tawag niyo sakin—" aakmang sasabunutan na sana niya ako nang biglang umalingawngaw sa apat na kasulok-sulokan ng classroom ang boses ng teacher namin.
"Anong ginagawa niyo dyan Ms.Hwa at Mr.Vargas! "
Natahimik kaming lahat. Pati si hudas ay napa-upo ng tuwid. Si Jake, nagpipigil ng tawa. Napatingin ako kay Marky na nagpipigil rin ng tawa. Tarantado.
"Tumayo kayong dalawa! "
Putek. First day na first day, naputakan kaagad. Wala kaming nagawa kundi tumayo.
"Kapag mahuhuli ko ulit kayong dalawa. Palalabasin ko kayo! " putak niya pa.
Pambihira.
"Umupo na kayo! "
Nang tumalikod si maam ay kaagad kong binatukan si Jake. Kasalanan ng gago kung bakit napagalitan kami ni hudas.
Nakaraan ang ilang minuto, nawalan ako ng interes sa itinuturo ng teacher. Nakihingi ako ng papel sa katabi ni hudas. Kinilig pa siya. Nag drawing nalang ako ng babae. Isang batang babae at batang lalaki. Naka-upo sa daan ang batang babae habang ang batang lalaki naman ay nakatingin sa kanya habang inilahad ang kanang kamay.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang iginuhit ko.
Cheon's POV
Nakakainis grabe! Kung gusto niyang magpapansin, bakit sakin pa? Kaka-transfer lang nila dito tapos ume-fc na kaagad sakin.
Ito yung senaryong palagi kong nababasa sa mga libro. Mga gwapong lalaki na trumansfer sa school pagkatapos aawayin ang isang babaeng nerd sa school tapos ang ending, yung lalaking palaging nanmbu-bully sa babae ay siyang makatuluyan sa nerd.
Medyo gasgas na pero iconic!
Ngunit sa oras na aasarin na naman ako ng mga damuhong 'yun ay hindi ako mag da-dalawang isip na pumalag. Palaban kaya ako! Minsan ko ngang binugbog ang kapitbahay naming kasing edad ko noong sa Pilipinas pa ako nakatira. Nakakabwesit kasi eh, 'kala mo naman funny sila.
"Class break." anunsyo ng teacher namin bago lumiban sa classroom. Hindi na ako nag-aksayang ng oras at lumabas kaagad.
Papunta sana ako ng canteen nang mapagtantong absent ang mga kaibigan ko. Inaya pa nila ako kagabi na umabsent, nang tanungin ko kung anong gagawin nila ay bigla nalang sineen ako ng mga bruha.
BINABASA MO ANG
Hate Is The New Love
FanfictionA series of unfortunate events chase the conflict-free life of a senior highschool, Cheon Red Hwa, after meeting the newly annoying transferee from their rival school. Little did she know, she's not only dealing with in denial romantic feelings to...