"Explain to me everything. Was it all scripted? Yung pag kidnapped sakin? The serial killer? Pati yung mga lalaking nagtulak kay Cheon sa bangin, kasabwat din ba sila? " sunod-sunod na tanong sa'min ni Jake, nakapameywang. Dismayado at naiinis.
Siksikan kaming lahat sa kwarto ni Icey matapos ang enkwentro kanina kung saan malapit akong saktan ni Princess, mahuli ng guardya, mabangga sa puno at madisgrasya. All of that happened in one night. Crazy.
Nagkatinginan kami, guilty at hindi makapagsalita. Hinihintay kong mag explain si Icey kasi sabi niya, siya raw managot 'pag mauwi sa ganito ang plano. Ngunit pati si gaga ay tahimik.
"Bakit walang sumasagot sa tanong ko? Pinutulan ba kayo ng dila? "
Napabuntong-hininga ako, I don't have a choice. Ako na lamang ang sasagot. "Y-yes. All of it was scripted except kina Princess, wala akong idea bakit sila andun at paanong nalaman nila ang binabalak namin. P-pero kasi Jake, ginawa namin iyon upang magkabati kayo ni Xiam. " tinignan ko siya ng diretso sa mga mata.
Napakamot na lamang siya sa ulo, stress na stress.
"Dude, gusto lang namin kompleto ang barkada natin. P7 wouldn't be P7 without you. " TJ said. Tumango-tango ang iba.
"Tol, bati na tayo diba? Sabi mo kanina okay na tayo. " nakangusong giit ni Xiam.
"Yieee ngingiti na 'yan. " panunukso ni Justin kahit napakaseryoso ng atmosphere. Sinabayan naman siya nina Mark at Charles. Napangiti ako. Siraulo talaga.
Napabuntong-hininga si Jake, "Forget it. Tol, quit pouting, mukha kang patay na kuko. " aniya kaya natawa kami pwera kay Xiam na napasimangot.
"Gaganti sana ako pero maswerte ka sariwa pa yung away natin. " sabi ni mokong. Kinantyaw namin siya ng 'patay na kuko'.
Mabuti naman magkabati na silang dalawa. To be honest, sa kabila ng nangyare kanina, all I can say-----everything was worth it. Bahala na saksakin man ako ni Princess ng kutsilyo o mahuli ng guardya. Ang importante ay naayos ang gusot sa pagitan ng dalawa. So I guess . . . . mission accomplished?
"So uhm . . . about what happened to Cheon earlier. Anong plano natin? Should we report those assholes to the police? " tanong ni TJ na siyang naka-upo sa harapan namin. He looks like a professor. Yung professor na sa sobrang pogi ay hindi ka a-absent. Gaganahan ka lalo mag-aral, kahit sabado at linggo ay pupunta sa school.
Oh yeah right, I almost forgot. Naiwan pala sina Princess at Kevin sa abandonadong garahe, sana nahuli sila ng dalawang guardya although I feel like nakatakas sila.
"Yes, we should report it to the police. " Edz said without thinking twice but I oppose.
"Huwag muna. I don't trust the police anymore. " wika ko kaya nagtaka silang lahat.
I know. Reporting those leeches to the authority is the best option but I have concern.
"Bakit naman? Ayaw mo bang matuto ng leksyon ang mga kumag na 'yun? " nakapameywang na tanong ni Edz, bahagyang naka-arko ang kilay.
"Girl, you almost died because of them. " Denise uttered.
Umayos ako sa pagkakaupo, "Kevin, Princess and bob, these three are minions of Pinkdroplet. Princess confirmed it to me herself. So obvious na gusto akong patayin ni Pinkdroplet dahil obsessed siya kay Xiam. But why she has to pay these people to do the work for her? Probably because takot siyang mamukhaan ko o hindi niya kaya ng mag-isang gawin ang plano niya or perhaps . . . . kilala ko siya."
I explain furthermore, "Reporting to the police without concrete evidence? 'Di nila tayo paniniwalaan! That's how it works, kailangan pa merong mamatay bago umaksyon. So figuring out Pinkdroplet's identity will fall on our hands. Tayo mismo ang pupuksa sa taong 'yun. Kung tulong-tulong tayo, mahuhuli natin siya. " I concluded confidently.
BINABASA MO ANG
Hate Is The New Love
FanfictionA series of unfortunate events chase the conflict-free life of a senior highschool, Cheon Red Hwa, after meeting the newly annoying transferee from their rival school. Little did she know, she's not only dealing with in denial romantic feelings to...