Chapter 16 - Reunited

423 22 2
                                    


Paika-ika akong naglakad patungo sa sasakyan ni mommy. Nakabalot ng benda ang aking mga kamay at sugat sa noo samantalang nakasuot rin ako ng leg brace upang hindi ako matumba. Medyo naghilom na ang ilang sugat ngunit sariwang-sariwa pa rin ang leg injury ko nang daganan ng malaking kahoy.

"Do you want me to come with you? " nag-alalang tanong ni mommy sakin. Nandito na kami sa tapat ng gate ng aming school. Maraming mga studyante ang nagmamadaling pumasok dahil malapit nang mag morning ceremony.

Umiling ako, "It's okay. I can handle myself. " hinalikan ko si mommy sa pisnge bago lumabas ng sasakyan.

I wave goodbye at her. Hinintay naman niya akong makapasok sa loob ng school.

Masarap sa pakiramdam na hinatid ulit ako ni mommy sa school, huling ginawa niya ito ay grade school pa lamang ako.

Hinatid lang naman niya ako dahil malala ang kalagayan ko.

Mukhang kailangan ko pa yatang balian ng kalamnan upang ihatid ulit niya ako.

Habang tinatahak ang malaking hallway sa aming department building, napapatingin ang mga nag sta-standby sakin. Nagbubulungan sila. May ibang naawa sa kalagayan ko meron ding natawa. Happy siguro sila na makita ako.

It's been two weeks since the incident happened. Two weeks na para akong na-paralyze sa hospital, hindi makalagad at hindi makakilos ng maayos.

Mom was definetely terrified when she saw me on the news. On going pa rin ang investigation. Hanggang ngayon ay wala silang suspect kung sino ang nag-abduct sakin but the only thing they have to find out the culprit is the letter. Oo, may letter raw na iniwan ang nag-kidnap sakin.

Pakiramdam ko nga ay warning iyon.

Di kaya si pinkdroplet ang gumawa ng lahat ng ito?

Iyan ang gut feeling ko.

Siya lang rin naman ang natatanging pinanghihinalaan ko.

I told the police about that anonymous account ngunit sabi nila ay mahihirapan silang malaman kung sino iyon dahil nga deleted ang account.

If it's really her, why did she have to went this far? Hindi ba siya natatakot na makapatay ng tao?

And she's doing all of this dahil kay Xiam.

Unbelievable.

Mga kabataan talaga ngayon, gagawin ang lahat makuha lang ang taong gusto nila kahit makasakit at mang-apak ng kapwa.

Huminto ako sa tapat ng pintuan ng classroom. Rinig ko mula rito ang ingay ng aking mga ka-klase.

Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang doorknob.

Dahan-dahan ang aking paglakad habang nakatingin sa sahig.

Ramdam ko ang paninitig nilang lahat. Ang kaninang magulo at maingay na klase ay natahimik bigla nang pumasok ako.

Lakas maka main character sa isang story.

Napasulyap ako kay Jake pagka-upo ko. Xiam is not present.

Hate Is The New LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon