Chapter 4 - Secret Admirer

768 27 2
                                    

Xiam's POV

Sinundan ko si Ms.hudas sa library. Matapos ang klase ay kaagad siyang umalis. Na-curious lang ako kung saan siya pupunta. I'm surprise sa library siya tutungo.

Paborito ba nya 'tong lugar?
Nakakatakot nga itong puntahan eh.
Di uso library samin, bar lang.

Umupo ako sa pinakadulong upuan kung saan tanaw ko ang ginagawa ni Ms.hudas. I'm not her stalker and I will never be. Curious lang talaga ako.

Dumiretso siya sa section ng mga horror books. Ang astig dahil lahat ng klase ng mga libro ay nandito.

Mahilig pala siya sa horror books.

Hindi na ako magtataka pa, mukha palang niya nakakatakot na tignan.

Matapos pumili ng libro ay umupo siya sa pinaka-harapan. Malayong-malayo sakin ngunit natatanaw ko pa naman. Pa-simpleng kumuha rin ako ng malaking libro, kunware nagbabasa ako. Sinusulyapan ko kung ano ang ginagawa ni Ms.hudas.

Tahimik siyang nagbabasa ng libro. Ang sarap gambalain ngunit hindi pwede. Nasa library kami ngayon, malintikan pa ako ng librarian pag may ginawa akong kalokohan.

Tinanggal niya ang kanyang pantali sa buhok. Dahil dun ay na-expose ang mahaba at straight niyang buhok. Parang nag slow motion bigla.

Anong kabaklaan 'tong pinagsasabe ko?

Nakaharap siya sa direksyon ko kaya isang maling galaw ko lang ay tiyak na malalaman niyang nandito ako.

Bigla siyang ngumiti habang nagbabasa. Malapit akong mahulog sa kinauupuan, buti na lamang malakas ang kapit ko sa mesa.

Natigil siya sa pagbabasa at napalingon sa direksyon ko. Para akong bakla na natatarantang kunin ang malaking libro at tinakpan ang pagmumukha ko.

Aksidenteng tumama ang siko ko sa dulo ng mesa dala ng pagkataranta. Napapikit ako sa sakit dahil para akong kinuryente.

Mukhang hindi naman siya nanghinala dahil nagpatuloy ulit si Ms.hudas sa pagbabasa. Napahinga ako ng maluwag.

Ang likot niyang magbasa. Panay ang himas niya sa tiyan at batok.

Nagugutom kaya siya?

Cheon's POV

Habang nagbabasa ay panay ang himas ko sa tiyan. Kanina pa ako nagugutom ngunit ayaw kong kumain. Hindi ako sanay mag-isang kumain sa cafeteria. Ayaw ko magmukhang loner! Tsaka may anxiety rin ako kapag kumakain ako sa public. Okay lang kung tumatambay pero yung kumakain? No please.

Nasaan na ba kasi ang mga bruha? Taray ng shopping galore nila, whole day!

Kinuha ko ang cellphone mula sa bag, I check the librarian first kung nakabantay siya sakin. Turns out, she's busy on her phone as well.

Kaagad kong inopen ang gc namin.

Tadtad ito ng mga pictures nila at kung ano-ano. Pinapamukha ng limang bruha na mali ang desisyon kong hindi sumama sa kanila.

The Bruhilda Girls

Cheon

Lagot kayo kay sir james.
May surprize quiz kanina tas
absent kayo.
√seen

Cheon

Wala ba kayong balak pumasok?
√seen

Cheon

Hate Is The New LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon