Chapter 27 - Panliligaw

409 17 2
                                    

"Hudas, kinakabahan ako. Look at my hand. " bulong ni Xiam sakin sabay pakita ng nanginginig niyang kamay.

I let out a small laugh tsaka hinawakan ang kamay niya. Medyo nabigla siya sa ginawa ko. "Chill ka lang. Kung aawayin ka man ni mama, tumakbo ka na in advance bago ka pa matamaan ng tsinelas. Gets? " tinakot ko siya imbes pagaanin ang loob.

Mas lalong kinabahan si mokong, "Basta huwag kang umalis ha. Dito ka lang, samahan mo ako." he said. I can feel his hand shaking. Hindi nakakatulong ang lamig ng panahon.

Ilang sandali pa, bumaba na si mama galing sa kwarto. She's well dressed today. Pang madam ang style. Binitawan ko ang kamay niya upang hindi makita ni mama. 

Kaagad napatayo si Xiam tsaka nag bow ng 90 degrees. 

"G-good afternoon po t-tita . . . . " bati niya. Pati pisnge ay nanginginig.

Pinipigilan kong matawa dahil para siyang tuta. Malayong-malayo sa tunay na Xiam na tarantado.

Nakataas ang kilay ni mama, tumango lang siya. Honestly, kinakabahan din naman ako sa kung anong sabihin ni mommy sa kanya. Nakaupo kaming dalawa sa harapan ni mama, pakiramdam ko magpapaalam si Xiam kay mama na ita-tanan niya ako. 

Mom took a sip of her coffee and made direct eye contact at Xiam. "So, are you dating my daughter? " diretsong tanong ni mama kaya malapit akong matumba sa kinauupuan.

He cleared his throat, nakatingin ako sa kanya. "H-hindi pa po. "

"Why? "

Napasulyap siya sakin bago sumagot, "Gusto ko munang ligawan ang anak niyo po tita. Tsaka mga bata pa naman kami, there's plenty of time to think about this. " 

Napatango-tango si mama, mukhang bilib sa sinabe ni Xiam na liligawan daw ako. Teenagers these days don't do courting anymore so it's a surprise for mom. 

"I'm glad you want to court her. " 

Patagong binigyan ko ng thumbs up si Xiam upang mawala ang kaba niya. Then I tap his back twice. 

"You're Xiam, right? " tanong ni mama na ikinatango ng huli.

"Opo. Xiam Vargas is my full name. "

"Nabanggit kasi ng kaibigan ni Cheon na crush ka raw ng anak ko dati pa. " 

Halos na ako mahimatay sa sinabe ni mama. Xiam automatically averted his gaze at me, looking like I did something funny. Nakataas ang kilay niya, probably he's thinking "Did you have a crush on me long before? " 

Gosh, this is so embarrassing.

"Mama, lakas mo naman maka fake news! " gusto ko nalang kainin ng lupa ngayon. 

"What? There's nothing wrong with having a crush," she replied. Naku, kung alam lang sana niya na para kaming aso't-pusa ni Xiam dati. Nagkakarerahan pa nga ang pride namin.

After that, napunta ang topic sa life story ni Xiam. Tahimik akong nakikinig sa gilid. Naubos ko na yata ang snacks na nakahanda, para sana sa bisita. 

"You mentioned earlier that your surname is Vargas. Kayo ba yung may nag-ari ng isang----"

"Yes, tita. Kami po. " he interrupted. Napakunot ang noo ko. 

Curious ako kung anong pagmamay-ari nila. I feel it's a huge company since Xiam is incredibly rich.

"Where are your parents' pala iho? Are they here also? " mom continued. 

Nakita ko ang pag-aalinlangan ng aking katabi. He's feeling uneasy the way his feet are pointing towards the opposite direction as to where my mom is sitting. Magsasalita na sana ako kaso sumagot siya. "They are currently in our hometown. Nag ta-trabaho. " 

Hate Is The New LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon