Chapter 2 - Forget the past

1.1K 36 3
                                    

Naaawa kong tinitigan sina ate at mama na nagyayakapan. Napa iling-iling na lamang ang pilipinong police.

At yun na nga ang nang-yare.Kinuha kaming dalawa ni ate.Panay ang pagpumiglas naming dalawa ngunit masyadong malakas sila. Hindi namin alam kung ano ang gagawin nila sa amin.

"Huwag nyong kunin ang mga anak ko!" pagmamakaawa ni mama. Lumuhod siya sa harapan ng mga pulis.

"Hindi pwede ma'am,kailangan sumama samin ang mga anak mo." sabi ng dalawang pulis, hila-hila nila kami sa braso. "Hindi makatarungan na idadamay ninyo ang mga anak ko! Ang asawa ko ang hanap niyo diba? Bakit kailangan silang madamay? "

Wala pa akong kamalay-malay sa nangyayare pero alam kong delikado na ito. Sisihin ko ba si ate kasi lumabas syaI dont know.

Isinakay nila kami sa isang police car. Siksikan kaming tatlo. Katabi ko si ate at katabi niya ang isang pulis. Parehas kaming umiiyak ni ate.

Kapwa kami lumingon ni ate sa likuran. Para akong tinakasan ng lakas nang makitang hinahabol ni mama ang police car. Naka-paa lang siya at panay ang pag-sigaw.

Hangga't sa hindi ko na sya matanaw.

Tatakas kami mama. Pangako.

Naawa ako kay mama kaya naiyak narin ako. Mahigpit ang pagkakahawak ni ate sa aking mga kamay, para bang pinapahiwatig niyang magiging okay lang ang lahat.

"Tumahimik ka bata! Ang ingay-ingay mo!" naiinis na sigaw ng isang police. Tinikom ko ang aking bibig dahil nabigla ako sa lakas ng boses niya.

Biglang huminto ang sinasakyan namin sa may tabing dagat. Ewan ko nga lang bakit. Anong trip nila? Nakita ko sa malayo ang isang malaking barkong may kargang malalaking box. Kinabahan ako dahil baka dun kami ilipat.

Hindi naman siguro.

Mga pulis sila nica at hindi kidnaper.

Pero ang assuming ko naman na doon nila kami dadalhin sa barko. Dadaan lang pala kami. Mula sa malayo, tanaw ko ang isang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad lang ni papa. Mukha siyang galante dahil sa suot niyang mga alahas at tuxedo. Sa likuran niya ay isang mamahaling sasakyan.

Kahit nakasuot siya ng bilugang salamin, alam kong nakatingin siya sa sa'min.

Para bang hinihintay niya kami.

Napatingin sakin si ate, bakas sa mukha niya ang kaba. Parehas kami ng iniisip. Pinisil niya ng dalawang beses ang kamay ko. Tumango ako, naiintindihan ko ang pinapahiwatig niya.

Hate Is The New LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon