Chapter 12 - Icey's past

453 23 0
                                    

Bukas ay ang araw ng recollection namin kaya halos walang teacher ang pumapasok sa klase. Buti naman, nakatulog ako ng isang oras. Tulo laway pa nga eh.

Bagot na bagot kong pinagmasdan ang mga ka-klase ko. Parang mga nakatakas sa presinto. Sa pinakalikuran nagkukumpulan ang ilang mga boys, nanunuod ng porn. Nagtatawanan pa ang mga mokong, nasanay na kaming lahat dahil gawain na nila 'yan ever since.

Nakisali ring nanuod sina Mark at Justin. Mga kupal talaga.

Meanwhile, sobrang tahimik ni Xiam sa likuran ko. Always like he doesn't want to be here, bagot na bagot. Since nung huli naming interaction ay never na kami nagpapansinan pa. Parang may cold war sa pagitan naming dalawa.

Akala ko nga magpapakalat na naman ng issue si pinkdroplet about sakin dahil binantaan ulit niya ako ngunit hanggang ngayon ay wala pa naman akong nalalaganap na issue. Hindi na siya gaanong nagpaparamdam sa ngayon. Sana nga hindi na talaga siya magpaparamdam!

Jake on the other hand is enjoying playing on his phone. Itong katabi ko namang si Aya ay nanunuod ng anime.

Putek, three hours pa bago dismissal. Ang tagal naman!

Dahil hindi ako makapaghintay, I got up at asks the class president. "May I go to the CR? " I asks in a kid tone.

Nagulat siya, "Ikaw pala 'yan Cheon! Akala ko may batang nakapasok rito. Ba't kailangan mo pang magpaalam sakin? Of course you may, basta dalian mo lang. " napangisi nalang ako kasi nakikipaglandian pa siya sa boyfriend niya.

Lumabas ako sa classroom. Diretsong naglakad at nilagpasan ang restroom.

Sike, tatambay lang talaga ako sa open field.

Madaming mga senior high ang pakalat-kalat sa hallway dahil nga walang teacher na pumasok. Mahihirapan na naman ako nito, pano ba naman kung sariwa pa rin ang issue.

As usual, may iilang napapatingin sakin. I just ignore them, hindi ko rin naman ikakamatay ang paninitig ng mga 'yan.

I was about to exit the building nang biglang may humigit sa aking kaliwang kamay.

Gulat akong napalingon.

"Icey? " galit na pagmumukha ni Icey ang bumungad sakin.

Ang higpit ng pagkakahawak niya sa aking kamay. Sobrang pula rin ng kanyang mukha, her eyes are also swollen. She is alone, wala ang mga minions niya.

"A-anong problema mo? Bitiwan mo ako. " napaatras ako.

Nanlilisik ang mga mata niyang nakapukol sakin.

Walang pasabing hinila niya ako. Aangal na sana ako ngunit masyado siyang malakas kaya hinayaan ko nalang rin. I don't know where on earth she would take me to.

Napapatingin samin ang mga tao. Nagtataka kung bakit hila-hila ako ni Icey.

Tuluyang binitiwan niya rin sa wakas ang aking kamay. Dinala niya ako sa likuran ng building kung saan walang masyadong tao.

"You bitch! " gigil niyang sigaw sakin.

D-did she just call me a bitch?!

Anong problema ng babaeng 'to?

Dinuro niya ako, "All this time nandito ka lang pala. Buong buhay ako naghanap ngunit nandito ka lang pala. You fucking son of a bitch! "

"Anong pinagsasabe mo?! Wala akong naiintindihan! " sigaw ko rin. Ngayon ay umiiyak siya dala ng galit.

"Nagmamanga-mangaan ka pa talaga!"

"For God's sake Icey, wala akong ideya sa pinagsasabe mo. " i keep my distance from her dahil baka kung ano nalang ang gawin niya sakin.

Hate Is The New LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon