If I could just run away right now, kanina pa siguro ako nakauwi sa bahay namin.
I don't know why I'm nervous. Ewan ko ba. Nung narinig ko pa nga lang ang pangalan ni Xiam, umikot paningin ko bigla ngunit dinagdagan pa talaga ng mga barkada niya.
The lady open the door for us, giniya niya kami papasok. Para kaming mga tanga dahil nagsitulakan kung sinong unang papasok sa'min. Nakakahiya kasi first time. Tignan mo kapag umabot na ng isang taon, kami pa siguro ang mag gui-guide sa mga kasambahay rito.
"Ako na nga lang unang pumasok. " sapaw ni Denise. Salamat naman. Maswerte ako at merong kaibigan na medyo makapal ang mukha. Not in a bad way.
Ayaw 'kong tignan ang loob. Nasa pintuan pa nga lang ako, rinig na rinig ko na ang tawanan at ingay sa loob. Nangunguna ang boses ni Charles at Justin na kumakanta ng rolling in the deep.
Ako ang huling pumasok. Kabadong-kabado ako syempre.
"Thank goodness you guys are here. Akala ko ayaw niyo nang sumipot. Two hours kayong late! " stress na stress si Icey, sinalubong kami. May dala-dala pa siyang soju sa kanang kamay.
Napalunok ako. Mukhang mapapasabak ako neto sa inuman ah.
Joke. Hanggang apple juice lang talaga ako.
Hindi ko pa tinignan ang mga boys dahil ayaw ko lang. Kaagad naming ibinigay kay Icey ang kanya-kanyang gift namin. Hindi nga sya nag-expect. Mukhang totoo naman ang pagkaka-surprise niya.
"Titignan ko 'to mamaya. For now, karaoke muna tayo! " sa lahat-lahat ng pwedeng hilahin, ako ang pinili niyang paupoin malapit kay Xiam.
Napatingin ako sa kabuoan ng karaoke room. Malaki ang space niya, insakto para sa thirty people. May disco ball sa itaas kaya para kaming nasa bar. May mga design sa dingding, iba't-ibang kulay ng balloons. Sa gitna naman merong maliit na table kung saan nakalagay ang mga chichirya. Syempre nandirito ang mga alagad ni Xiam. P7 ang tawag nila sa sarili, ang baduy nga pakinggan.
Anyways, lahat sila enjoy na enjoy. Si Mark nga sayaw ng sayaw sa gilid. Parang tatay na lasing kapag may disco.
Nagtama ang paningin namin ni Jake. Pangisi-ngisi lang siyang nakaupo sa gilid. Kumaway siya as always. Kumaway rin ako pabalik. Naputol ang moment naming dalawa nang hilahin ako ni Icey.
Napatingin ako kay Icey na ngayon ay hila-hila ako sa braso. San ba talaga niya ako gustong paupuin?
Gusto lang pala niya ako makatabi. Kaya ayun, tahimik akong umupo. Bale sa sofa na kinauupuan namin, kaming apat ni Xiam, Irish at Icey ang nakapwesto dito. Sa tapat namin sina TJ at Mark dahil sina Justin at Charles ay nakatayo. Birit na birit kasi sa kantang rolling in the deep.
Meron pang isang sofa na nakalaan para sa mga bruhilda girls. Hindi ko inexpect dahil kaagad naging comfortable sila rito pwera lang sakin. Si Denise at Bella, nag-aagawan sa pangatlong mic. Si Edz naman taga-awat. As always, nilalantakan ni Andrea ang mga chichirya.
"Sinong kakanta ng put your hands on my shoulder? " tanong ni TJ.
Kaagad nagsalita si Mark, "Ako pre! Kanina ko pa 'yan ni re-request. " nakataas pa talaga kamay niya na parang kindergarten na sasagot.
"Oh ikaw naman Irish, anong gusto mong kantahin? " baling ni TJ kay Irish na inakala 'kong statuwa dahil kanina pa sobrang tahimik.
He shrug, "I'm good dude. " casual niyang sagot. Nag e-enjoy pa ba sya sa buhay niya? Para kasing gusto nang umuwi at matulog. Hindi lang siguro halata na nag e-enjoy rin sya. Introverts nga naman.
Habang kumakanta si Mark ng put your head on my shoulder, pa-simple 'kong sinulyapan si Xiam na katabi ni Irish.
It's such a relief to see him smiling a little bit. Sobrang tagal nang hindi ko nasilayan ang playful niyang ngiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/97623175-288-k732673.jpg)
BINABASA MO ANG
Hate Is The New Love
FanfictionA series of unfortunate events chase the conflict-free life of a senior highschool, Cheon Red Hwa, after meeting the newly annoying transferee from their rival school. Little did she know, she's not only dealing with in denial romantic feelings to...