Chapter 20 part 1 - Reto

459 23 0
                                    

"Ma'am Cheon, may bisita mo kayo sa labas! "

Putangina. Ang aga-aga, may bwesita kaagad.

Hindi ako kumibo, nakapikit pa rin ang mga mata at sinubukan ulit matulog.

"Ma'am, bumangon na ho kayo. Kanina ka pa niya hinihintay. " biglang inagaw ni yaya Anne ang unan na nakatalukbong sa aking mukha kaya diretsong tumama sa'king mga mata ang nakakasilaw na liwanag galing sa laabas.

I groan, "Who is it? Ba't ang aga niya? "

"Puntahan niyo lang ho sa labas. " ate Anne said then immediately left.

I'm still wearing my pajama at sobrang gulo ng buhok. Wala akong ideya kung sino itong bisita ko ngayong umaga. Could it be the bruhilda girls? Nah, I doubt. Kung sila ang bisita ko edi kanina pa yun nanggugulo sa kwarto ko. Makapal kasi pagmumukha ng mga 'yun.

Naghilamos nalang ako, nag toothbrush at nagpalit ng mas presentableng damit before bumaba sa hagdan.

Dumiretso ako sa labas ng bahay dahil nandun daw naghihintay ang bisita ayun kay yaya Anne.

May isang BMW ang nakaparada sa labas, nagmamaneho nun ay walang iba kundi si bakla. Kun, ate's bestfriend.

"What on earth are you doing here this early morning?! " salubong ko sa kanya. Nakapameywang.

He's wearing pink suit and lots of piercings. Para siyang pupunta sa casino o fashion show. "Oh, san punta mo? Ke-aga-aga, mang hu-hunting ka kaagad ng mga baby boys. " dugtong ko pa tsaka isinandal ang kamay sa nakabukas na bintana.

"Oh my gosh, I told you ire-reto kita ngayon. Ano ba 'yang suot mo! Makikipag blind date ka at hindi mag sle-sleep over ha! " sabi ni bakla, diring-diri. Grabe naman siya sa shorts at oversize t-shirt ko.

By the way, did he say reto?! Seryoso ba talaga siya sa sinabe?

"You're crazy. Hinding-hindi ako sisipot dyan sa blind date mo----" before I could say something, he grab my hand and drag inside his car. Syempre hindi ako nakapalag dahil malakas siya despite being binabae.

"Kidnap! He kidnap me! Tulong! " sigaw ko habang sinimulan niyang paandarin ang makina.

"Echos ka girl! Alam kong hindi ka talaga papayag kaya kidnappin nalang kita. May binili akong damit dyan sa likuran, para sa'yo 'yan. " he said. Nakabusangot pa rin ako. Hindi na ako natutuwa sa mga pangyayare.

"Do you know that wala pa akong ligo? " I raise a brow. What if laitin ako ng lalaking ire-reto niya sakin. I mean, hindi naman sa amoy galunggong ako o ano. What if lang talaga maarte siya.

Tinignan niya ako sa rearview mirror, "Problema mo na 'yan. " tawa niya.

"Umayos kang barbie ka kundi tatalon ako habang naka-andar 'tong sasakyan mo. " seryosong banta ko sa kanya ngunit tinawanan lang ako ni gago.

"Go ahead, ikaw lang rin bugbog sarado. "

Ugh, nakakainis.

Huminto siya sa isang public restroom, inutusan akong magbihis ng damit na binili niya. Of course, I have to obey. Ano pa bang magagawa ko. I'm actually planning to ditch the blind date after Kun will leave.

It's a good thing na hindi maikling dress ang binili niya. Long sleeve rin, fitted. May high heels at maraming jewelries. "Ay, mukha ka nang tao tignan. Make-up nalang kulang. " Kun said. Nanlait pa talaga.

Ako na ang nag make-up sa sarili. I did some natural make-up. I wasn't able to curl my hair dahil walang dalang curler si Kun. Anyways, it doesn't matter. Hindi nga ako naghahangad na magugustuhan ng lalaking ire-reto niya. Basta makauwi ako, yun ang importante.

Hate Is The New LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon