Chapter 30 - Plan gone wrong

446 23 0
                                    


"Oh, kain ka muna. Eto lang meron kami kasi hindi nakapag-grocery ang yaya namin kahapon." nilapag ni Icey ang sampung chichirya at banana milk sa coffee table.

My eyes widened, "What are you talking about? Ang dami kaya nyan! " Ganyan ba talaga kapag mayaman? Kaloka.

Umupo siya sa aking tabi tsaka tumingin sakin ng diretso, "Tungkol ba kina Xiam at Jake ang problema mo ha? Ginulat mo ako kanina. Akala ko sinong tao ang kumatok sa pintuan, mag-isa pa naman ako ngayon. Like girl, it's 9am in the morning, I'm still dreaming at this hour. " reklamo niya. Nag peace sign na lamang ako. Ayaw ko kasing gambalain ang mga bruhilda girls kasi alam kong busy sila sa sari-sariling buhay lalo na si Kayla na nag-aaral sa medical. 

Para sakin, ang liit ng problema ko. Nakakahiya rin kasing mag-sumbong sa harapan nila. I feel like hindi gaanong kelakihan ang 'love' problem. Kaya itong si Icey nalang gambalain ko ngayon, mabuti pa 'to kasi alam niya sina Jake at Xiam personally because they've been bestfriends before. I wonder why they split up though.

"Na s-stress ako sa kanilang dalawa, nilalagasan na nga ako ng buhok. Shuta anong gagawin ko? Ang laki ng pride ni Jake, kahit anong kumbinse namin, ayaw talaga niyang makipag-usap kay Xiam. So stubborn. " I let out a deep sigh at tinungga ang banana milk na parang alak. 'Di ako pwede sa beverages eh, walang choice.

Isa pa, yung parents ni Jake. Irish told me, which is his cousin, na may plano raw ilipat si Jake ng magulang niya sa ibang school malayo kay Xiam upang hindi masangkot sa gulo but Jake insisted, tutol ito. Ayaw niyang lumipat ng school not because he doesn't want to be separated from P7. Assuming man pakinggan, ayaw niyang mahiwalay sakin. 

Should I be worried though? He seems kinda over the top. Like obsessed or something. Ay wow, I sound like a narcissist.

"Sinubukan kong humingi ng tulong sa P7 ngunit wala rin eh. Pati sila ayaw kausapin. " tuluyan akong nanlumo. Naubos ko kaagad ang isang banana milk.

Before I forgot, nandito ako sa bahay ni Icey. Kinapalan ko ang mukha at pumunta rito kahit hindi kami close. Feeling close lang.

"He's always like that. Magkatulad silang dalawa fyi, parehong matigas ang ulo. " napailing si Icey. "Pero kung ayaw niyang mag-usap silang dalawa. Then, you have to do something upang mapilitan silang kausapin ang isa't-isa. Ikaw mismo ang gumawa ng first move kumbaga. " aniya na ikinangiti ko.

Oo nga noh, dapat ako gagawa ng first move upang kausapin nila ang isa't-isa. I don't have a choice but to force them. 

Paano? 

"How? Di naman pwedeng kargahin ko silang dalawa patungo sa lugar na walang katao-tao tas ipilit silang kausapin ang isa't-isa. " napakamot ako sa ulo.

Nang tignan ko si Icey, nakangiti na siya. Ngiting may naisip na kalokohan. Na i-imagine kong may lightbulb sa itaas ng ulo niya. "Sis, you just gave me an idea. " she smirk and raise her index finger.

Kumunot ang noo ko, ano kayang iniisip ng babaeng 'to?

Then I realized . . . . 

Napasinghap ako at pinanlakihan siya ng mata, "No way! Don't tell me . . . . " I didn't even get to finish the sentence when she continuously said "Yes way! "

******
Third Person POV

"Ito lang? Tsk, nakakalimutan mo bang napaka-mahal ng bilihin ngayon? Dagdagan mo pa ng another three thousand. "

"Oo nga, hindi madali ang misyong ipapagawa mo sa'min kaya dagdagan mo. "

Agresibong napakamot sa batok si Pinkdroplet nang marinig ang reklamo ng tatlong tao na binayaran niya upang ipasagawa ang 'plano'. 

Hate Is The New LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon