"Talaga? May freedom of speech na magaganap sa klase niyo ngayon? " tanong ni Denise.Stress akong napatango, "Yeah. Maganda sana eh kasi pwede naming sabihin kung ano ang gusto naming sabihin but my problem is that I still can't figure out what I'm gonna say in front. " problemado kong sagot. Yep, hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko sa aking mga ka-klase.
"Don't worry cheon, bibigyan ka namin ng idea. " Edz pat my shoulder twice.
Ngayon lang ulit kami nagkaroon ng oras magsama dahil sobrang busy nila sa sari-sariling club. Kaninang umaga ay kalahati na ng mga ka-klase ko ang natawag at nagbahagi ng kanilang freedom of speech. Isa ako sa hindi pa natawag. For goodness sakes, kahapon ko pa pinag-iisipan ang sasabihin ko ngunit wala talagang sumagi sa brain ko, kaloka!
We're currently heading towards our classroom, nauna nang nagpaalam si Andrea dahil tinawag ng mga ka-club mates niya. Nabanggit ko na bang isa siyang drummer sa school namin? Membro si Andrea ng isang band, she's the drummer at minsan naman ay sub-vocalist. Diba talentado, pwede nang sumali sa Pilipinas got talent.
"You should definitely roast each one of them. Gawin mong tostado! " tawa ni Bella na ikina-iling ko.
Binatukan ko si gaga kaya napa-aray siya, "Anong roast each one of them? Ano, pagsasabihan ko sila ng masama gayung memorable nga ang araw na ito dahil ga-graduate na. "
"Sabi ko nga eh, dapat maganda ang sasabihin mo. "
Edz suddenly snap her fingers, "Alam ko na! Ano kaya kung ibahagi mo sa kanila ang mga memorable moments niyong magka-klase? "
Good idea, pero may problema. "Maganda sana kaso hindi naman kami close ng mga classmates ko. Ano, gagohan lang? Kunware close talaga kaming lahat? " natatawa na lamang ako. Some of the girls in our class envy me dahil kinakausap ako ng mga alagad ni Xiam. For sure hindi nila ako gusto.
Habang tinatahak namin ang hallway, kanina ko pa napapansin na tahimik si Kayla. Tulala. Diretso ang tingin. Mukhang hindi nakikinig sa mga pinag-uusapan namin.
Tinignan ko sina Denise, Bella at Denise tsaka ningusuan si Kayla.
"Anyare dyan? " tanong ko sa kanila.
They all look at Kayla then shrug, "Ewan ko sa kanya. Napakatipid magsalita eh, hindi naman tumaas ang presyo ng mga words. " sabi ni Bella.
"Tinanong ko nga kanina kung anong problema pero ayaw niyang sabihin. Siguro red flag ata. " dumikit sakin si Denise at kuampit sa braso ko na parang unggoy. Clingy talaga.
Instead of asking Kayla what's wrong, hinayaan nalang namin siya. Isa kasi 'yan sa mga gawain naming magba-barkada. Kung meron mang problema na ayaw sabihin, huwag nang kuliting alamin.
We respect each other's privacy.
Ngunit hindi ko pa rin maiwasang mabahala sa kanya.
"Huwag mo nang masyadong isipan si Kayla, baka talaga ni re-regla. " bulong sakin ni Denise. Maybe, she's right. May regla lang siguro.
"I'll try to talk to her later. " sabi ni Edz. Napahinto kaming lahat dahil nasa tapat na kami ng classroom ko.
I wave goodbye at them, "See ya guys later. Just chat me kung sabay tayong uuwi mamaya. " tumalikod na ako at pumasok sa classroom.
Napahinga ako ng maluwag dahil wala pa sina Jake at Xiam. Buti nalang. Ewan ko ba, kinakabahan kasi ako sa tuwing nakikita ko ang mga kumag. Okay, iisa-isahin natin kung bakit.
Lately, tumutubo ang feelings ko para kay Jake. But still, hanggang crush pa naman. Paghanga muna. Hindi pa love.
Kay Xiam naman.......ugh! Kinakilabutan talaga ako.
BINABASA MO ANG
Hate Is The New Love
Fiksi PenggemarA series of unfortunate events chase the conflict-free life of a senior highschool, Cheon Red Hwa, after meeting the newly annoying transferee from their rival school. Little did she know, she's not only dealing with in denial romantic feelings to...