Chapter 24 - Bear

430 20 1
                                    

I'm busy preparing myself for a date with Jake tonight. 

It's currently 5pm, susunduin ako ni Jake ngayong alas syete. Diba sobrang aga 'kong mag prepare? Advance masyado, kala mo naman sa ibang bansa kami mag d-date. Anyways, naglagay ako ng natural make-up. Slight lang naman. Hindi kasi ako kegalingan sa pag ma-make up. One time nga parang sinampal ni saitama yung pisnge ko dahil sa sobrang pula. I was seventh grade at that time so . . . .

Nakalagay sa kama ko ang dalawang outfit na gustong suotin. Outfit number one makes me look expensive, yet it's out of my comfort zone. Kulay pulang dress na hanggang tuhod ang haba tas backless pa 'yan ha. Yung jewelry naman ay puro perlas and lastly, red high heels na tinurnahan ang dress ko. 

The second outfit is very casual, dito ako komportable. Ngunit magmumukha naman akong basahan nito. I'm pretty sure Jake would wear something expensive tas ganito lang suot ko? 

Also, he told me na mag di-dinner kami sa restaurant ng auntie niya. When I search for it, malapit akong malagutan ng hininga. Sobrang gara kasi, pang italian ang style. Napag-alaman ko rin na maraming mga celebrities ang bumibisita roon. Sinong mga celebrities? 

Sina Zendaya, Chris hemsworth, Tom Holland, Kendal Jenner lang naman. 

I'm contemplating whether to choose the outfit that makes me comfortable or the other one that makes me look better but out of my comfort zone?

In the end, I choose the first outfit. The dress one.

Napabuntong-hininga ako at nag-ayos na lamang ng buhok. I'm nervous as heck. Bahala na. 

My dear mother doesn't know about this 'date' of mine. Why would I tell her? Paniguradong hindi ako papayagan kahit pa si Jake 'yan. Pero ewan ko ba kung bakit pumayag siya nung blind date. 

Instead, sabi ko nalang sa kanya ay meron kaming project. Kinuntsaba ko pa talaga si Aya para pumayag si mama. 

Kinulot ko ang dulo ng mahaba 'kong buhok. Ito lang alam 'kong gawin eh. Masyadong risky 'pag nag-pony tail ako. What if my side profile is bad? Tas mapapangiwi nalang si Jake sa tuwing nakikita niya ang side profile ko? So mas safe ang nakalugay.

Pagkatapos mag-ayos, tinignan ko ang sarili sa malaking salamin. 

Damn, I look like a human now.

Nakakapag-ayos lang ako ng ganito sa tuwing sinasama ako ni mama sa mga award shows. 

Nag beep ang cellphone ko na nasa loob ng purse bag na dala-dala ko. Bumungad ang napakaraming messages galing sa bruhilda girls.

THE BRUHILDA GIRLS

Belalalat
Omgeee, totoo ba ang nalagap
'kong balita?

Andrea Brilyante
Ano? 

Belalalat
Breaking news. Di umano'y 
merong nagbalikan nang
hindi man lang tayo sinabihan.

May saltik sa ulo
Hmmmm sino kaya ang nagbalikan?

Belalalat
Tanungin kaya natin si Kayla?
Baka may idea siya?

May saltik sa ulo
Excuse me ms. Kayla, totoo po bang
nagbalikan kayo ni sir Nathan?


Kayla (Pinakasexy)
Ughh shut up you guysss


Andrea Brilyante

Kaya pala tahimik ka na ngayon at 
palaging may lakad. You're busy
with that dude

May saltik sa ulo
You owe us an explanation

Andrea Brilyante
Nag level up na yung english skills mo denise

Hate Is The New LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon