Chapter 22 - A mini date with the one I hate

451 22 0
                                    

"Cheon, will you be my girlfriend? " 

I'm in deep shock right now. Sa sobrang gulat ay namanhid buong katawan ko. Alam mo yung feeling na binuhusan ka ng tubig na may ice? Ganyan na ganyan ang nararamdaman ko ngayon.

My mind can't still comprehend what did he just said. Tama ba ang pagkarinig ko? Will you be my girlfriend daw? Baka nagkamali lang siya? Baka it's a prank lang 'to? 

"C-cheon? " napansin niyang kanina pa ako hindi makapagsalita.

My heart is beating so damn fast. Jake wants me to become his girlfriend? Para siyang musika sa aking tenga, nagdiriwang ang aking isipan ngunit ang puso ko . . . . . parang nag-aalinlangan?

I should be happy that he has feelings for me. Pero bakit ganito?

Bakit hindi nag-aalinlangan ako? Hindi ba't crush ko siya?

"J-jake kasi ano. . . . . " hindi ko alam kung anong dapat 'kong sasabihin.

Naghihintay siya sa susunod 'kong sasabihin. I step back at binawi ang kamay 'kong kanina niya pa hawak-hawak. "I'm not yet ready. " iyon ang lumabas sa aking bibig.

Natigilan siya.

"But soon you will right? " his  eyes were full of hope. Nakangiti pa siya na para bang siguradong sasagutin ko rin siya balang araw.

Ano bang sasabihin ko sa kanya? Nalilito pa kasi ako. . . .

Bumalik sa aking isipan ang eksena namin ni Xiam kanina. When I stared at his face while singing way back into love, I felt something different. Iba sa palagi 'kong nararamdaman kay Jake. It was something spectacular. Hindi lang butterflies sa tiyan ang naranasan 'ko, it was greater than that. 

Then I realized. . . . 

I didn't actually hate him.

Na-misinterpret ko lang ang feelings ko.

Napapitlag ako sa gulat nang hawakan ulit ni Jake ang kamay ko, sobrang lapit niya sakin. "Cheon, tell me. Sasagutin mo naman ako diba? " all I could see is desperation in his eyes. 

Natataranta na ako.

"By the time I'm ready. " aksidenteng nadulas ang aking dila. Hindi sana yun ang ang ibig 'kong sabihin. Sobra kasi akong nataranta!

His face immediately lit up. Sobrang saya niya. Jake suddenly hug me tightly that I was taken aback and couldn't move. "I knew it. I'm so happy. " bulong niya sa tenga ko habang magkayakap kaming dalawa. 

"I couldn't wait for that time to come. " 

While he's hugging me, hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Sobrang tanga ko dahil hindi ko sinabe sa kanya ang totoo 'kong nararamdaman. Na tanging crush lang talaga ang tingin ko sa kanya. 

Yes, he may resemble yeoubi quite a bit ngunit hindi ito sapat upang mag level up ang feelings ko.

Hinahampas ng hangin ang aking buhok kaya natatakpan nito ang kalahati ng mukha ko. Siguro kung nakikita ni Jake ang reaksyon ko ngayon, paniguradong madi-dismaya siya. 

"Let's just go back inside. " I suggested. He finally let me go at sabay na pumasok sa loob.

*****

It's the next day. Nandito kami ngayon sa tambayan ko, ang open field. Kasama ko ang bruhilda girls. It's afternoon and all of us had no classes, naghihintay lang kami pumatak ang alas tres upang pumunta sa kanya-kanyang club. For the first time, magkakaroon ng meeting ang club na sinalihan ko. Himala nga. Kasi naman, kasali sa clearance ang participation for this upcoming christmas party. 

Hate Is The New LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon