"Goodmorning Janny! "Mag-isa akong naka-upo sa labas ng bahay namin. Umagang-umaga, sinalubong kaagad ako ng problema.
"Ba't mag-isa ka lang dyan? "
Kahit naririnig ko ang boses ni yeoubi, hindi ko siya nilingon. I want to be alone for now.
Naramdam kong umupo siya sa aking tabi. I know that he already knows what I feel right now. "It's okay, you can tell me what happen. " he lean closer to me. Nanatili sa semento ako nakatingin.
Yeoubi is my only close friend in this town. Siya lang ang nagtiya-tiyagang makipag-kaibigan sa'kin. Nilayuan ako ng mga kaibigan ko dahil baliw raw ang papa ko. Masakit syempre, ngunit tiniis ko.
May sakit ang tatay ko. Kailangan siyang ipagamot at hindi dapat katakutan. Napakasakit makitang kinatatakutan ng mga tao ang aking tatay porket may sakit siya.
"This morning, " I finally let out a word.
Taimtim siyang nakinig sa susunod kong sasabihin.
"Kung ano-ano nalang nakikita ni papa na hindi namin nakikita. Ayon kay papa, nakita niya raw si Cleo na masayang tumatakbo sa bahay. Pilit na sinasabihan ni mama si papa na hindi totoo ang kanyang nakikita ngunit nagalit si papa—" huminga ako ng malalim.
"A-anong nangyare? "
Tinignan ko si yeoubi sa mga mata. "Sinaktan niya si mama. M-malapit pa niya itong masaksak ng kutsilyo. " pinigilan kong maiyak nang bumalik sa isipan ko ang nangyare kanina.
Ganito nalang palagi ang nangyayare sa umaga. Sawang-sawa na ako.
Niyakap ako ni yeoubi at tinapik-tapik ang aking likuran. Ayaw kong umiyak sa harapan niya kaya pinipigilan kong tumulo ang mga luha na kanina pa nag-aabang. Buti na lang talaga nandito si yeoubi.
"Gusto mong maglaro tayo? " ang sweet pakinggan ng boses niya.
My face immediately lit up. "Tagu-taguan! " giit ko.
Ngumiti siya pagkuwa'y hinawakan ang aking mga kamay. "Ikaw taya! " sigaw niya na ikinabusangot ko. Ang daya talaga nito, palaging ako ang taya!
Sa kalagitnaan ng aming paglalaro, biglang may lumapit sa'min isang matanda. Huminto kami ni yeoubi kakatakbo nang makita ang matanda.
"Nandito ka lang pala bata ka! " nagulat ako nang hinigit niya sa kamay si yeoubi. Lola niya ba 'yan?
"Kanina ka pa hinahanap ng mga magulang mo. Malalagot ako kapag malalaman nilang wala ka sa bahay! " wika ng matanda, napasulyap siya sakin.
"P-pero naglalaro pa po kami ng tagu-taguan. " sabi ni yeoubi at pilit na kumawala mula sa matanda.
Napasulyap sakin ang matanda pati rin si yeoubi. "Dun ka maglaro sa bahay. Halika na! " walang nagawa si yeoubi nang tuluyan siyang tangayin ng matanda.
"Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka, pinagsabihan ka ng iyong mga magulang na bawal kang lumabas sa bahay. " dagdag pa ng matanda habang nakatingin padin sakin.
"P-pasensya na Janny, bukas nalang ulit tayo maglaro. " sabi ni yeoubi, lalong nawindang ang matanda. "Anong bukas? Ilang beses na ba kitang pinagtakpan. " ani ng matanda sabay hinila si yeoubi.
Nanatili akong nakatayo habang pinapanood si yeoubi. Lumingon siya sakin at nag wave ng goodbye.
Ngumiti ako at kumaway rin bilang paalam.
Lingid sa aking kaalaman, iyon ang huling pagkikita naming dalawa.
Sa mga sumusunod na araw, hindi na siya nagpakita pa. Nabalitaan kong lumipat sila sa ibang bansa. Makalipas ang ilang buwan, lumipat kami sa amerika at doon ipinagamot si papa. Umaasa kaming babalik sa normal ang aking tatay.
![](https://img.wattpad.com/cover/97623175-288-k732673.jpg)
BINABASA MO ANG
Hate Is The New Love
Fiksi PenggemarA series of unfortunate events chase the conflict-free life of a senior highschool, Cheon Red Hwa, after meeting the newly annoying transferee from their rival school. Little did she know, she's not only dealing with in denial romantic feelings to...