Chapter 20 part 2 - Confused

397 18 3
                                    

Para akong bata na nahiwalay sa nanay. Nakayuko lamang ako habang panay ang pag-sulyap sakin ni Jake, puno ng pag-aalala ang makikita sa kanyang mukha. Nagmamaneho siya. Nakasakay ako ngayon sa loob ng kutse.

Both of his hands are on the wheel but he always take a glimpse of me. Pano ba naman, kanina pa ako tahimik. What's more, nakabusangot ako at sobrang gulo ng buhok. Nagmukha tuloy nakipag-away sa mga aswang.

"Cheon, I know you're not fine right now. What the hell happened?! Bakit mag-isa ka lang na tumatakbo sa gilid ng daan? " sunod-sunod niyang tanong.

Napabuntong-hininga ako, pinaglalaruan ang mga kamay.

I actually don't know what I'm going to tell him.

Sasabihin ko ba sa kanya na tumakbo ako dahil nakita ko si Xiam na kasama si Angel? Tapos medyo nakaramdam ako ng mali dahil hindi dapat ako masaktan, simula nung una kay Angel naman talaga si Xiam. It's not that I catch feelings for that guy, it's just. . . .

This day is supposed to be our date.

Oo alam ko, you wouldn't expect me to say that. Tutol ako sa reto ngunit nang malaman kong si Xiam pala ang makaka-date ko ngayon ay tila nagustuhan ko rin. Kasi ngayong araw sana ang tamang oras upang magkabati kaming dalawa o linawin ang mga bagay-bagay sa pagitan namin. Ngayong araw, dapat sa'ming dalawa lang sana 'to.

"Napagpasyahan kong pumasyal sa Namsan Tower. It gets dark kaya umuwi na ako ngunit biglang may nakasalubong akong aso sa daan kaya tumakbo ako ng napakabilis. " I lied. Napatngin ako sa bintana.

Hindi naman kakumbinsi-bisido ang rasong 'yun. Bahala na.

Narinig ko ang pag buntong-hininga niya.

"San nga pala ang bahay niyo? " he suddenly asks. Akala ko pipilitin niya akong paaaminin sa totoong nangyare.

Also, if I ever told him the truth. Probably, it'll spark a chaos between Jake and Xiam.

It's a good thing he didn't ask further more. Kaya sinabe ko sa kanya kung saan ang address ko.

Biglang kaming naipit sa traffic. May kinuha siya sa back seat. Isang makapal na jacket. Tsaka inabot niya sakin yun. "You should wear this, I know you feel cold. " saad ni Jake.

Kukunin ko sana ang jacket mula sa kanyang kamay ngunit nagulat ako nang bigla nalang niya nilagay sa aking balikat. Siya mismo ang gumawa. He's damn so close to me that I could feel his hot breath.

Hindi ako nakapagsalita at piniling tumingin nalang sa bintana kahit wala namang bagay na dapat tignan roon.

"S-salamat. Isasauli ko 'to bukas. " I awkwardly said. Hindi makatingin.

"Huwag na. "

Napatingin ako sa kanya. I didn't hear what he just said. I just shrug. Probably he said, "Dapat lang, mahal 'yan eh. "

After ten minutes, nakarating kami sa bahay. Sobrang dilim na talaga because it's already seven. Niyaya ko si Xiam na mag-dinner rito sa amin bilang pasasalamat na rin. At first he refuse ngunit pinilit ko siya.

"Are you sure it's okay na mag-dinner ako rito sa bahay niyo? " tanong ni Jake habang papasok kami sa bahay. Ramdam kong kinakabahan siya.

Ba't naman kinakabahan? Maybe because he's a guy and a friend of my kuya. Baka na a-awkwardan siya. I understand.

Suot-suot ko pa rin ang jacket ni Jake. To be honest, this is the coziest jacket I've ever worn. Naalala ko tuloy ang mga damit na hiniram ko kay Xiam. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasauli. I should stop thinking about Xiam for now.

Hate Is The New LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon