Chapter 13 - Recollection

466 25 0
                                    


Alas kwatro ng madaling araw ang call time namin. Sa school kaming lahat magkikita-kita kaya sobra ang pagmamadali ko ngayon. Nakalimutan ko pa ngang mag shampoo, bahala na. Wala naman sigurong aamoy sa buhok ko.

I check myself on the mirror first. I'm wearing black fitted longsleeve, on the bottom I wear gray sweatpants and I also took an effort to curl my hair. Lastly, I wear my nike rubber shoes.

I grab my huge bag, jacket and channel sunglasses before heading to my brother's car.

Siya ang maghahatid sakin patungong school dahil may trabaho si mommy, maaga ang shooting niya.

It's currently three-thirty kaya may twenty minutes pa akong natitira.

"Magpakabait ka dun ha. Don't be clumsy and dumb. " paulit-ulit na paalala ni kuya sakin. Simula kahapon pa niya ako pinagsasabihan.

"I can handle myself bro. " I confidently said and tap his shoulder twice tsaka lumabas sa kutse.

Hindi mapakali si kuya, "Nagdala ka ba ng sunscreen? Yung mga vitamins mo? Oh, huwag kalimutang kumain ng maayos ha. "

Ito naman si kuya, para akong titira sa ibang bansa.

"You don't have to worry. I'll be back in three days, see ya! " magsasalita pa sana siya nang sinara ko na ang pintuan.

May nakakasabay pa akong ibang senior high pagkapasok ko sa school.

Lahat sila excited, may iba ring inaantok pa. Me? I'm looking forward.

Kaagad kong hinanap ang mga bruhilda pagkarating ko sa open field dahil nandun silang lahat. Meron ding limang malaking bus na sa tingin ko ay iyon ang aming sasakyan. Nandito na rin lahat ng mga teacher.

"Nandito na si Cheon! "

Sinalubong ako ng mga bruhilda. Ang taray, nauna pa silang lima kaysa sakin.

"Sobrang tagal mo naman. " reklamo ni Kayla at niyakap ako.

"Matagal akong nagising eh. "

Biglang may lumapit sa'ming babae. Nagtaka ako nang inilahad niya ang kamay.

"Your cellphone, tablet, laptop or any devices you have right now. " sabi nung babae. Sa tingin ko ay siya ang president ng student council.

Madali kong kinuha ang nag-iisa kong cellphone at inilagay sa kanya.

Ningitian niya ako at umalis. "Hindi naman siguro niya isasangla 'yun noh? " bulong ko kay Andrea. She just shrug.

Napalinga-linga ako sa kapaligiran. I think almost everyone is here. Sobrang dilim pa, tanging mga ilaw galing sa poste ang nagsisilbing liwanag.

Nakita ko si Xiam at ang kanyang mga alagad sa malayo. Lahat sila ay mukhang boryong-boryo lalong lalo na si Irish. Napatingin sakin si Xiam kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Sa bilis kong lumingon ay tumunog pa ang leeg ko.

"Attention everyone. "

All of us look at our principal, may dala siyang megaphone.

"Since alas kwatro na, magsisimula na ang trip natin patungong Jeju Island. Excited na ba kayo? " magiliw niyang tanong.

"Yeah..." walang ganang sagot naming lahat. Sina Denise at Bella lang yata ang energetic samin.

"Good. Now, as you can see. May lima tayong bus rito. May nakasulat na section in each bus, if nakita niyo ang section sa bus na ito edi diyan kayo sasakay. By the time we will arrive at the airport, walang hihiwalay ha. Stay close to each other. May nakabantay rin naman sa inyo upang mamahala. You all can now respectfully go to your bus. " anunsyo niya.

Hate Is The New LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon