"OMGEE GIRL YOU LOOK LIKE A HUMAN NOW! "
Sinamaan ko ng tingin si bakla habang patawa-tawa naman si ate na syang nag-aayos sa gown ko.
Kun did an excellent job on curling my hair and putting make-up on my face. Insakto lang lahat. Hindi gaanong makapal ang contour at nasa tamang kulot ang buhok ko. Beach wave to be exact tas may shiny shimmering splendid na clip sa magkabilang gilid.
Buti nalang 'di ako pinagtripan ni bakla, he actually transform me into a better looking version. Yung mahahalatang may ligo ganun.
Pagkatapos nila ako ayusan, tinignan ko ang sarili sa full body length mirror.
"Ang ganda mo sis. Nakakaiyak. " ma-dramang pinahid ni ate ang invisible niyang luha. Nakatayo silang dalawa ni Kun sa likuran ko, looking like a proud parents.
"Pero pangalawa ka pa rin sakin girl, sorry. Hindi mo matatalbugan ang kagandahan ko. " sabat naman ni Kun na ikinailing ko.
Nakita ko lang sa pinterist ang gown na napili ko. Noong una, nag da-dalawang isip ako kung babagay sakin ang gown na'to dahil unang-una sa lahat, I don't have enough confidence to wear this at baka magmukha akong a-attend ng lamay. But then Kun and my ate convinced me to pick it so I did.
This magnificent black long gown is inspired by a vampire slash villain costume. Sa tingin ko pang-revolutionary tignan. Like it gives me a royal princess turned into an independent bold villain vibes. Kinda bit revealing on some sides but pasok naman siya. Ang maganda sa prom namin, walang limits. Kung anong trip mong suotin, okay lang. Pero huwag naman sana panty at bra o di kaya bikini. Tiyak na aatakihin sa puso ang mga matatandang guro 'pag nagkataon.
Before the d-day comes, todo skincare routine ako buong linggo. Yung tipong mahihiyang dumapo sa balat ko ang dumi. Also, buti nalang pumayag ang doctor na tanggalin ang shoulder cast ko but he reminded me that I still need to be mindful of my actions upang hindi lumala ang dislocation.
Nilagay ko ang pink na teddy sa purse ko. Buti nalang kasya. Bumaba na kami sa may lounge area kung saan naghihintay sina mama, kuya at mga kaibigan ko.
Yep, they're all here. Including the boys.
Which means andito rin sina Xiam at Jake.
I wonder anong nangyare sa kanila. Ayon kay TJ, mukhang wala naman daw problema sa pagitan ng dalawa. Hindi pa rin kasi alam ng mga alagad ni Xiam ang kagagohang ginawa namin ni Jake dahil 'di namin sila sinabihan. No one knows about it. Hula ko, nagpapanggap lang si Xiam na maayos relasyon nila ni Jake for the sake of something. Like what Xiam told me, gusto muna niyang i-step aside ang problemang yun at mag focus sa 'bigger problem' na kasalukuyang kinakaharap namin.
Kabado ako nang harapin silang lahat.
Unang tumambad sakin ang nakangiting si Xiam.
His smile can surely lit up the entire world. Nakakasilaw yung ngiti niya. Nakakatunaw. He's too precious. I don't deserve him.
BINABASA MO ANG
Hate Is The New Love
FanfictionA series of unfortunate events chase the conflict-free life of a senior highschool, Cheon Red Hwa, after meeting the newly annoying transferee from their rival school. Little did she know, she's not only dealing with in denial romantic feelings to...