Prologue

71.5K 1.1K 20
                                    

"I hate you." Marahas niyang pinawi ang luha sa kanyang mga mata at matatalim na mga matang tinignan si David na nakaluhod sa harapan niya at pilit na humihingi ng sorry sa kanya.

"I'm sorry cheesecake... " Nanlilisik ang mga matang tinignan niya ito.

"Sorry? Kasalanan mo talaga ang lahat ng ito. Ikaw ang kasama niya last night." Pinipilit niyang kontrolin ang galit na umaalpas sa kanya.

Ngayon na sana ang kasal nila ni Cent Ramirez. Ang Boyfriend niya. Para siyang tangang naghihintay sa simbahan. Pinagtsitsismisan na siya ng mga tao. Ang buong pamilya niya ay nakukulong sa kahihiyan. She was a groomless bride. Nawawala ang groom niya.

Cent didn't answer any of her calls. Para siyang tanga na naghahanap sa isang langgam na tinatabunan ng maraming asukal. Kinompronta niya si David dahil alam niyang ito ang kasama ng fiance niya noong nakaraang gabi. "I swear... After we drink naghiwalay na kami. I even offered him a ride pero tinanggihan niya. Ang sabi niya may dadaanan lang daw siya sandali." Paliwanag ni David sa kanya.

David is almost a big brother to her. Kaibigan ito ng kuya niya. Si Lucas Marquez. Noong mag aral siya sa Florida. Ayaw pumayag dapat ng pamilya niya. Lalong lalo na ang kuya niya. Pero isa siyang batang may matigas na ulo. Gamit ang savings niya at ang trust fund na nakuha niya sa mga namayapa niyang abuelo at abuela. Mag isa siyang pumunta ng Florida without her family consent.

Dahil wala na silang magawa. Her kuya appointed his friend David to look after her. Taga Florida kasi ito. Dahil doon, naging malapit sila sa isa't isa. Nakikita niya ang pagiging kuya nito sa kanya. Lalo pa't hindi naman nalalayo ang edad nito sa kuya niya. Sobra sobra ang tiwala ng kuya niya at ng kanyang pamilya kay David kaya hinayaan ng mga ito na siya ang kanyang maging guardian habang nag aaral siya. At katulad nila, sobra sobra din ang tiwala niya sa binata.

Hinawakan nito ang kamay niya. "Saktan mo ako cheesecake.. I know your blaming me. Saktan mo ako, suntukin, sampalin.. Anything you want gawin mo." He said. Umirap siya.

Hindi naman niya ito dapat sisihin dahil hindi naman ito kasalanan na nahuli niyang nakikipagsex ang groom niya sa ex nito sa mismong araw ng kasal nila!

Ang kinagagalit lang niya ay ang alam na pala nito ang nangyayari ngayong araw na ito pero hindi pa nito sinabi sa kanya. "Hindi ko lang masabi sabi sayo kanina sa simabahan dahil alam kong magwawala ka." May nakakita daw kasi sa groom niya na may kasamang ibang babae. At dahil si David ang pinakamalapit sa kanya. Ito ang unang nakaalam. "I swear gustong gusto ko na siyang puntahan kanina. Shake his head and dragged him inside the church para matuloy ang kasal niyo. Pero ng makompirma ko na totoo pala ang ibinalita sakin. Natakot ako para sayo. I don't want you to get hurt."

"Pero mas nasaktan ako sa ginawa mo!" Mariin niyang saad.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya. Sa sobrang depresyon niya kanina. Noong makita niya si Cent na ligayang ligaya sa piling ng iba. Habang unti unti siyang nadudurog dahil sa mga eksenang nakikita niya. Gusto niyang hilahin ang buhokng ex nito. Putulin at ipalamon sa kanya. Pero hindi niya nagawa. Para lang siyang papel na tinangay ng hangin palayo doon. Hindi nga yata naramdaman ng dalawa ang pagsulpot niya. Masyado silang nalilibang sa init na pinagsasaluhan nila.

At ngayon nga, panay ang tawag ni cent sa kanya. Hindi niya kayang magbulagbulagan at magpanggap na wala siyang nakita. Panay ang hingi nito ng sorry sa kanya. Natukso lang daw ito. Na siya talaga ang mahal nito. Pero bingi na siya. "Hey! Cheesecake.. Talk to me please.. "

Patuloy niyang ineempake ang mga gamit niya aalis muna siya. Tutal inaayos na ng pamilya niya ang naudlot na kasal. Pero nakita niya ang kuya niya kanina. Galit na galit ito. Noon kapagay nagtatangkang manligaw sakanya ay natataranta siya sa nakikitang galit sa mga mata ng kuya niya. Ngayon ay wala siyang takot na nararamdamang takot. Alam niyang bubugbugin ng kuya niya si Cent. Pero manhid na siya.

"Wag mo na muna akong kausapin. I still hate you." Ani niya sa binata bago hinila palabas ng silid niya ang maleta niya.


To be continued...

------

Cheesecake,
Hihiramin muna daw ni David ang endearment natin sa isa't isa. Hehehe

Para po sa winner doon sa little game ko sa previous story. Makakarecieve ka po ng message coming from me. Congratulations! See you on Jorge story.

Happy reading.
Ai:)

P. S
Sana magustuhan niyo po ito. Salamuch guys.

GENTLEMAN Series 9: David TyndaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon