Chapter Three

42.9K 1K 36
                                    

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa kanyang swivel chair ng sabihin ng assistant niya na may lalaking naghahanap sa kanya. Unang naisip niya si David. Pero lumihis ang description ng assistant niya sa hitsura ng ineexpect niyang bisita. Lumabas siya sa opisina niya na nasa loob ng La Cuisson Café. Sandaling sumilip siya sa kitchen. Naghire siya ng mga bagong kitchen staff. At mukha naman na nasusupervise sila ng maayos.

Mula sa bakanteng mesa sa kaliwang bahagi ng café ay tumayo ang isang lalaki at lumapit sa kanya. Hindi niya ito kilala ngunit parang pamilyar sa kanya. Matangkad at matikas. Ito yung mga hitsura ng mga lalaking nakakatakot pero sexy kung titignan.

Hindi maiikaila ang angking hitsura nito dahil halos lahat ng female customers nila ay nakasunod ng tingin dito. "I'm Ms. Marquez." Aniya ng makalapit na ito sa kanya.

"I won't take so long Ms. Marquez." Naglahad ito ng kamay. "Mr. Lopez."

Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. Napaglue ang mga mata niya sa palasingsingan nito. Oh! Married! Puna niya sa wedding band na nasa daliri nito. "Nice meeting you Mr. Lopez. So what can i do for you?"

Iminuwestra niya ang upuan pero tumanggi ito. Mula sa likuran nito ay may inabot dito ang isang lalaki na sa tantiya niya ay assistant nito. "I just came here to give this to you." May inabot itong white long envelope. Nag aalangan siya kung tatanggapin ba niya o hindi. Pero tinanggap pa rin niya.

Nagtatanong na tumingin siya dito bago binuksan ang envelope at binasa ang laman niyon. "Resignation letter?" Aniya.  Binasa niya ang nakasulat na pangalan doon at saka kinunutan ng noo. "Mr. Lopez wala akong empleyadong Mrs. Shane lopez dito. Baka nagkakamali ka." Halatang pilipino ito.Tumaas ang sulok ng labi nito at saka sumeryoso.

"Oh! I'm sorry Ms. Marquez nakalimutan ko. Shane Montalvo ang ginagamit na pangalan ng asawa ko dito." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.

Ilang araw nang hindi pumapasok si Shane. Nag aalala na nga siya. Baka mah sakit si Greene o ano. "A-Asawa?" Naguguluhang tanong niya.

Walang nabanggit na ganito si Shane sa kanya. "Does she know about this?" Aniya.

"Hindi na niya kailangang malaman. I'm bringing them back to the Philippines whether she like it or not." May kasupladuhan ang lalaking kaharap niya. Pero kahit ganoon ay parang mas nakakadagdag pa sa kagwapuhan nito ang pagiging masungit at tila galit.

Ngayon alam na niya kung sino ang kamukha ni Greene. Kamukha ito ng ama niya. Palihim niyang tinaasan ito ng kilay. AroganteHindi nakapagtataka na iniwan ito ni Shane. Itinupi niyang muli ang papel. Tatawagan nalang niya si Shane para kompirmahin dito ang plano ng asawa nito.

Nagpaalam na sa kanya si Mr. Lopez. Gaya kung paano ito hinabol ng tingin ng mga kababaihan kanina. Ganoon din ng makalabas ito. Kandahahaba ang leeg ng mga babaing naroroon. Tumaas lang ang kilay niya.

Pero mula sa kakasarang glass door muling bumukas iyon at tumutok ang mga mata ng mga babaing naroroon. May mga nagswoon pa at may tila kinikilig pa. Iirap sana siya ng masalubong niya ang matamis nitong ngiti. Damn you David! Nandito ka na naman!

Official nang business partner niya ito. Sa kanya ipinangalan ng kuya niya ang share nito kay David. At dahil siya ang magmamanage ng ieextend nitong branch, natural lang na sa kanya nakapangalan pati ang mga dokumento niyon.

"Bonjour! Cheesecake." Good morning. Tinalikuran niya ito imbes na gumanting bati.

Pero mabilis naman itong nakahabol sa kanya. "Coffee? Tea?" Alok nito.

Humarap siya at saka tinaasan ito ng kilay. "Seryoso? 'yan ang laman ng café ko tapos aalukin mo ako. Niloloko mo ba ko?" Tinalikuran niya ito at nagpatuloy pa lalo sa paglalakad. Pumasok siya sa kitchen at binusisi ang mga trabahong ginagawa doon.

Binati siya ng mga staff na naroon maging si David. Sumandal ito sa dishwasher habang nakapamulsa. "Hindi mo ba alam na hindi ka allowed na pumasok dito? Have you read that?" Sabay turo niya sa paskil na nasa pinto. Do not enter: Authorized Kitchen Staff  Only.

Hindi nito iyon pinansin. Bagkus ay tumitig lang sa kanya. "Lucas can't make it tomorrow. Kaya ikaw daw ang isama ko."

Mabilis siyang humarap dito. "Isama saan?"

"France."






To be continued...

GENTLEMAN Series 9: David TyndaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon