Chapter Twenty One

34.8K 788 20
                                    

Kahit ipinull-out ng kuya niya ang investment kay David itinuloy naman niya gamit ang sarili niyang pera. Nanghihinayang kasi siya sa naumpisahan nila ng binata.

Magkasabay silang umalis ng opisina ng kuya niya. Nalaman kasi nito na hindi niya inasikaso ang pagrerebook ng flight niya pabalik ng Manitoba. Kaya ito na ang personal na umasikaso niyon.

Iniwan lang siya nito sandali sa Food court. Pumayag naman ang kuya niya. She was burying herself in her laptop and browsing on internet. Kailangan niyang makahanap ng mga bagong trends ngayon na interior. Balak nila ni David na kumuha ng interior designer para sa restaurant. Pero siyempre with her personal touch pa rin. Nang maramdaman niyang may tumayo sa harapan niya.

"I thought it's not you."Bumungad sa kanya ang mukha ni Cent na masayang nakangiti sa kanya. Showing his pearly whites. In his arm, he carried his Son who's smiling at her too.

Agad siyang tumayo at nilapitan ang mga ito. "Hello little handsome.. I'm tita cash.. " Humuhuni ang bata na tila ba nagpapakilala din sa kanya. "He is smart." Sabi niy kay Cent.

Tumango si Cent and he smile. "He is." Banayad niyang pinisil ang pisngi ng bata. "Can i?" Tukoy na niya na kung pwede niyang kargahin ito.

Tumango naman si Cent. Ibinigay nito si Bill sa kanya. "Anong ginagawa niyo dito?" Aniya dito.

May ipinakitang envelope si Cent. "Galing kami sa Travel agency. We booked our tickets papuntang LA. Mom and dad are so excited to meet my Son." Masayang sabi nito. Wala na siyang galit na nararamdaman. Ngayong nakikita niyang masaya na si Cent. He is very happy, being a father and mother to his wonderful child.

"That's good to hear. I'm sure kawiwilihan nila itong anak mo." Nakangiting sabi niya.

Tumango ito saka hinawakan siya sa balikat. "I'm sorry nga pala ulit sa ginawa ni Khloe sayo." He is still apologizing to her. Na dapat ay si khloe ang gumagawa. Tinapik niya ang kamay nitong nakahawak sa balikat niya.

"It's okay. Tapos na iyon and isa pa, ako dapat ang mag sorry sayo. Sorry sa ginawa sayo ni David." sabi niya ito. Ngumiti lang ito sa kanya bago bumitaw.

"Cashy!" Napalingon sila sa kuya niya na naglalakad papalapit.

Tapos na ang issues nila sa isa't isa kaya alam niyang walang gagawin ang kuya niya kay Cent. "Mr. Marquez.. " Si Cent ang unang naglahad ng kamay sa kuya niya.

Professionally. Tinanggap iyon ng kuya niya. "Mr. Ramirez." Sabi nito. Bago bumaling sa kanya. "I already made your flight. Makakaalis kana sa isnag araw." Sabi nito.

"Thanks kuya." Okay lang naman kubg babalik na siya. May trabaho din naman kasi siyang naiwan doon. May business siyang naghihintay sa kanya. Pero naisip pa rin niya ang kuya niya at si David. Hindi pa rin naguusap ang dalawa. Pero may plano sila ni David mamayang gabi. Susubukan nitong kausapin ang kuya niya sa tulong ng mga kaibigan nila. Sana lang ay pagkatapos ng gabi mamaya ay may magandang kahinatnan ang lahat.

Tumingin muli ang kuya niya kay Cent. "Good Job Mr. Ramirez. Maganda ang feedback na nakukuha namin para sa song ad na pinagawa namin sayo." Sabi ng kuya niya. His voice sounds like a businessman.

Ngumiti Cent saka tumungo. "Salamat Mr. Marquez. I crossed fingers pa nga na baka magfoul ang composition na iyon."

Bumaling siya sa kuya niya. "Kinuha niyong kompositor si Cent?" Tumango ang kuya niya. "Mom recommend him."

Natutuwa naman siya na kahit papaano ay nagiging normal na ang lahat. Siguro kung natuloy lang sila ni Cent sa pagiging mag asawa. Proud na proud siguro ang pamilya niya. Magkakaroon sila ng musician sa pamilya na may concern sa business.

Pero nakakaproud din naman si David diba?

Sinang ayunan niya ang isip niya. Nakakaproud silang pareho sa magkaibang paraan. Ngumiti nalang siya at sinubukan itago ang nararamdaman.

"Malandi kang haliparot ka! Akina ang anak ko!" Bahagya siyang nagulat maging ang kuya niya at si Cent ng hablutin ni Khloe si Bill mula sa kanya.

"Khloe!" Biglang tawag dito ni Cent. Matatalim ang mga matang tumingin ito kay Cent. "Travel Agency pala ha...  Makikipagkita ka pa talaga sa malanding ito." Sabay duro sa kanya. Napaatras naman siya.

"One more dirty word coming from you and I will sue you." Lucas dangerously said.

Sandaling tumahimik si Khloe. Sumasakit ang ulo niya sa pagiging loka loka nito. Hindi niya maimagine na bago naging sila ni Cent noon ay nagawa nitong patulan ang baliw na babaing ito. Humarap ito sa kuya niya. "Kung ayaw mong masabihan ang kapatid mo na malandi. Pwes, tantanan niya ang mag am ko. Mga makakati!" Pang iinsulto nito. Gusto na niyang ingudngod ang mukha nito sa malapit na basurahan. Kung hindi lang siya nag aalala para kay Bill na umiiyak na dahil nasasaktan marahil sa pagkakakarga ng ina nito.

Hinawakan ito ni Cent sa braso. "Let's go Khloe. You're making a scene again." Pero di ito nag paaawat. Pumiksi ito. "Bakit ba lagi kang takot na takot na saktan ko ang babaing ito? Nanghihinayang ka ba na hindi mo 'yan nakatuluyan?"

"Tumigil kana khloe! Kung may malandi man dito. Ikaw yon!" Hindi na siya nakatiis na wag sagutin ito. Sumosobra na kasi ang pang iinsulto nito sa kanya na para bang siya ang unang nang agaw.

Nginisian siya nito. "Oh! So ikaw pala ang tingin ko'y nanghihinayang. Bakit naiinggit kaba na may anak na kami kaya pati anak ko balak mong tangayin?" Namilog ang mga mata niya dahil sa mga pinagsasabi nito.

Bumulong ang kuya niya sakanya. "Let's go cash.. Baka hindi ako makapagpigil sasaktan ko ang babaing iyan."

Pero di siya nagpatinag. Tutal mukhang gulo naman ang hanap ng babaing ito pagbibigyan na niya. "Let me remind you Slut. Bakit hindi ka kaya manalamin at kausapin mo ang sarili mo. Itanong mo kung bakit may anak kayo ni Cent ngayon. Maybe makakakuha ng sagot. At alam mo ba kung anong sagot. Kasi lumandi ka. Nilandi mo ang groom ng iba. Oh diba?" Sinabayan pa niya ng pag taas ng kilay.

Pero imbes na mainsulto ito. Tila nasiyahan pa ito sa ginawa niya. Dahil nginisian lang siya. "Really? E ano naman kayang mararamdaman mo kapag nalaman mong ang kuya slash best friend mo ang dahilan ng lahat ng ito?"

Doon siya natigilan. Kilala niya ang tinutukoy nito. Si David. Anong kinalaman ni David sa usapang ito. Tumawa si Khloe kaya napamata silang lahat dito. "Ask David his self. Itanong mo sa kanya kung paano niya ako pinakiusapan na akitin ang jowa mo para hindi matuloy ang kasal niyo." Khloe rolled her eyes. "My God! Anong ipinakain mo sa lalaking iyon at baliw na baliw sayo. To the point na inisahan ka."

Natigilan siya. Nanlalamig ang mga daliri niya. No. Hindi kayang gawin ni David iyon.

"Si D-David ang nagframe up sakin?" Nahulasan siya sa tanong ni Cent na nanlalaki din ang mga mata gaya niya. Ang kuya naman niya'y nakakuyom ang mga kamao.

Uminit ang gilid ng mga mata niya. Hindi ito totoo.






To be continued...

GENTLEMAN Series 9: David TyndaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon