Chapter Twenty Two

34.8K 758 31
                                    

Nakakuyom ang mga kamao niya habang patuloy na dumadaloy ang masasaganang luha sa kanyang mga mata. This day was like a nightmare. Parang lumang kwento sa mga telenobela.

"Cash... " Naramdaman niya ang pagdantay ng palad ng kuya niya sa kanyang balikat. Ito ang nagmamaheno ng sasakyan habang tulala lang siya na nakaupo sa passenger seat.

Hindi matanggap ng isip niya ang lahat. That David was the one who planned to make her fool. Na gawin siyang katawa tawa sa harapan ng maraming tao. Hindi sa sinasabi niyang tama ang ginawa ni Cent pero mali na pinaglaruan ang relasyon nila.

Paanong nagawa ni David na lokohin siya ng ganoon? Hindi natuloy ang kasal nila ni Cent dahil sa kagagawan nito. "You don't have to talk to him. Ako ang kakausap sa kanya." Ani ng kuya niya na ilang bloke ang layo sa bahay nila ay huminto ito. David car was parked in front of their gate. Nakatayo ito doon at may hawak na bulaklak. Hindi siya nagsalita.

Nang akmang bababa ang kuya niya ay pinigilan niya ito. "Ako ang kakausap sa kanya. I want to know everything. Mula una hanggang dulo." She control her emotions.

Dahan dahan siyang bumaba ng sasakyan at maliliit na hakbang na naglakad siya. Her kuya Lucas might punch him again kung ito ang hahayaan niyang makipag usap. Mas lalong di sila magkakaintindihan. All she wants now ay ang malaman niya ang totoo. Kung totoo ba ang mga paratang ni Khloe sa boyfriend niya.

Nanginginig ang mga tuhod na patuloy siyang naglakad. Malapit na siya sa mismong bahay nila ng lumingon si David at mabilis na ngumiti sa kanya. Malalaking hakbang na lumapit ito at saka dumukwang para halikan siya. Pero mabilis siyang umiwas kay imbes na dumapo sa labi niya ang labi nito ay sa pisngi niya. Kung pwede lang na kalimutan niya ang araw na ito ay gagawin niya. Lalo pa't maramu silang planong gagawin ngayong gabi. "I miss you cheesecake." Bulong nito. Pero hindi siya sumagot. Tikom na tikom ang labi niya. Humakbang siya papalapit sa gate ng bahay nila. "Is there any problem? May sakit kaba?" Ani ng binata na nasa likuran niya. Blanko ang mukhang humarap siya dito.

"Tell me, mahal mo ba talaga ako?" Deretsahang tanong niya.

Ngumiti ito sa kanya at bahagyang tumawa. "Ano bang klaseng tanong yan cheesecake? Of course i do." Ginapgap nito ang kamay niya. "May problema ba? Umiyak ka diba?" Ipinikit niya ang mga mata at saka iminulat ulit. Iniiwasan niyang maluha sa harapan nito.

"N-Nagkita kami ni C-Cent kanina." Umpisa niya. Nagkaroon ng mga guhit ang noo nito dahil sa sinabi niya. David is a jealous Man. At si Cent lang ang nakakapagparamdam niyon dito. Pero wala na siyang pakialam doon. "We've talked and talked. Until Khloe came. She humiliating me in front of the public. She call me names. Malandi. Haliparot. What a shame!" Pigil luhang sabi niya.

Nanliliit siya sa tuwing maaalala niya ang masasakit na salitang lumalabas sa labi ni Khloe kanina. "Hindi ka malandi at haliparot. If i were there.. Nasampal ko na ang babaing iyon." David gritting his teeth. Galit na ito.

Pagak siyang natawa. "Good thing, you were not there. Edi hindi sana niya nasabi ang isang bagay na pilit mong itinatago sakin." Tinignan niya ito sa mga mata.

Naguguluhan ito. "W-What do you mean?"

Mahigpit siyang napahawak sa strap ng bag niya. Natatakot siya sa sarili niyang galit. Sa sariling bigat ng kanyang dibdib. "N-Na planado ang paghihiwalay namin ni Cent."

"What? Ang gagong iyon! Bakit gusto ka pa ba niyang balikan? Hell! Hindi ako papayag! You are mine now!" Bigla ay bulaslas nito. Kung sa ibang pagkakataon ang sarap kiligin sa mga sinasabi nito. "Pagkatapos ka niyang ipagpalit sa iba."

"Hindi niya ako ipinagpalit." Tugon niya. Bumalatay ang sakit sa mga mata nito. Nasasaktan ito? Mas nasasaktan siya ngayon. "Is it true? I-Ikaw ba ang nagutos kay Khloe na akitin si Cent para hindi siya makasipot sa kasal namin at maabutan ko sila sa ganoong tagpo?" Deretsahang tanong niya.

Nagsalubong ang kilay nito at biglang napayuko. "Sumagot ka!' Doon na lumakas ang tinig niya. Silence means Yes. "Sabihin mo sa akin ang totoo!" malamig na tanong niya dito.

May luha sa mga matang humarap ito sa kanya. "I-I'm sorry."

Halos manlambot siya dahil sa sinabi nito. "Ginawa ko lang naman i-iyon dahil.. Mahal kita."

"Do don't know how much i hurt." Umiiyak na sabi niya dito. Tinangka nitong yakapin siya pero umiwas lang siya. "Don't touch me!" Umatras siya ng ilang hakbang.

"Cheesecake.. Please hayaan mo akong magexplain.. I only did those because ----."

"Kahit kailan walang magiging sapat na dahilan para lokohin mo ang isang tao. Para saktan. And what would be your reason? Because you love me? Dahil kung mahal mo talaga ako. Hindi mo iisipin ang bagay na makakasakit saakin." Pareho silang nasasaktan pero mas may karapatan siyang masaktan hindi ba? Kaligayahan niya ng napaglaruan dito.

Niyuko niya ang daliring may singsing na galing dito. Marahas niyang hinubad iyon at ibinigay dito. "We're over."

Saka niya ito tinalikuran. Hindi na niya nilingon ito kahit pa patuloy na tinatawag ang pangalan niya. She was hurt and deeply humiliated by the lies he told about her. At mananatiling nakatataktak sa isip niya ang mga kasinungalingan nito na pinaniwalaan niya.







To be continued...

---------

GENTLEMAN series 10: Jorge Felipe
Will be posted soon..

GENTLEMAN Series 9: David TyndaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon