Epilogue

60.5K 1.3K 72
                                    

She slowly open her eyes. Puting kisame ang bumungad sa kanya. She smells the medical odor around the room. Alam niya kung nasaan siya. Kinapa niya ang IV fluid na nakakabit sa kanya.

She's still remember what happened earlier. Sumakit ang tiyan niya. At ng pumutok ang panubigan niya. Alam niyang manganganak na siya. At hindi nga siya nagkamali. She immediately call her husband. And when David came down. Doon na halos mawalan siya ng ulirat. Their child is excited to came out. Nararamdaman niya.

"Hi, cheesecake." She saw her husband. Nakatayo ito sa gilid ng kama. Nakangiti sa kanya. Humalik ito sa noo niya. One year ago, pagkatapos nilang ikasal. Unti unting naging maayos ang lahat sa kanila. David made all his efforts para mapatunayan sa kuya niya na hindi ito nagkamali na tuluyan siyang ipaubaya. At ang alam niya, kasama ng asawa niya ang kuya niya kagabi. They had a very good time together. Lasing pa nga ang asawa niya ng umuwi sa bahay nila kagabi. Panay ang kwento nito kung ano ang ginawa nila ng kuya niya kagabi.

At kanina ngang hating gabi ay isinugod siya sa ospital. "H-Hello where's our baby?" Namamaos na tanong niya.

Kinuha nito ang kamay niya. "Thank you. Thank you for giving me a wonderful babies."

Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang sinabi nito. "Babies?"

Dinama ng pisngi nito ang palad niya at saka ngumiti muli sa kanya. "We have twin cheesecake. A very beautiful babies."  Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. It's a surprise. Noong nagdadalang tao siya. They skipped the ultrasound method para malaman ang gender ng baby nila. Gusto kasi nilang malaman kapag nakapanganak na siya. Pero ang isiping kambal pala ang anak nila ay sobra sobrang saya.

Kaya pala sobrang laki ng tiyan niya noon. "N-Nasaan sila?" Punong puno ng excitement sa tinig niya.

Ngumiti ang asawa niya. "Dadalhin na sila ng nurse dito. Our parents are so excited to meet our babies. Tumawag si mommy and daddy kanina. Darating sila tomorrow. And about mama and papa, kanina pa sila sa nursery." Mama at papa ang tawag nito sa mommy at daddy Niya.

"What about kuya? Dumating din ba siya?" Banayad na tumango ang asawa niya. "He already saw our babies. At Kanina pa niya ipinagmamalaking kamukha niya ang mga anak natin." Napatawa siya sa sinabi ng asawa niya. Si kuya talaga...

"Okay! We're here!" Narinig nilang sunod sunod na tinig. Unang bumungad Sa kanya ang knyang ina na may kargang baby na nababalot ng puting lampin. Ang sumunod ay ang daddy niya na may karga din.

Nagmalibis ang luha niya. It's true. May anak na sila. "Congratulations anak.. " Bating sabay ng mga magulang niya.

Kasunod ang nurse na inassist sila para ibaba sa kanyang tabi ang mga sanggol. "They're all beautiful.. " Anas niya.

"Just like you.. " Bulong ni David sa tuktok ng ulo niya.

Hinaplos niya ang pisngi ng dalawang sanggol. Tila nagigising ang mga ito. Pilit hinahabol ang daliring ipinamhaplos nila. "Mrs. Tyndale kailangan na po nilang mabreastfeed." Tila nakakaunawang lumabas ng silid ang mga magulang niya at ang kuya niya. Naiwan ang kanyang asawa.

"Wala pa silang pangalan." Sabi niya habang nililislis niya ang damit. Lalaki at babae ang anak nila. Nagkatinginan silang mag asawa ng sunggaban agad ng lalaking sanggol ang dibdib niya.

"He is hungry.. " Natutuwang saad ni david. Nangmagsawa ito ay ang anak naman nilang babae ang kinarga niya. Gaya ng kakambal nito. Mabilis itong sumuso sa kanya.

"Nakakatuwa sila.. Parang mga anghel." Hinawi ng nurse ang kurtinang tumatabing sa bintana at pumasok ang magandang sikat ng araw. Nagkatinginan silang mag asawa.

"Sun.. "

"Light.. "

Sabay nilang tinawanan ang sarili. Nilingon niya ang anak na lalaki. "Siya si Lumiere.. Our light.. "

Kinarga ni David ang sanggol na babae. "And this is our baby Soleil, our Sun."

Kinarga niya si baby Lumiere. "Hmmm.. Bagay sa kanila ang mga pangalan nila. Lumiere at Soleil."

Sumandal siya sa dibdib ngkanyang asawa habang nakatanaw sila sa papasikat na araw. Her life is complete now. May asawa at mga anak. Ano pa nga bang hihilingin niya? Hindi naman pala kailangang mahaba ang kwento niyo para masabing kayo ang para sa isa't isa. Hindi rin mahalaga kung saan kayo nagsimula. Dahil may mga bagay talagang nagsisimula sa wala. At ang wala na iyon ang unang pupuno sayo para magkaroon ng saysay at dahilan ang buhay mo. Life is a cycle of mistakes and lies. Pero kung mananatili ka sa isang tabi at hindi ka sasabay sa ikot ng buhay. Doon ka talaga hihinto. Doon ka mas masasaktan and sa huli, you will get regret because you lose all your time to make your life, worth living.





---------

Marami pong salamuch salahat ng sumubaybay. Hanggang sa muli.

GENTLEMAN series 10: Jorge Felipe
Posted already!

GENTLEMAN Series 9: David TyndaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon