Chapter Twenty

36.1K 822 27
                                    

Palinga linga sa paligid si Cashy bago mabilis na tumakbo sa puting Fortuner na nakagarahe sa parking lot. Hinahapong hinawakan niya ang handle ng pinto at mabilis na pumasok sa loob.

"I'm sorry.. Nalate ako." Agad na sabi niya kay David na inabutan siya ng isang bottled water. May usapan sila ngayon na magkikita. Mula ng gabing dapat ay magtatapat na sila sa pamilya niya. Naging bantay sarado ang kuya niya sa kanya. Lahat ng puntahan niya ay ito ang naghahatid sa kanya. Hindi na muling nakapasok ng bahay nila si David.

"It's okay.. Kadarating ko lang din naman." Anito sa kanya. Inabutan siya nito ng panyo at ipinahid niya iyon sa pisngi at noo niya.

Inihatid siya ng kuya niya kanina sa travel agency. Apat na araw nalang mahigit at pabalik na siya ng Manitoba. Ipinull-out na ng kuya niya ang investment nito sa kompanya ni David. Kaya malayong matuloy pa ang project na inumpisahan na nila nito. Hanggang ngayon ay galit na galit pa rin ang kuya niya.

Tinakasan lang niya ito kanina. Nang ihatid siya. Hinintay muna niyang makaalis ito bago siya tumalislis. Hindi siya aalis ng bansa hangga't hindi nila aayos ni David ang lahat. Nagkaroon ng lost of compilation sa Flight details niya kaya kailangan niyang iparebook iyon. Sinuhesyon ng kuya niya na personal niyang ayusin ang pagbobook ng ticket  niya kaya siya nakalabas ng bahay.

Mabuti na nga lang at hindi pinakikialaman ng kuya niya ang sarili niyang phone. Wala naman siyang magawa dahil kahit noong bata pa siya ay hindi niya kayang sumuway dito. Masyado niyang mahal ang kanyang kapatid para itrato ito ng di tama. Pero buhay na niya at kaligayahan niya ang pinaguusapan dito. Walang dahilan para magalit pa sila ni David dahil sa sitwasyon nila.

Alam niyang nasasaktan lang ang kuya niya dahil nagtiwala ito. Gusto niyang ayusin ang relasyon nito kay David. Gusto niyang makagawa siya ng paraan para ibalik ang dating pagkakaibigan ng mga ito na nasira ng dahil sa kanya.

Pang unawa ang susi para maayos niya ito. Kung magtatampo o magagalit siya sa kuya niya dahil kahit matanda na siya'y pinakikialaman pa rin ang buhay niya. Walang maaayos. Baka tuluyan lang silang masira. Kaya mas pinili niyang unawain at intindihin ito. "So how's your ticket? Naayos mo ba?" Agad na tanong ng binata matapos siyang magpunas ng pawis.

Umiling siya. "I sneak out. Hindi ako tumuloy sa opisina ng travel agency." She said, lazily. Nagtatanong na siya kung kailan sila magiging ganito. Magkikita ng patago. Nangilid ang luhang tumingala siya sa binata. "I miss you.. Miss you so much."

Naaawang tumitig si David sa kanya. Hinaplos ng kanang palad nito ang pisngi niya. "i miss you more cheesecake.. "

Yumakap siya dito ng mahigpit. Why their life need to be cruel? Bakit hindi nalang sila hayaan? She's already twenty-five years old. Legal na at pwede nang magdesisyon para sa sarili niya. Pero nakakulong pa rin siya sa manipulasyon ng ibang tao. "I'm sorry cheesecake... Kung sana nagawa kong aminin noon pa man sa kuya ang nararamdaman ko bago kita niligawan. You wouldn't be here. Hindi ka sana nahihirapan at nasasaktan ng ganito ngayon." Nasasaktan siya sa sinasabi nito. Dahil nasasaktan ito.

"Wala kang kasalanan. Nararamdaman kong matatanggap din ni kuya ang lahat. Nasasaktam lang din marahil siya." Sabi niya saka mas sumiksik pa siya sa matitipunong bisig nito. Humaplos sa buhok niya ang palad nito. "He just love you so much... Kasalanan ko dahil sinira ko ang tiwala niya. Pero hindi ko masisi ang sarili ko. Because you are not a mistake cheesecake.. Masaydo kitang mahal na ang kahit pagsisinu galing ay makakaya kong gawin." Madamdamamin na pahayag nito.

Suminghot siya. "Itanan mo na ako."

Doon bumitaw si David sa kanya at pinakatitigan siya sa mga mata. "The least that i can do cheesecake. Pero hindi ko gagawin yan para lang makasama ka. May mas tamang paraan. If we run away.. Alam kong aabot lalo sa sukdulan ang galit ni Lucas. At ayokong pati ang pagiging magkapatid niyo ay maapektuhan ng dahil lang sa akin."

"Iyon nalang ang paraan para makasama kita. Si daddy, mukhang pati siya ay hindi pumapabor sa ating dalawa. Si mommy naman tahimik lang. Ayoko na nagtatago tayo. Itakas mo nalang ako."Hikayat pa niya dito.

Hinawakan siya nito sa balikat. "Listen cheesecake.. Kung kukunin man kita iyon ay kapag mag asawa na tayo. Kapag nakapagpakasal na tayo. Hindi lang ang kuya mo ang sasaktan natin kapag ginawa natin iyon. Maging sina tito at tita. Papakasalan muna kita." Bakit ba napakabait ng lalaking ito? Hindi ba siya napapagod na masaktan? Na mareject?

"Anong plano mo?" Aniya saka muling sumandig dito.

Huminga muna ng malalim si David. "Pormal kong ihihingi ng pahintulot sa pamilya mo na maligawan kita. Pati sa kuya mo."

Umangat ang mata niya dito. "Paano kung sapakin ka niya ulit? Baka mabangasan ka na naman ni kuya." Nag aalalang sabi niya.

Ngumiti ito sa kanya at saka dumampi ang labi sa  labi niya. "Handa ako cheesecake.. Ang galing kaya ng nurse ko." Sabay kindat sa kanya.






To be continued...



--------

Sa lahat ng gentleman.. Ito yta ang series na ang pabebe ng kwento.. Naloloka ako. Hahaha!

GENTLEMAN Series 9: David TyndaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon