Chapter Seventeen

35.6K 885 22
                                    

Tinotoo ni David ang sinabi nito kay Cashy na liligawan ang dalaga. Halos araw araw ay nakakatanggap si Cashy ng bulaklak mula dito. Alam niyang nagtataka na ang kuya niya dahil minsan na itong nagtanong sa kanya.

Pero ang palagi lang niyang sagot ay galing iyon sa dati niyang kaibigan. They go out on a date. Nanunuod ng sine at kumakain sa labas.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Pangungulit niya kay David. Galing sila sa Site kanina. On going na ang renovation ng Cuisine sa Laguna. Humawak siya sa braso nito.

Nakangiting tumingin ito sa kanya. "Relax cheesecake.. We will get there anytime soon." Bumugtong hininga nalang siya.

Minsan napapaisip siya. Dapat na ba niya itong sagutin? He's too caring at mabait. At walang minuto na hindi siya nito napapakilig kahit sa anong bagay. Espesyal ang nararamdaman niya. Aaminin niya hanggang ngayon ay hinahangaan niya ito. Maraming bagay at dahilan kung bakit niya ito hinahangaan. Kung noon, humahanga siya dahil sa mathematical ability nito, sa hitsura at palaging mabango.

Ngayon, pakiramdam niya ay mas malalim pa sa mga iyon. He has something na kahit sa oagtulog ay napapanaginipan niya.

Minsan, marerealized nalang niya para na pala siyang baliw na ngumingiti dahil nakatitig siya sa bulaklak na bigay nito. Ang kwarto nga niya'y malapit nang maging flower room. Punong puno na iyon ng bulaklak na labis nang ipinagtataka ng mga magulang niya at kapatid.

Hindi niya magawang sabihin sa mga ito na nililigawan siya ni David dahil natatakot siya sa maaaring maging reaksyon ng mga ito. Especially her Kuya Lucas. Alam niyang hindi nito magugustuhan ang balitang iyon. "Lipa?" Basa niya ng makita ang malaking City Hall sa bandang kanan niya. "Anong gagawin natin dito?"

Ginapgap nito ang palad niya. "Diba sabi mo noong isang araw, gusto mong makatikim ng pinakamasarap na Halo-Halo?" She suddenly felt salivating dahil sa sinabi nito.

Kumain kasi sila noong nakaraang araw sa labas. And ng makakita siya sa menu ng Halo-Halo ay medyo nadisappoint siya sa lasa. She's not picky pero may lasang hindi niya gusto. Kaya sinabi niya dito na maghanap sila ng masarap na Halo-Halo.

Dumeretso ang mga mata niya. Tinahak nila ang daan papasok ng Lipa Proper. Pagdating sa mismong bayan ng Lipa ay napatingin siya sa malaking cathedral na naroroon. "Gusto mo munang sumimba?" Marahil naramdaman ni David ang gusto niya. He maneuver the car at pumasok sila sa simbahan. It's Sunday afternoon. Maraming tao at tingin niya'y patapos na ang misa.

Tumayo silang dalawa sa bandang hulihan. Nakatayo na kasi ang ibang mga naroroon.

"Sinabi ng Diyos sa mga tao. Ang pag-ibig ay parang tubig. Umaagos at bumubuhay. Hindi nakakatakot ang mag mahal mga kapatid. Bagay na patunay na tayo'y may damdamin bilang mortal. Nararamdaman mong mahalaga ang isang tao kapag nakakaya ka na niyang pasayahin sa mumunting bagay. Kapag nakakaya ka na niyang alalayan sa bawat mong hakbang. Hindi ba't umiibig na ang tawag doon? Dahil may pintig ka nang nadarama sa tuwing siya'y iyong nakikita." Napatingin siya kay David na nakapikit at tila nagdarasal. Dumapo ang isang palad niya sa kanyang dibdib. Ang sinasabi ng paring nasa altar ay eksakto sa kung ano ang nararamdaman niya.

Pumikit siya. Inaalla niya ang mga oras na napapangiti siya kapag naiisip niya ang binata. Totoo nga. "Hawakan mo ang palad ng iyong katabi. Sabihin mo sa kanya. Mahal kita. Wag kang magbabago."

Bahagya siyang napapitlag ng gumapang ang palad ni David sa kanyang kamay. Mahigpit iyong humawak doon. At nang mag angat siya ng paningin ay nakatitig iyon sa kanya. "I love you.. Always."

Pumikit siya at ninamnam ang sinabi nito. Tila may mga ibong humuhuni sa paligid niya. They are singing beside her.

Oo... M-Mahal na rin kita.

Noong una ay inisip niyang baka sa isang restaurant sila pupunta. Pero nagkamali siya. "Palengke?" Takang tanong niya. "Kumakain ka dito?"

"Watch me." Nakatawang sabi nito. Inakay siya nito paupo sa isang mono block chair. Maraming tao sa kainan na iyon. Napapatingin siya sa paligid. Maraming mga naroon ang kumakain din. Umalis sa tabi niya si David. "Oorder lang ako ng para sa atin." Lumapit ito sa maliit na counter na mayroong maliit na estante.

"Oy! Manong Pogi.. Napadaan ka." Narinig niyang bati ng babaing nasa disenuebe marahil ang edad.

Napakamot ang ulo ni David. "Oo diday. Dalawang special naman please.. Damihan mo ng gatas ha.. " Sabi niya. Ngumiti ng matamis ang dalagita.

Nakamata lang siya sa mga ito. "Nakita ko may kasama ka. Kasama mo na ba siya? " Naiintriga siya sa pinaguusapan ng dalawa. Kung mag usap kasi sila ay tila magkakilalang magkakilala na.

"Ssshh.. Madaldal ka talagang bata ka." Sabi pa ni David.

Tumawa ang dalagita. "Nay! Narito si Manong.. Mukhang nakahakbang na 'Nay!" Sumigaw ang dalagita mula sa pagitan ng telang tumatabing sa tindahan. Mula doon Ay lumabas ang isang ginang. "Disyateng bata ito! Napadalaw ka hijo. Ano gang gusto mo? Nagpabangi ako ng saging sa iyong ka tonyo paborito mo iyon." Tila close na  close si David sa mga iyon.

" 'Nang Marya.. Mamaya ko nalang po kakainin iyong inaalok niyo. MagHaHalo-Halo muna kami." Sabay lingon sa kanya at kinindatan siya.

Pati ang ginang ay napalingon sa kanya at nginitian siya ng ubod tamis. Alanganing gumanti siya ng ngiti.

"Siya si Nanay Marya. Yaya ko siya noong nasa Florida pa siya. Simula bata ako siya na ang nag alaga sakin. Busy kasi lagi si mommy at daddy." Pagkukwento ni David habang nakain sila. Hindi ito nagsisinungaling ng sabihin nitong masarap ang halo halo dito. Dahil sobrang sarap talaga.

"Pwedeng isa pa?" Sabi niya sa binata ng maubos niya ang laman ng basong hawak niya.

Tumango ito. "Nay! Isa pa po!" Sigaw nito. Napalingon naman siya sa paligid. May mga kadalagahan doon ang humahagikhik dahil napapatingin kay David. MalalandiBulong niya.

Maya-Maya'y lumapit si diday at ibinaba sa harapan niya ang Halo-Halo. "Mas espesyal po yan ate Ganda." Nakabungisngis na sabi ng dalagita. Nginitian lang niya ito.

hindi muna niya hinalo iyon. isa isa niyang kinain ang mga sangkap na nasa ibabaw. She scooped the halayang ube na nasa ibabaw at saka isinubo.

Creeeek! Napaaray siya ng tila may matigas na yelo siyang nanguya.

"Hey!" Mabilis na umalalay si David sa kanya. Ginalaw galaw niya ang dila sa loob ng bibig at kinuha ang isang piraso ng tissue at saka iniluwa ang tila bato sa tigas na bagay na naisubo niya.

Pero gayon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya na mula sa tissue ay tumambad sa kanya ang isang Blue Sapphire Diamond ring. "Oh My God!"

Nang tumingin siya kay David ay nakangiti ito sa kanya. Kinuha ang singsing sa Tissue at pinunasan nito bago hinipan. May mga tumitili sa paligid niya. Kasama na si diday na akala mo'y nanunuod ng nakakakilig na pelikula. "Alam ko kailan lang ako nagsimulang manligaw sayo. But, i already love you more than seven years ago. Pitong taon na kitang mahal. Simula noong teenager ka palang hanggang sa nakatapos ka."

"D-David.." Wala siyang masabi. It's too much.. Too much happiness. Too much Love.

Lumuhod ito sa harapan niya kasabay ng pagtili ng mga taong naroroon. "Ms. Cashy Marquez.. Will you be my first and last.. Girlfriend?"

Lumakas pa lalo ang hiyawan sa paligid. Kapag ba ganito kasweet ang lalaki? Tatanggihan mo pa ba?

Hinawakan niya ang pisngi nito at lumuluhang tumango. "Yes.. Yes.. "




To be continued...




-------

I'm starting to unpublished some of my stories. Kaya kung di mabasa. Ibig sabihin ay unpub na po. Don't worry.. I will post it again. Uumpisahan ko na po kasi ang editing. Hopefully matapos agad.

Happy reading.
ai:)

GENTLEMAN Series 9: David TyndaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon