Chapter Twenty Four

35.8K 858 38
                                    

"You can't blame Lucas pare, kapatid niya ang tinalo mo." Raphael tried to reach his pre-occupied mind.

Nilaklak niya ang alak sa bote. Galit na galit si Cashy sa kanya. At maging ang galit ni Lucas ay mas lalong nadagdagan.

"I'm a fool.. I shouldn't do that." Bulong niya. Dumantay sa balikat niya ang palad ni Raphael.

"Nangyari na Pare, hindi mo na kailangan pang sisihin ang sarili mo." Pagpapaunawa nito sa kanya.

Maling mali ang ginawa niya. Maling mali, dahil hindi niya naisip na masasaktan niya ng ganoon katindi ang babaing mahal niya.

"And what would i get from you kung gagawin ko nga ang ipinapakiusap mo?" Khloe crossed her legs. Revealing her smooth white skin.

Iniwasan niyang mapatingin doon. Hindi iyon ang dahilan kaya sila nagkita. "You can have Cent again..."

Humalakhak ito. "You are desperate!"

Kumunot lang ang noo niya. "Yes i am. Ilang araw nalang at ikakasal na sila. I can't stand there seeing her habang ikinakasal sa lalaking iyon." He said. Nakakuyom ang mga kamao niya. He's hurt.

Tumayo si Khloe at humarap sa kanya. "Poor lover boy. Paano kung magtagumpay ka ngang paghiwalatin sila. Pero hindi pa rin ikaw ang mahal niya. What would you do?"

"I will earn it. Matutunan din niya akong mahalin."

Isa siyang malaking tanga. Thinking na masusunod lahat ng plano niya noon. Nasaktan niya si Cashy ng sobra sobra ngayon. Napatingin siya sa singsing na hawak niya. It's over now. Hindi na niya namalayang napaiyak na pala siya.
Nagawa lang naman niya ang bagay na iyon dahil sa sobrang pagmamahal niya sa dalaga. "I'm such a jerk. Kahit lumuhod ako sa kanya ngayon hinding hindi na niya ako pakikinggan." Malungkot na saad niya.

"Just give her a time pare.. Nasasaktan pa siya ngayon." Niyuko niya ang boteng hawak. Kitang kita niya doon ang repleksyon niya. Sira. Sirang -sira. "Si Lucas... "

Narinig niyang sabi ni Raphael. Lucas was his best of friends. Kaya isa pa sa masakit sa kanya na pati ito ay ayaw na rin siyang pakinggan. Pagak siyang natawa. "Lucas won't help me. Sukdulan ang galit noon sa akin."

"No pare.. He's here!" Sabay silang lumingon. Nakita nga niya si Lucas. Papalapit sa pwesto nila. Handa na siya kung sakaling sasaktan na naman siya nito ulit. Kulang pa ang mga suntok nito kumpara sa ginawa niya sa kapatid nito. Kulang pa ang mga iyon. Dahil isa siyang malaking gago at tanga. "L-Lucas!"Bati ni Raphael. Marahil ay naaamoy nito ang galit ni Lucas.

Bumati si Lucas kay Raphael bago bumaling sa kanya. "Magusap tayo." It's cold and firm. Iyon ang unang pagkakataon na binigyan siya nito ng ganoong tono.

Tumingin siya dito. Bago kay Raphael. "Hey.. Guys.. Kung magsasapakan lang kayo pwede---."

Lucas cut him off. "Maguusap lang kami Raf."

Nauna itong humakbang palabas ng Bar. Sumunod siya dito. Huminto ito sa parking lot. May mga taong naroroon. Pagkahinto nito sa tapat ng sasakyan nito ay noon ito humarap sa kanya. At saka lumipad ang kamao nito sa kanya. Sumadsad siya sa lupa pero hindi siya lumaban. "That's for fooling me." Ibinangon siya nito at muling tumama sa panga niya ang kamao nito. "And that's for hurting my sister and making her cry." Nagtilian ang mga taong naroroon partikular ang mga kababaihan. Mabilis na dumalo ang mga kaibigan nila lalo na si Abel at Tobias na siyang may ari ng bar.

Inawat ng mga ito si Lucas. "Chill pare.. " Narinig niyang sabi ni Abel. Marahas nitong inalis ang kamay at saka lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang kwelyo ng damit niya. "Noong binalalaan kita. Malinaw na babantayan mo lang ang kapatid ko. Alam mo bang gustong gusto kitang tirisin ngayon. Pero dahil mahal ka ng kapatid ko hindi ko 'yon gagawin. Hindi ko daragdagan ang sakit na nararamdaman niya ngayon." Tila ibon na nabuhayan siya. Mahal siya ni Cashy? cheesecake.. Naibulong niya.

Padaskol siyang binitiwan ni Lucas dahilan para sumadsad siya. Sa isang suntok pa nito saka siya muling kinausap. "Do.you.love.my.sister? Do you fucking love her?" Sigaw nito sa kanya.

Pagak siyang napangiti. "I love her.. More than what you think. "

Lucas eyes are burning in madness. "Kung mahal mo talaga siya. Bumawi ka sa kanya. Alisin mo ng sakit na nararamdaman niya ngayon. Dahil kung hindi... I will use all my strength para mailayo ko siya sayo." Bumaba ang mga mata nito sa relong hawak. Ang alam niya'y hating gabi na. "Eight in the morning ang flight niya pabalik ng Manitoba. I'm giving you five hours para ayusin ang sarili mo at bumawi ka sa kapatid ko."

Nabuhayan siya ng loob. Ibig bang sabihin nito ay tanggap na siya nito para kay cash? "Pero wag mong bigyan ng ibang kahulugan ito. I'm only doing this for my sister. Mahal ko siya at ayokong nasasaktan siya."

Kahit hindi para sa kanya. Sapat na. Kahit para nalang sa babaing mahal niya.







To be continued...

GENTLEMAN Series 9: David TyndaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon