Chapter Sixteen

31.9K 890 25
                                    

"A-Anong sinabi mo?" Napipilang tanong niya.

Hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang sabihin. Nalilito siya sa sinabi nito. Hindi niya rin malaman kung guni guni lamang ba niya iyon.

Naging mailap ang mga mata nito sa kanya. Pero maya maya'y tumitig din. Wari'y iniipon ang lakas bago huminga ng malalim. "M-Mahal kita. Matagal na."

Umawang ang mga labi niya. No.

"Cashy was almost my sister. Kaya kung paano mo siya alagaan. Ganoon ko din siya aalagaan."

Paano niya iyon makakalimutan? At paano nito nasabing mahal siya nito. Pagak siyang natawa. "Yes.. You love me--as your little sister."

Sunod sunod ang pag iling na ginawa nito. Kinuha nito ang kamay niya at mahigpit na hinawakan. "Mahal kita. Hindi bilang kapatid, kaibigan o anuman. I love you. I love you as a woman."

Hindi niya maunawaan ang lahat. Kung bakit bigla bigla ay magiging ganito ito sa kanya. "I don't believe you. Paano mo ako mamahalin e, diba nga---."

"Mahal na kita noon pa man. Natatakot lang akong sabihin sayo dahil alam kong magagalit ang kuya mo. He's so protective when it comes to you. At ayaw ko rin mabahiran ng sama ng loob ang pagkakaibigan namin. Sinubukan kitang iwasan. Sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko sayo. But hell, sarili ko lang ang pinahihirapan ko. Sa tuwing may mga lalaking lumalapit sayo. Gusto ko silang pisain sa mga kamay ko. Pero ng makilala mo si Cent. Halos magunaw ang mundo ko. I saw how he makes you happy. Ibang saya kapag ako ang kasama mo. I knew back then, kung gaano mo na siya kamahal. Kinain ng selos ang puso ko. Kaya ng maghiwalay kayo. Bukod sa nalungkot ako para sayo.. May bahagi ng puso ko ang tuwang tuwa dahil wala na kayo. Sabi ko, magtatapat na ako. Pero binalalaan na naman ako ng kuya mo."

"May gusto ka ba sa kapatid ko? David?" Natigipan si David sa tanong ng kapatid ni Cashy.

Ibinaba niya ang tasa ng kapeng iniinom niya. "Where did you get that question? Alam mo naman na parang k-kapatid ko na si cheesecake." He said. Hindi niya gustong mahalata ng kaibigan niya kung ano ba ang nararamdaman niya.

Humawak ito sa baba. "Wala naman. Masyado ka kasing galit na galit ng iwan ni Cent si Cash. Iniisip ko tuloy na bakit parang ikaw ang nasasaktan para sa kapatid ko." Tumatawang tinapik niya ito sa balikat.

"Cash was like a sister to me. Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya." Doon lamang ngumiti si Lucas.

"Good. Because i hate having a quarrel over my friend. Alam ko kung gaano ka kaloko loko sa babae. And i don't want to see my sister crying over you. She don't deserve someone playboy like you." Medyo nasaktan siya sa sinabi ni Lucas. Pero tama ito. Everything will be complicated kapag pinagpatuloy niya ang kahibangan niya.

"Natatakot ako na baka masira tayo kapag nalaman mo ang nararamdaman ko. Cheesecake.. Mahal kita." Hindi niya alam kung bakit lumuha siya.

Teenager palang siya ng magkaroon siya ng crush para dito. Pero inisip niya. Masyado itong matanda para sa kanya. Kasing edad na halos ito ng kuya niya. Pilit niyang itinatatak sa isip niya na humahanga lang siya. So every passing day, mas lumalago ang nararamdaman niya. Until Cent came. Totoong minahal niya ang binata. Nakikita niya kasi ang pagkakapareho nito kay David. Matalino, mabait, magalang medyo suplado at tahimik nga lang. Iyon din marahil ang naging edge niya para mas mahalin pa lalo si Cent. Pero ngayon, narito sa harapan niya si David. Confessing his feelings. Nalilito siya. Tama ba ang pinapasok niya? "Liligawan kita. Gagawin ko ang lahat para lang patunayan sayo na tapat ako sa sinasabi ko. Maybe it's about time na ako naman. Wag na siya.. Ako nalang." May isang butil ng luha ang nahulog mula sa mga mata niya.

Dama niya ang sinseridad nito. At oo, sa kaibuturan ng dibdib niya'y may kilig siyang nararamdaman. "Si k-kuya.. Paano siya?" Kung liligawan siya nito. Ikakasama yon ng loob ng kuya niya.

"Sasabihin ko sa kanya. Aaminin ko na sa kanya ang totoo. Because i want you to be mine. Ayokong magising na naman ako isang araw na may mahal kana ulit na iba." Bakit ba napakatamis ng dila ng lalaking ito.

Pero ang kilig na nararamdaman niya'y biglang nawala ng may maalala. "Yung babae? Ying kasama mo kanina. Sino siya?" Mataray na tanong niya.

Ngumiti ito. "She's Fem. My half sister. Dinala ko siya dito dahil gusto siyang makilala ni Lucas. May iniooffer na business ang kapatid ko sa kuya mo." Tumango tango lang siya. Wala pala siyang dapat ipagselos. "At kilala ka niya. Alam niya ang tungkol sa feelings ko para sayo. At alam ko, she'll be happy kapag nalaman niyang tayo na."

Pinandilatan niya ito ng mga mata at hinampas sa balikat. "Anong tayo na? Hindi ka pa nga nanliligaw e."

Ngumisi ito. "Pwede namang to follow iyon diba?"

"Asa ka! Manligaw ka muna."






To be continued...




-------

Sa lahat po ng gusto pa akong inominate sa 2017 Literary Awards here's the link.

http://my.w.tt/UiNb/qDs7p7x9UB

Hindi niyo po iyan maki-click kaya copy paste sa browser. Salamuch po.

Ai:)

GENTLEMAN Series 9: David TyndaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon