Chapter Twelve

33.2K 790 22
                                    

Napapapikit siya ng mata habang ninanamnam ang sarap ng isaw na isinubo ni David sa kanya.

" Da best po talaga itong isaw niyo aling Marina." Aniya. Ngumiti ang matanda sa kanya. Suki na sila nito simula pa noong teenager siya.

Ngumiti ng magiliw ang matanda sa kanya. "Salamat naman at naaalala mo pa itong tindahan ko." Ani nito.

Silang dalawa ni David ang laging tumatakas sa mga mata ng kuya niya para makakain sila ng isaw. Medyo malayo kasi ito sa School na pinapasukan niya noon. "Ay nako nanay marina. Itong si cheesecake pa talaga ang nagyakag dito. Namimiss na daw po niya ang mga isaw niyo." Pagbibida naman ni David.

Puno ang bibig na nagsalita siya. "E sa namiss ko naman talaga e. Wala kayang ganito sa Manitoba."

Tumatawang inabutan siya ng matanda ng tubig. "Ang laki laki mo na hija. Dati hanggang baywang ka lang niyang si David. Ngayon pagka ganda gandang bata mo na." Nahihiyang ngumiti siya sa matanda. Tama nga naman ito ngayon ay hanggang ilalim na siya ng baba ni David. Tumangkad din naman pala siya kahit papaano.

"Sus, matagal naman na hong maganda itong si cheesecake, nanay." Pakiramdam niya ay namula ang pisngi niya dahil sa papuring lumabas sa labi ni David.

Matagal na pala akong maganda pero bakit ngayon mo lang sinasabi? Gusto niyang isatinig iyon kaya lamang ay nahihiya siya.

Nilagyan pa ng matanda ng suka ang platitong sinasawsawan nila. "Alam ko naman iyon. Palagi mo ngang ibinibida iyon sa akin noon." Doon siya nag angat ng tingin.

Nagkamot ng ulo si David. "A-Ah.. Ano kasi.. Ito talagang si Nanay kung ano anong sinasabi." Idinaan ni David sa tawa ang sagot.

Tumaas ang kilay ng matanda. "Aba! Hindi ba nga't gandang ganda ka d'yan kay Cashy noon? Teka, maiba ako.. Kayo na ba?"

Halos magkanda samid samid siya sa tanong ng matanda. Paanong naisip nito na sila na ni David? Napakaimposible!

"Kayo talaga nanay.." Sabay akbay ni David kay aling Marina.

Tinampal ng matanda ang kamay ni David. "Hay! Nakong bata ka! Hindi mo talaga magiging nobya iyang si Cashy kung di mo popormahan. Baka maunahan ka ng iba."

Nalilito na siya sa pinaguusapan ng dalawa. Naguusap ang mga ito na para bang wala siya doon. "Excuse me! Manang.. Magkaibigan lang po kami niyang si David. At saka para ko na 'yang kuya." Aniya.

Tumingin si David sa kanya. "O-Oo nga naman nanay.. Magkaibigan lang kami."

Tumango siya. Tila hindi madaling kumbinsihin ang matanda. "Pupusta ako.. Sa huli kayo ang magkakatuluyan. At kapag nangyari iyon, ipamamana ko sa inyo itong isawan ko."

Natawa nalang siya sa biro ng matanda. Dapat ay matagal na siyang sanay dito. Kahit noon naman ay mabiro na talaga ito. Pero ito ang unang pagkakataon na biniro siya nito kay David. Imposible naman kasi na magkagusto sa kanya ang binata. Bata pa lamang siya noo'y alam na niyang tinging pagkaibigan lang ang mayroon ito sa kanya.

"I'm trusting you David. Alam kong babantayan mo si Cash." Narinig niyang sabi ng kuya niya kay David. Nasa bahay nila si David. Excited na siya na mag aral sa Florida. Excited na siyang makasama si David. Aaminin niya crush niya ito. Hindi lang iisang beses siyang tinukso ng mga kapwa niya highschool classmates dahil isang David Tyndale ang sumusundo lagi sa kanya. Binabantayan siya na parang isang boyfriend. Minsan kinikilig pa nga siya kaya lang bata pa siya. At kaibigan ito ng kuya niya. Kaya hanggang crush nalang siya.

Nakita niya ang pagtango ni David. "Cashy was almost my sister. Kaya kung paano mo siya alagaan. Ganoon ko din siya aalagaan."

Tumango naman ang kuya niya at tinapik sa balikat si David. Parang nakaramdam siya ng kaunting sakit. Kahit pala magpacute siya dito ay hindi siya nito magugustuhan. Kapatid lang pala ang turing nito sa kanya"You can fool around David. But please not my sister. Hindi mo naman siguro gustong masira ang samahan natin. She's our princess. Kaya kapag pinakialaman mo siya. I swear i will hunt you down! And friends will be over."

Pasimple siyang lumayo sa pinagtataguan at inihakbang ang mga paa palayo doon. Hindi si David ang para sa kanya. Kaya palaa ng bait bait nito s akanya kasi mukha lang siyang kapatid dito.

Kaya imposible na magkagusto ito sa kanya. Lihim siyang napailing. Good thing na naovercome na niya ang crush na nararamdaman niya para dito.

Ang nararamdaman na lang niya ay para niya itong matalik na kaibigan at mabait na kuya.





To be continued...

GENTLEMAN Series 9: David TyndaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon