Chapter Six

38.2K 849 12
                                    

France was her dream. Sa tinagal tagal niyang wala sa pilipinas at may mga ilang bansa na siyang nalilibot. Ito ang unang pagkakataong tumapak ang mga paa niya sa France. Partikular dito sa Paris. Nakakatawa mang isipin pero para siyang batang sabik na iminulat ang mga mata. She had a long sweet sleep. Hindi nga niya naisip na makakatulog siya ng maayos.

Isa sa nga bagay na di pangkaraniwan sa kanya ay ang mahirap siyang makatulog lalo na kung wala siya sa sarili niyang bahay. Pero ngayon, ang sarap ng tulog niya na para bang sanay na sanay na siya. Iniunat niya ang mga braso at saka bumangon. Nasa kabilang kwarto si David. Pero wala siyang pakialam kung naroon man iyon o wala.

Mabilis siyang naligo at nagbihis. Sa daan nalang siya kakain. Bago siya natulog kagabi ay chineck niya sa internet ang mga ways at instruction na magagamit niya para mapuntahan ang mga gusto niyang puntahan ngayon. Ang goal niya ay bago siya bumalik ng Manitoba ay makapagselfie siya sa Eiffel Tower. Naalala niya, inlove na inlove siya sa korean nobelang Lovers in Paris noon.

Napapa-aja pa nga siya kung minsan. Spring ngayon dito sa Paris. And this is the season where Paris seems to reawaken, with it's avenues fringed with new green shoots and it's trees in flower.

Excited na siyang pasyalan ang mga parks and garden dito sa paris.

People venture out and about in the parks and gardens and along the river banks, strolling, cycling or skating.

Sinuot niya ang Keds sa paa at saka binuksan ang pinto.

"Aalis ka?"

Napaigtad siya dahil nasa harapan na pala niya si David. He look fresh and fragrant. Halatang bagong ligo ito.

"Aalis kana agad?" Tanong niya ng makababa siya ng hagdan at makita si David na bagong ligo. Dito ito natulog sa kanila dahil hindi na ito nakauwi kagabi.

Last night was a blast. Eighteenth birthday niya kagabi. And David was her escort. Hindi na ito pinayagan ng mga magulang niya na magdrive pauwi kagabi dahil nalasing ito.

Lumapit ito sa kanya. He ruffled her hair at saka humalik sa ulo niya. "May kailangan pa akong asikasuhin."

Napanguso siya. Bali-balita na idinedate nito ang sikat na modelong si Maria Amor. Mestisang bangus na kinaiinisan niya simula ng supladahan siya dahil lang sa nakita niya ito sa mall at nagpapicture siya.

Na kung hindi pa siguro nito napansin na kasama niya si David ay patuloy pa rin siyang susupladahan ng babaing iyon. "Hey! What's that for?" Puna nito. David was her second brother. Para itong kuya niya.

"Pupuntahan mo na naman siguro ang mestisang bangus na iyon ano." It wasn't  a question. It's a statement.

Tinawanan siya ni David. "I thought okay na kayo. Nagsorry naman na siya sayo diba?" Ani nito. Naiinis na umirap siya.

"Kinakampihan mo naman siya dahil gusto mo siya." Sabi naman niya. Natatawang hinawakan nito ang kamay niya.

"Ilang linggo nalang aalis na tayo. Kababata ko si Maria Amor kaya madalas talaga kaming magkasama. At isa pa, pag alis natin. Baka hindi na kami magkita."

Sa Florida na siya magpapatuloy sa kolehiyo. At dahil taga roon ang binata. Ito ang magiging guardian niya doon. Lihim siyang napangiti. Mawawala na pala ang hitad sa buhay nila.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Obvious ba? Nakabihis ako hindi ba?" Mataray niyang tugon dito.

Huminga muna ito ng malalim bago muling nagsalita. "Ngayon ang punta natin sa Souvire. " Tila balewala lang nitong saad.

Bumugtong hininga siya. Mukhang mapupurnada pa ang pamamasyal niya dahil may lakad nga pala sila. "Fine! I'll go with you." Naiinis na sabi niya. Bumalik siya sa loob at kinuha ang laptop niya.

Pagabalik niya sa pinto ay nakatayo pa rin ito doon habang hawak ang leaflets na dala niya. Nahulog marahil sa kanya. "Akina nga yan. Pakialamero!" Umismid naman siya.

Hindi ito umiimik. Inabot nito sa kanya ang leaflets at saka huminga ng malalim muli. "Pwede naman kitang samahan sa pupuntahan mo. I can be your tour guide."





To be continued...

GENTLEMAN Series 9: David TyndaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon