Chapter Nineteen

33.9K 783 25
                                    

"K-Kuya." Lucas narrowed his eyes. He maybe jerk sometimes but he is not a fool. Alam nito ang ibig sabihin ng isang bagay.

Gusto niyang hilahin ang kamay na hawak ni David pero natatakot siya. Hindi niya gustong isipin nito na ikinahihiya niyang magnobyo sila.

Her Kuya Lucas Gaze set on their locked hands. Mas humigpit ang hawak ni David doon. "Pare.. " Humakbang si David patungo kay Lucas habang banayad siyang hinila.

Pero ang madilim na mukha ng kuya niya ang salubong sa kanila. Kinakabahan na siya. Iba ang tinging ipinupukol nito sa kanila. He know how to read between the lines.

Nakita niya ang pagkuyom ng kamao ng kuya niya. "K-Kuya.. A.. Ahhm.. K-Kasama ko si---." Naputol ang sasabihin niya ng hilahin siya nito kay David at ibaling sa likod nito. Bago pa siya makapagprotesta ay nakita na niyang tumilapon si David sa lupa. "David!" Dadaluhan sana niya ito pero mabilis na hinawakan ni Lucas ang palapulsuhan niya. "Stay brat!" Nangilid ang luha sa mga mata niya dahil sa galit na lumalabas sa mga mata nito.

Tinignan niya si David. May dugo ang gilid ng labi nito. Dahan dahan itong bumangon. "Tol.. Mag usap tayo please.. "

"Gago ka! Diba sinabihan kita na wag ang kapatid ko?" Malakas na sigaw ng kuya niya. Hinawakan niya ito sa braso. Pilit niyang pinipigilan ang balak muli nitong pagsugod kay David.

"Kuya.. " Maiiyak na siya. Lumilikha na sila ng komosyon.

"Pare.. Mahal ko ang kapatid mo.. W-We to tell it to you tonight---." Muling sumugod ang kuya niya. Nasapak muli nito si david na hindi man lamang lumalaban.

"Kuya!" Nahihintatakutang sabi niya. Humahagos na lumabas si Leah na mukhang kadarating lamang mula sa eskwela dahil nakauniporme pa.

"Do you think paniniwalaan kita? You asshole! Sinabihan na kita.. I even warned you.. Bantay-Salakay ka pala!" Nang gagalaiti sa galit na sabi ng kuya niya.

Miski ang mga magulang nila ay mabilis na lumabas ng bahay. Ang kanilang ina na nakasuot pa ng apron.

"Lucas! David! Bakit kayo nagsasabong ha?" Tanong agad ng kanilang ina.

Matalim na mga matang gumawi ang tingin nito sa kanya bago gumawi muli kay David. "Wala akong ahas na kaibigan kaya hindi na tutungtong sa bahay na ito ang lalaking iyan!" Nakakuyom ang kamaong sabi nito.

Si David naman ay nagyuko lang ang ulo. Wala siyang magawa para ipagtanggol ito sa kuya niya. Dumantay ang kamay ng kanyang ina sa balikat niya. "Mommy... " Umiiyak na yumakap siya dito.

"Ssshh.. " Hinaplos nito ang buhok niya. Wala siyang kwentang girlfriend. Her boyfriend was beaten by her brother pero wala siyang nagawa para ipagtanggol ito. Humarap siya sa ina. "Pigilan niyo si kuya. David didn't do anything bad to me.. He is my boyfriend!" Lakas loob na sabi niya. Nagsitinginan lahat sakanya. Ang pares ng mga mata ng kanilang mga magulang. Si Leah na natigilan din. At ang nanlilisik sa galit na mga mata ng kuya niya.

"Hayop ka!" Napatili sa gulat ang kanyang ina ng sumugod muli si Lucas kay David. "Lumayas kang ahas ka! Pati kapatid ko tinalo mo!"

Nanlalambot siya sa mga nakikita niyang nangyayari. Hindi sila si Romeo and Juliet kaya nakakapagisip din na bakit may gusto pang tumutol sa kanila. Mahal siya ni David at mahal niya ito. Kaya bakit hindi pwede. "Son.. Please.. Huminahon ka.. We can talk the kids over the dinner please.. Hayaan natin silang magsalita." Malumanay nasabi ng kanyang ina. Gusto niyang lapitan si David at pawiin ang luha sa mga mata nito.

Tumingin si Lucas sa kanya. "No...  Hindi na papasok sa bahay na ito ang lalaking iyan. " Sabay duro kay David.

Hinawakan niya ang palad ng kuya niya. Umiiyak na humarap siya dito. Nilakasan niya ang loob niya para salubungin ang nagbabaga nitong mga mata. "Kuya... I'm sorry.. Wag kang magalit kay David please.. We love---."

"How sure are you na mahal ka niya? He's a womanizer! He bedded a lot of women in town. Sinasabi lang niya iyan because he wants to jump in your bed." Maling inaaakusahan nito ang binata pero dapat ba siyang magpadala sa sinasabi nito.

Umiling siya. "Mahal namin ang isa't isa. We are about to tell it naman ngayon gabi.. N-Naunahan mo lang kami."

His cold stare that beneath through her spine. Ay siyang nagpalunok ng lunok sa kanya. "Break up with him. At saka matatapos ito."

Namilog ang mga mata niya. Nakasalubong niya ang mga lumuluhang mata ni David. Umiiling ito. Hindi nito magawang makalapit sa kanya dahil sa kuya niya. Marahil ay ayaw na rin nitong dagdagan ang galit na nararamdaman ng kaibigan nito sa kanya.

Hindi ko kaya...






To be continued...




--------

#BawalNaPagIbig

Happy reading.
Ai:)

GENTLEMAN Series 9: David TyndaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon