Chapter Twenty Five

41.6K 896 47
                                    

Forty-Five minutes before Eight ng umaga. At heto pa rin sila sa traffic. Her dad and her mom joined her para ihatid siya sa airport. Hindi nakasama ang kuya niya dahil may early meeting daw ito. Pero nangako naman ito na bibisitahin siya doon. Sanay naman na siya. Hindi ito ang unang pagkakataon na aalis siya. Nasa Manitoba ang buhay niya.

Ang daddy niya ang siyang nagdadrive ng sasakyan. "Dad.. Bakit po ba trapik?" Nasa kalagitnaan sila ng Ortigas. Oo at lagi ngang trapik dito. Dito nga lang daw may Poreber. Forever trapik. Binuksan niya ang bintana ng sasakyan at kanya kanyang busina ang mga sasakyan na naroroon na naipit din sa kalsada.

Mag iisang oras na silang nakatigil doon pero kahit isang sasakyan ay hindi man lang umuusad. "Maybe i should see what's happening there." Sabi ng daddy niya sabay turo sa bandang unahan kung saan may mga kumpulan ng mga tao ang naroroon. Ang ilan ay bumababa pa ng sasakyan para makiusyoso. Sinundan lang niya ng tingin ang amang naglalakad kasabay ng mga kapwa motorista. "Mom is everything alright? Kanina ka pa parang masama ang pakiramdam." She said. Nakasandal kasi ang kanyang ina.

"Yes, darling medyo inaantok pa siguro ako." She sighed.

"Sinabi ko nman sa inyo na wag niyo na akong ihatid. Kaya ko naman e." Sabi niya saka bahagyang dumukwang mula sa back seat at humalik sa pisngi niyo.

"I'm going to miss you darling.. " Malambing na sabi ng kanyang ina. Ngumiti lang siya. "Me too Mom."

Bumaling ito sa labas ng sasakyan ng makitang may mga nagtatakbuhang mga tao. "Hey! Ang daddy mo? Hindi pa siya bumabalik." Sabay silang bumaba ng sasakyan at saka naglakad. Pagdating nila sa tapat ng Virgin Mary shrine sa EDSA. Bumulaga sa kanila ang mga kabataang nakahiga sa kalsada. Planking? Protesta? Para saan?

Kaya pala hindi umuusad ang mga sasakyan ay dahil nakabaraa ng mga kabataang ito na nakahiga sa kalsada na may iba't ibang posisyon.

"May kilos protesta yata." narinig niyang sabi ng kanyang ina. Napatingin siya sa relo niya. Malelate na siya.

"Mom.. I think i need to take a cab. Maiipit lalo tayo dito." Aniya.

"Pero ang daddy mo." pigil ng kanyang ina.

"Kayo nalang ang mag sabi sa kanya. As soon as i arrived tatawag ako agad." Bilin niya. Humakbang siya ng ilang hakbang nang may tatlong motorsiklo naman ang humarang sa kanya. Jesus!

Nagpaikot ikot ang mga motor na iyon sa harapan niya. Hanggang sa palibutan siya. Kinakabahan na nagpalinga linga siya sa paligid. Wala man lamang lumalapit sa kanya. Bagkus, kinukunan siya ng video! Nagawa pa siyang video-han samantalang pinalibutan na siya ng mga goons! Goons? Saka lang niya napansin na wala pala silang helmet at doon niya mga nakilala ang mga ito.

"Kuya Raf? Kuya Mat? K-Kuya Job?" panay nakangisi sa kanya ang mga kaibigan ng kuya niya. Anong nangyayari?

Napatingala naman siya sa foot bridge ng may mga magtilian doon. Right up the foot bridge is David. Standing there. Nangilid ang luha sa mga mata niya lalo na ng makitang paga ang kanang mata nito'y may mga pasa sa mukha. Mukha siyang sinalvage na maswerteng nabuhay pa. Hindi niya alam kung paano siya nakaakyat sa foot bridge at ngayo'y nakatayo sa harapan nito. "Late na ba ako?" Malumanay nitong tanong.

Bumaba ang mga mata niya sa suot niyang relo. "Ten minutes past eight. Late na ako sa flight ko." Aniya. Kagabi lang niya narealize na hindi nga tamang tumakbo siya. Pero may mga dapat muna siyang unahin bago ang sarili niya.

"I'm sorry.. I'm for all the tears and trouble that i've caused to you. Hindi ko naman sinasadyang saktan ka. I swear i never meant to hurt you.. Ginawa ko lang naman ang lahat ng iyon dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo. I'm sorry... "

Pinahinto niya ito. "Ssshh.. Naiintindihan kita. Nakausap ko na si Khloe and she already apologized to me. Sinamahan siya ni Cent. And believe me, hindi galit si Cent sa ginawa mo. Na kung hindi daw dahil doon, walang Bill sa buhay niya ngayon. Cent love his Son so much."

Nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito dahil sa luha. "I'm really sorry.. Natakot lang ako na baka kapag nakasal na kayo ni Cent ay lalo lang akong mawalan ng pag asa."

"It doesn't matter now, I'm sorry din kung hindi muna kita pinagpaliwanag. Natakot ako na baka pati ang pagmamahal mo'y kasinungalingan lang din pala." Lumapat ang hintuturo nito sa labi niya.

"You have no idea how long I've loved you. Na araw araw ay nagsisimba ang sa baclaran para lang ipagdasal na sana ay bumaliktad ang mundo. Na mapunta ako sa sitwasyon ni Cent. Na sana ako ang mahal mo at hindi siya." Tuluyan nang tumulo ang luha nito. Is seeing a guy crying is really a good thing? Kasi pakiramdam niya kinikilig siya.

Siya na ang humawak sa palad nito. "I'll tell you a story. Once a upon a day, there's a little princess who has a crush on her prince brother friend. That guy is conceited, arrogant, bull headed and snob. Pero sa paglipas ng mga araw, marami siyang natuksan dito. That guy is not really what she thinks. He is intelligent, hardworking and kind. Na papangarapin ng kahit na sinong prinsesa. But that guy is so much playboy. Na laaht ng babae yata sa lugar nila ay girlfriend niya. Sinubukan ng prinsesa na ibaling sa iba ang atensyon niya. And she succeeded. Nagkagusto siya sa iba. Nagmahal, nasaktan at nagmahal ulit. The weak cycle of love. Pero kahit ganoon, narealized niyang iisa pa rin pala ang gusto niya. She's madly in love with you. I'm crazily in love with you." Pag amin niya.

Hinawi nito ang ilang buhok na tumabibg sa mukha niya. "I'm head over heels in love with you cheesecake." Akmang bababa ang labi nito sa kanya ng may maalala siya. "S-Si kuya? Paano kung magalit siya?" Nagaalalang tanong niya.

mabining ngumiti ito sa kanya. "Hindi na siya magagalit. Siya ang nagbigay ng pangalawang pagkakataon sa kin para bumawi sayo. Kaya hindi ko siya bibiguin."

Yumakap siya dito. Pero agad din itong kumalas ng may dukutin sa bulsa niya. Ang singsing na isinauli niya dito. "Look down." Utos nito. Tumingin siya sa ilalim ng foot bridge at ganoon nlang ang panlalaki ng mga mata niya. Ang mga kabataang nakahiga sa kalsada.

Will you marry me?  Basa niya. Kaya pala iba't iba ang pwesto at posisyon nila. May ibig sabihin pala iyon. Nang tumingin siya kay David ay nagtatanong ang mga mata nito. "Yes!" Mabilis na sagot niya at saka siya yumakap dito. "I love you... "

"I love you too.. Cheesecake." Palakpakan at hiyawan sa paligid ang bumuhay lalo sa Kanila. Mula sa di kalayuan ay ang kuya niyang nakangiti sa kanya. Her kuya Lucas know what things will make her happy. Kahit pa nasasaktan ito. Soon, alam niyang mAayos din ang relasyon nito kay David at babalik ang mga ito sa dati bilang mabuting magkaibigan. Sa ngayon, they only have each other para iparamdam ang pagmamahal nila sa isa't isa. Her mom was right, love knows how to listen. Na kung hindi ka matututong makinig. Hindi ka magiging masaya.






End.





---------

My biggest thanks for everyone who enjoy this series. Salamuch po na kahit OA ako e pinagtitiyagaan niyo. Let's wait for the epilogue.

Up next :
GENTLEMAN series 10: Jorge Felipe

GENTLEMAN Series 9: David TyndaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon