Chapter Fourteen

33.3K 796 28
                                    

She don't really understand why she have to avoid David. Unang una, wala naman siyang dapat ipaliwanag sa binata. It was an accident na nabanggit niya ang pangalan ni Cent habang natutulog siya. Hindi mga niya maalala kung panaginip nga ba niya iyon o ano.

May dalawang araw na niyang iniiwasan si David. At sa dalawang araw na iyon. Mabibilang lang din niya sa mga daliri niya na nakikita niya itong nasa loob ng bahay nila. Nagiguilty siya na hindi niya malaman. Kinapa niya ang dibdib. Mahal pa nga ba kita? Pumikit siya ng mariin. Naguhuluhan siya. Hindi naman ganito ang pakiramdaman niya noon. Noong malaya siyang namumuhay mag isa malayo sa kanilang lahat.

Pero iilang araw pa lamang siyang nananatili sa bansang ito pero parang ang laki na agad ng mga nagbago sa kanya. Na kahit siya ay naguguluhan.

Inayos niya ang pagkakasukbit ng bag sa balikat at hinanap ng mga mata ang sariling sasakyan. Galing siya sa Salon. She had her hair short. Naisip niya, summer na dito sa Pinas. Medyo old style na rin ang cut ng buhok niya kaya naisip na rin niyang ipagupit iyon. Isa pa, bukas na ang anniversary Party  ng mga magulang niya.

Surprise kasi iyon. Bukas darating ang mga ito mula sa bakasyon. At napag usapan nila ng kuya niya na simpleng dinner party lang ang gagawin nila. Sila sila lamang at ilang kakilala't kaibigan.

Nang matanaw niya ang sasakyan na nakagarahe mismo sa harapan ng commercial building na nilabasan niya. Naglakad siya papalapit doon. Medyo gumaan ang pakiramdam ng ulo niya dahil umikli na ang buhok niya. Panay nga ang papuri sa kanya ng baklang beautician na umasiste sa kanya. Bagay na bagay daw sa kanya ang pixie cut. Kamukha na daw niya si Angel Locsin. Dinaan na lamang niya iyon sa tawa.

She never been a fan of any local celebrities. Di naman kasi siya mahilig sa artista. Akma siyang sasakay ng may kamay na pumigil sa kanya.

"Cent!" Bulaslas niya ng makita ito. He's wearing Giordano shirt and a pair of jeans. Nakabull cap din ito. He's still the same ruggedly handsome she knew more than a years ago. His charming smile na una niyang napansin noon.

"Can we talk?" Bakas sa mukha nito ang pakikiusap. Unti unting natutunaw ang pananggalang niya dito. Nakakaramdam siya ng awa. Ilang beses na nga ba itong nagtangkang makausap siya simula ng maghiwalay sila? Marami nang beses pero pilit naman niyang ipinagdadamot dito iyon.

Maybe this is the right time para buksan naman niya ang sarili upang subukang pakinggan ito. It's been two years pagkatapos masira ng dapat ay masayang sila. Luminga siya sa paligid may coffee shop dalawang establishment ang layo sa salon na pinanggalingan niya. "Okay."

Hindi na niya hinintay na magsalita ito. Nauna siyang naglakad papalapit sa coffee shop at hinayaan niyang sumunod ito sa kanya. Pumasok siya at sumunod ito.

"Coffee?" Tanong niya kay Cent ng makalapit na ito sa kanya. Umupo ito sa harapan niya. Kinuha ng waiter ang order nila.

The usual, black coffee lang ang hiningi ni Cent. Kabisado na niya iyon.

"Handang handa ka na talagang maging misis ko." Tudyo ni Cent habang nakaupo siya sa hita nito at ninamnam nito ang kapeng ginawa niya. "Kabisado mo na ang timplang gusto ko."

Masuyo siyang tumawa. "Aba oo naman! Ang swerte swerte ko kaya." Sabay hagikhik niya. Ang sikat na Musician/Composer at May ari ng pinakamalaki't sikat na Recording Company  ay siya ang napiling pakasalan. Sino nga ba ang hindi kikiligin sa saya?

GENTLEMAN Series 9: David TyndaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon