Inayos niya ang pagkakapatas ng mga damit niya sa Maleta niya. Iisang Maleta lang naman ang dala niya pauwi dito sa Pilipinas. Bukas na ang alis niya. Tumawag kagabi si Dioann sa kanya. Nagkakaproblema daw sa permit na inaasikaso nito. Wala kasing authorization paper niya.
Suminga siya sa tissue na hawak at saka ibinato iyon sa trash can na nasa tabi niya. "Can i come in?" Napalingon siya sa pintuan ng masilayan ang kanyang ina. Mabilis siyang tumango at hinawi ang ilang damit niyang nagkalat sa gitna ng kama.
Her Mom sat and smile at her. "How are you darling?" Tanong nito. Binitiwan niya ang isang damit na hawak at saka mabilis na yumakap dito at saka doon nagiiyak. "Ssshh... Hush now darling. " Hinaplos nito ang buhok niya. "I know you still love him. Nagkakaganyan ka lang dahil sa pagsisinungaling niya sayo." Lumuluha siyang humarap sa ina.
"A-Ang sakit sakit kasi mommy... " Pinahid nito ang luha niya. "I know.. I know.. May mga bagay talagang mas masakit kapag ang mga mahal natin ang nagdulot niyon. Naaalala ko noong teenager ka palang. You always steal glances to him whenever he's around. Noon pa man nasabi ko na sa sarili ko. My daughter have a crush to her kuya's bestfriend. Nahuhuli pa kitang nakatulala kapag kinakausap ka niya." Pagkukwento ng kanyang ina. David was her first crush.
Nahihiyang tinignan niya sa mga mata ang ina. "A-Alam niyo?"
Tumawa ito. "Of course Darling. I am your mother. Sa akin ka nang galing. Kahit hindi mo man sabihin alam ko kung ano ang laman nito." Sabay turo sa kaliwang dibdib niya. "Why don't you give him a chance to explain. Alam ko may malalim siyang dahilan kung bakit nagawa niya ang bagay na iyon. Anak, hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay ang umiwas at tumakas ang solusyon. Mas mahalagang harapin kung ano ang nasa kasalukuyan."
Pinahid niya ang luha. "I love him mom.. That's why i.. Pero paano ko hahayaang pakinggan ang lahat kung pakiramdam ko kasinungalingan kang ang nararamdaman niya?" Hinawakan ngkanyNg ina ang kanyang palad at idinikit iyon sa dibdib niya.
"Pakinggan mo ito anak. Hindi ka niya lolokohin o pagsisinungalingan. Natatandaan mo ba noong mga bata pa kayo ng kuya mo. You always caught me and your dad, nagtatalo palagi kami. I'm always mad at him dahil selosa ako at tamang hinala. He mostly, i mean palagi siyang wala. Ang ang reason niya ay may business trip.. Blah! Blah! Blah! One time may common friend kaming nakapagsabi sa akin that she saw my husband on that certain place. Ako naman, dahil umiral ang kakitiran ng utak ko. Sinundan ko siya. Sari-sari ang naiisip ko. Na baka nambabae ang daddy niyo o baka may binabahay nang babae. Nang mapuntahan ko ang address na sinabi sakin. Isang mag iina ang inabutan ko doon. Wala ang daddy niyo. I still remember how i accused that woman being a mistress. Iyak siya ng iyak sa harapan ko. Na nagkakamali lang daw ako ng hinala. That night, when i came back home. Inabutan ko na sa bahay ang daddy niyo. Again, we argued. Hanggang sa sinabi kong maghiwalay na kami. Sorry siya ng sorry. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. My mind is in chaos. Na hindi ko na alam kung ano ang pakikinggan ko. Week after, nagpakita yung babae sakin. Returning all my husband things that left in her apartment. At sinabi pa niyang, Mrs. Marquez pakisabi naman po kay Sir na maraming salamat. Nalaman kong battered wife pala siya. That she's one of your dad employee na narescue niya. Na kaya pala itinatago ng daddy mo ay dahil hindi pa nausad ang kaso niya laban sa sariling asawa. I almost lost in my own humiliation. Na ako pala ang mas kahiya hiya. That i accused your dad infidelity. Hindi niya ako niloko. Hindi lang siya makakuha ng tiyempo na sabihin sa akin because he's protecting our family." Mhabang kwento ng kanyang ina.
"Mahal na mahal kayo ni dad. Mom.. At saksi kami ni kuya doon." Aniya.
Tumango ang kanyang ina. "I know that darling.. Kaya wag kang gumaya sakin. Kung mahal mo siya, gaano man kasakit ang ginawa niya titiisin mo mapakinggan mo lang ang paliwanag niya. Dahil ganoon ang pag ibig anak. Marunong makinig."
"Hindi kayo galit sa kanya? Kayo ni dad?"Tukoy niya kay David. Umiling ito. "David is a good man. Pinatunayan niya iyon sa pagpapahalaga niya sayo. That he care for you more than he care for his self." Ngumiti ito sa kanya saka hinawi ang ioang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya. "Kung iniisip mo ang kuya mo. Naniniwlaa akong matatanggap niya ito. Mahal ka niya. At mahal ka lang niya kaya siya masasaktan ng ganoon. At gaya niya, mahal ka lang namin."
To be continued...
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN Series 9: David Tyndale
General FictionGENTLEMAN Series 9: David Tyndale "You can fool around David. But please, Not my sister." David always knew what his role to Lucas younger sister. He will always be her guardian, protector, Hero and friend. Kaya hindi niya sinasadya. He fell in lov...