Chapter Four

43.1K 1K 30
                                    

"France."

Ulit niya sa sinabi ni David. She narrowed her eyes and set it straight to his. "How sure are you na sasama ako sa'yo?" Aniya. Not minding the staff around them.

Dahan dahan itong lumapit sa kanya. At umatras naman siya. Noon, she loves leaning against his chest iyon bang pakiramdam na may malaking pader na poprotekta sayo sa kahit na anong delubyo o sakuna.

Tumama ang likod niya sa service counter. Itinukod niya ang dalawang kamay palikod upang di masyadong bumara ang katawan niya. And then, David his self blocked her. May distansya sa pagitan nila. Sanay na sanay ito sa ganito. Lalo na noon kapag inaasar niya ito. He will cornered her at saka pipisilin ng sobrang higpit ang ilong niya.

"You have no choice Cheesecake. Ang kuya mo mismo ang nagsabi na sasama ka. And being my new business partner. Dapat mong malaman at matutunan ang lahat." Ani nito.

Gusto niya itong itulak palayo. Masyado na silang nakakakuha ng pansin sa ibang tao. "Diba pinabasa mo na sakin ang 'sang katerbang files mo? Ano pa bang hindi ko naiintindihan doon?" She sarcastically said. Wala siyang pakialam kung nagbubulungan na ang ibang empleyado niya.

Tinaasan niya pa lalo ito ng kilay. Nagkibit balikat naman ito. "Actually, I'm impressed. Feeling ko nga kahit ievaluate kita ngayon, masasagot mo ang mga tanong ko. Pero kulang pa iyon, kailangan mong sumama sakin sa france dahil may mga food feast tayong pupuntahan. Speaker naman ako sa mga food contest doon. At---."

"Bakit hindi ang sekretarya mo ang isama mo at hindi ako? Obviously, tatanga lang ako sayo habang lamon ka ng lamon." Naiiritang saad niya.

Nagsalubong ang kilay nito. "Watch your mouth cheesecake!" Saway nito sa kanya.

He was really like her kuya. Ayaw na ayaw nitong nagsasalita siya ng mga salitang kalye o slang words. Nababastusan kasi ito. "Pakialam mo.." Bulong niya sabay irap.

"Irap ka ng irap hindi ka naman si erap." Ani nito. Humarap ulit siya dito. His eyes are like a sweet sunrise. Makinang pero hindi nakakasilaw. That's what she love about his eyes. Para iyong pagsikat ng araw. Minsan naisip niya, ano nga ba talagang lahi nito. Hindi kasi pangkaraniwan ang kulay ng mga mata nito. Sa mga animated movie siya nakakakita ng mga werewolves na pula ang mga mata o kaya naman ay itim na itim. But his eyes are really beautiful.

Minsan gustong gusto na niyang dukitin iyon at itapon dahil naiinggit siya. Dark kasi ang mga mata niya. Minana niya sa kanilang ina. Unlike her kuya na minana ang mata ng kanilang ina. "Hindi ako sasama sayo. Marami akong nakatambak na commitment ngayong linggong ito and i can't set them aside isa pa, inaasikaso ko pa ang bubuksang branch sa Toronto." She honestly said. Busy nga talaga siya.

Iniisip tuloy niya paano ang bakasyon niya sa pilipinas para sa anniversary ng mga magulang nila. Sinabihan na siya ng kuya niya. Mas nahihirapan pa siya lalo dahil wala na si shane. Mapapagkatiwalaan pa naman niyang humarap sa mga business compromise niya ang kaibigan niyang iyon.

She suddenly felt exhausted. "It's okay... Sandali lang naman tayo sa Paris. And after that you can settle everything here. Kailangan lang natin kumuha ng new ideas para sa branch na bubuksan natin."

"Branch?"

Tumango ito. "Yes, marami nang branch ang l'amour Fromage pero wala pang dish na mula sa france ang nakakasama sa menu ko." Sabi nito.

Salitang french ang pangalan ng restaurant nito na may libong sangay sa buong mundo. Kaya hindi na siya magtataka kung bakit halos nilibot na nito ang buong mundo. Tinawanan niya ito ng may maalala. "Hindi ba ang sagwa na ang pangalan ng restaurant mo ay base sa French word tapos kahit isang dish nila wala ka." She laugh.

"Bakit? France lang ba ang gumagamit ng French?" Nasupalpal siya. Oo nga pala. Kung dito nga sa Canada ay French din ang salitang ginagamit. "Magbubukas tayo ng bagong branch. At sa pilipinas iyon. Alam ko itatanong mo na marami nang branch sa pilipinas. Pero kakaiba ito. We will try your brother concept. Magiinitialize tayo ng new set of dishes na mula sa buong Europe." She rolled her eyes.

"Ano pang role ko kung may nabuo na pala kayong plano ni kuya?" Naiinis na tanong niya.

Sumeryoso ang mukha nito. His sweet sunrise eyes darted at her. Sa sobrang lapit na ng distansya nila. Halos sumagad na siya sa pagkakaipit sa likod niya.

"Malaki cheesecake... Sobrang laki."





To be continued...




------

Guys, sorry kung ngayon lang ang update. Super busy lang po.

Pwede po ba akong humingi ng pabor sa inyo? Please like my entry naman po. Here's the link below.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=905240919617609&id=100003951297005

Nasa profile ko po iyan. I'm badly need your help guys. 50% Of media exposure ang kasama sa criteria. It's a cover making contest. Hope matulungan niyo po ako. Isang like lang po at malaking tulong sa akin.. If you can mention your friends sobrang malaking tulong din po.. Salamuch..

Happy reading.
Ai:)

GENTLEMAN Series 9: David TyndaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon