Chapter Eleven

33.7K 777 16
                                    

"Cheesecake! Open this door please..let's talk."

She make sure that the door of her room was locked. David keep on shouting outside of her room. Pero nagbingi bingihan siya. Hindi niya alam kung paano ito nakasunod sa kanya matapos niyang iwan ito sa airport at umuwi siya mag isa gamit ang sasakyan nito. Muntik pa siyang mahuli ng traffic inspector kanina dahil hindi siya nakaseatbelt.

Inabutan lang niya dito sa bahay nila ay si didit at elsa. And a woman named, Leah. Ang sabi ni didit ay bisita daw iyon ng kuya niya. Hindi napang niya pinansin at umakyat nalang siya sa silid niya. Wala pa ang mga magulang nila. Sa isang araw pa pala ang uwi nila from spain.

Pagkatapos niyang ihiga ang pagod na katawan sa kanyang kama ay tinawagan niya agad ang kuya niya para sabihing dumating na siya. She's still remember Cent face. Ang mukha nito na tumatak na yata sa kanya. Kitang kita niya ang pagsisi doon. Pinahid niya ang luha at tumingin sa pintuan. Binilinan niya si didit na wag ibibigay kay David ang duplicate key ng kwarto niya or else mawawalan sila ng trabaho.

"What happened David?" She heard her kuya Lucas voice. She tiptoeing towards the door at inilapat ang tenga doon.

She heard David sighed. "She locked herself inside. Ayaw niya akong kausapin."

Talagang nagsumbong pa ang damuhong ito sa kuya niya. So pathetic. She snorted.

"Ano ba kasing nangyari? Akala ko ba sinundo mo siya?" Narinig niyang tanong ng kuya niya.

"I did. But we saw her ex." Naalala na naman niya si Cent dahil sa sinabi ni David.

Bigla ay naimagine niya ang hitsura ng kuya niya. "That jerk! Ang kapal naman ng mukha niyang magpakita pa sa kapatid ko. After what he did?" Malaki talaga ang galit ng kuya niya kay Cent. At nasisiguro niya na kung kaharap lang nito ngayon ang binata baka dumanak na ang dugo sa paligid. Huminga siya ng malalim at saka bumalik sa pagkakahiga sa kama.

Pinabayaan niyang mag usap ang dalawang lalaki sa labas ng silid niya. At ipinikit nalang niya ang mga mata. Susubukan niyang makatulog para kahit papaano ay mawala ang agiw sa isip niya.

---

Iniwasan niyang mapatingin kay David. Magkakasama sila sa hapag. Siya ang kuya niya, si Leah na ipinakilala ng kuya niya sa kanya at si David.

"May problema ba kayong dalawa?" Bigla ay tanong ng kuya niya nang mapuna yata nito ang pananahimik niya.

"Wala." Halos sabay nilang bigkas. Naiinis na umirap siya kay David. Namungay ang mga mata nito.

Hindi naman siya talaga galit. Naiinis lang siya sa inakto nito kanina. She can control the situation kanina pero mas pinili pa nitong makialam. "Mas mabuti pa mag usap muna kayo. Let's go Leah." Tumayo ang babaing bisita nito at sumunod sa kuya niya.

Ibinaba niya ang kubyertos at akmang tatayo na ng habulin ni David ang kamay niya kaya nahawakan nito. "I'm sorry cheesecake.. I over reacted." He said.

Matalim na mga matang tinignan niya ito. "Nakakainis ka. Pati bata nadadamay sa inyong dalawa. Hindi ka na sana nakialam. Malaki na ako, hindi na ako 'yong teenager na lagi mong binabantayan noon at ayaw mong pahawakan sa iba." Frustrated na sabi niya.

Lumambot ang ekspresyon ni David. "I'm sorry cheesecake.. Nag aalala lang naman ako para sayo."

Pinangunutan niya ito ng noo. "Iniisip mo ba kapag nakapagpaliwanag siya sakin ay babalikan ko na naman ba siya? Ganoon babae ba ang tingin mo sakin?"

Hinawakan nito ang palad niya. "I'm really sorry cheesecake.. Hindi ka ganoon. I'm just worried, na baka saktan ka na naman niya ulit." Puno ng pag aalala ang tinig nito.

Bumugtong hininga siya. "Nangyari na. Kalimutan na natin iyon."

"Hindi kana galit?" Naninigurong sabi nito.

Kunwari'y inirapan niya ito. "Hindi na. Pero magagalit ulit ako kung hindi mo ako ililibre ng isaw. Namiss ko 'yon." Na sinabayan niya ng pagngiti.

Mahilig silang kumain ng isaw kahit noon pa. Ngumiti ito. He look doofus when he grinned. "Isaw! Isaw para sayo kamahalan."





To be continued...




-------

This scene should be written in Lucas and Leah Story kaya lang hindi ko na siya inilagay doon dahil ayokong magkaidea kayo about Cashy and David. So forgive me kung habang binabasa niyo ito ay medyo nalilito kayo. Hindi ko talaga(sinadyang di isulat) ito masyadong ineelaborate sa kwento ni lucas(GENTLEMAN series 4: Lucas Marquez) Masyadong malaki ang interval nila kaya hindi ko talaga isinulat.

Reader Private message: Bakit po ang bilis niyo magupdate? Matagal niyo na po bang nasulat ang mga kwento niyo? Kasi may kasunod agad.

-- Natawa naman ako. Hehehe.. Naku hindi ko pa po naiisulat lahat iyan. It took 3-5hours bago ko masulat ang isang chapter. At opo 700-1200 words lang po sila kadalasan. Hindi po talaga ako mahilig magsulat ng mahaba sa isang chapter. Gusto ko bawat chapter ibang scene naman. Sa isang buong maghapon(Depende sa busyness ko at sa mood ko.) Nakkaya kong sulatin ang tatlong chapter. Tinatamaan din po ako ng tamad. Iyon ay kapag may iba akong iniintindi o may problema naman ako. Kapag nakaisip ako ng eksena isinusulat ko iyon agad sa planner ko. Lalagyan ko ng date(kung kailan ko naisip) ilang details kung sino ang involved sa scene na iyon at saka ko lalagyan ng markings. Kumbaga para siyang graph o nagwe webbing ako. Kaya ung planner ko.. Mukha na siyang scratch paper. Hahaha.. Puno ng paper clips kung san nakasipit un mga important note like(extra si ganito, age nito, place na pupuntahan etc.) Pati iyon list ng cover na gagawin ko e sunod sunod doon. Kaya kapag aksidenteng sumabog ang bag ko sa mall.. Nakakahiya! Hahaha.. Basura yung makikita nila. (Di naman obvious na madaldal ako. Sorry!)

Happy reading.
Ai:)

GENTLEMAN Series 9: David TyndaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon