Pagkatapos ng dalawang magkasunod na meeting ni David ay isinama naman siya nito sa Tagaytay para makita niya ang latest branch nila. Nakakatuwang napapansin nito ang mga ideas niya. Nalaman din niyang dalawnag branch sa Luzon ang bubuksan nila. Isa sa Laguna at Batangas.
Nagsuggest siya dito ng mga ilang ideal date para ipabroadsheet ang advertisement nila. Pumayag naman ito. He actually let her handle the editorial. Ang balak sana niya ay magpagawa din ng at least eighty seconds television ad.
"Where to?" Tanong niya ng mapansin niyang pumasok sila ng Sta. Rosa proper.
"Sa Calamba. Nakausap ko na iyong may ari ng Chinese cuisine doon. Willing na siyang ibenta ang Restaurant na iyon." Ani nito.
Tumango siya. Tumingin tingin siya sa paligid. It's her first time here sa Laguna. Sikat daw ito dahil sa daming hot spring resorts. "Totoo bang maraming resorts dito. Iyong hot spring?" Bigla ay tanong niya. Mukha naman kasing sanay na sanay si David sa lugar na ito.
Tumingin lang saglit sa kanya ang binata bago ipinagpatuloy ang pagmamaneho. "Gusto mo bang nagswimming mamaya?"
Umiling siya. Wala naman silang dalang pampaligo. "Hindi na. Saka babalik pa tayo ng manila mamaya. Baka sobrang gabihin naman tayo."
Nagkibit balikat nalang ito at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Siya naman ay ipinikit ang mga mata para makatulog. Mukhang malayo pa naman sila. Matutulog muna siya.
Masuyong mga tapik sa pisngi ang nagpagising sa kanya. "N-Nasaan na tayo?" She asked when she opened her eyes.
Ngumiti ito sa kanya. Ang lapit lapit kasi nito. "Nandito na tayo cheesecake. Masyadong masarap ang tulog mo."
Lumayo ito ng konti sa kanya at saka kinalas ang seatbelt niya. Nasa parking lot na pala sila. Unang lumabas ito at pinagbuksan siya ng pinto.
Isang malaking ngunit lumang restaurant ang bumungad sa kanya. "Ito na iyon?" Naitanong niya. Tumango si David. "Bakit balak ibenta ng may ari?"
Nagkwento ito sa kanya. "Masasakitin na si Mrs. Ching balak na niyang bumalik sa Beijing dahil naroroon ang pamilya niya."
Inakay siya nito papasok sa loob. May mangilan-ngilan siyang customer na nakikitang kumakain. Dumeretso sila sa isang pasilyo na sabi ng gwardiya ay naroroon ang opisina ni Mrs. Ching.
They met Mrs. Ching mga nasa mid-sixties na siguro ito. Singkit na singkit ang mga mata nito. They discussed about the property and it went well.
Nagkasundo sila sa presyong gusto ng bawat isa. Aayusin lang daw nito ang pagtransfer sa kanila at sila ana ang bahala. Bukod doon, iniikot muna sila nito sa buong restaurant. Nalaman niya na may function room iyon na pwede kapag may mga social events or gatherings.
Malaki ang floor plan ng restaurant. Mukhang mas magandang ipreserve nila ang original feature niyon at baguhin lang ang indoor at outdoor design. "Magandang idea 'yon. Tutal hindi naman nalalayo sa Asian Cuisine ang Architectural design ng Restaurant na ito." Sagot ni david ng sabihin niya ang gusto niyang mangyari.
"Lagyan lang natin siya ng konting touch of modernization. Ibagay sa specialty natin." Gusto niyang tawanan ang sarili. Wala siyang alam sa mga engineering designs pero nasasabi niya ang mga ganitong bagay.
"I will call Engineer Laxamana para sabihin ang prospective plan natin para dito. Tutal siya naman ang hahawak ng project na ito." She knew Engineer Laxamana. Nakilala na niya ito the other day. After they went to the new supplier na nakuha nila.
Tumango siya. Sumakay na sila sa sasakyan nito. "You sure na hindi mo gustong magswimming?" Biglang naitanong ni David sa kanya. Umiling lang siya.
"Maybe next time nalang. Pagod na rin kasi tayo. We've both have a hard day today. Uwi nalang tayo." She insists. Masakit na rin ang likod niya sa ilang oras na pabalik balik na biyahe. Mula Manila to Tagaytay then To Laguna naman. Matutulog na lang siguro siya. At isa pa, malapit na ang wedding anniversary ng mga magulang niya. Pinaplano pa nila ng kuya niya ang araw na iyon.
Hindi na nagsalita si David at hinayaan siyang makatulog ulit. Mabigat na talaga ang talukap ng mga mata niya. Nasobrahan na yata siya sa pagod o sadyang hindi na siya sanay sa klima dito sa pilipinas.
May ilang oras yata siyang nakatulog ng maramdaman niyang nakahinto na sila. Madilim na ang paligid. "D-David!" Natigilan siya ng makita niyang nakatunghay pala ito sa kanya. "K-Kanina pa ba tayo dito?"
"No. Ngayon ngayon lang. Gigisingin na sana kita kaya lang nauna kana." Anito. Medyo naiilang na naman siya sa paraan ng pagtitig nito. Umiwas siya ng tingin dito at kinalas niya ang kanyang seatbelt bago hinagip ang bag niya. Deretso nang nakatingin sa labas si David. Tumikhim siya. "Don't you want to get inside? Para makapagcoffee muna." But he didn't respond.
Bagkus tumingin ito sa kanya. At nagtanong. "Do you still love him?" Nagulat siya sa tanong nito. She saw in his eyes kung sino ang tinutukoy nito.
Si Cent ang tinutukoy nito. "B-Bakit naman siya nasingit dito? Napagtimpla ka na ba niya ng kape kaya nasali siya sa usapan?" She was trying to make some jokes but she failed. Seryoso ang mga mukha nito. Pero banayad lang ang tinig.
"You keep calling his name while you were sleeping. Kaya naisip ko, mahal mo pa siguro siya." She did that? Ewan ba niya kung guni guni lang niya, pero nababasa niya sa mga mata nito ang sakit.
To be continued...
------
#AkalaMoOkNaHindiParinPala
Iyan ang sinasabing wag umasa. Di porke't pareho kayong masaya at pareho kayo ng gusto e may Mutual Understanding na kayo. MU na agad.. Baka naman di lang kayo nagkakaintidihan.. Na-Mi Misunderstanding niyo lang ang sitwasyon. Tsik!
Happy reading.
Ai:)
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN Series 9: David Tyndale
General FictionGENTLEMAN Series 9: David Tyndale "You can fool around David. But please, Not my sister." David always knew what his role to Lucas younger sister. He will always be her guardian, protector, Hero and friend. Kaya hindi niya sinasadya. He fell in lov...