Chapter 6

13.1K 347 7
                                    

Kyle's POV

Pag kalabas ni monique sa C.R ay agad ako pumasok sa loob. Naligo na rin ako. Pagkatapos ay nag suot ako ng PJ's para mamaya ay matutulog nalang.

Habang tinutuyo ko yung buhok ko gamit ang towel, may napansin akong merong nakaumbok sa ilalim ng towel ni Monique. Inangat ko ito at nakita ko pregnancy test?

Tiningnan ko iyon at laking gulat ko nalang na may dalawang guhit na nandun sa maliit na butas.

B-buntis si Monique? Hindi ko namalayang naluluha na pala ako.

Palabas na sana ako ng pintuan ng marinig ko si Monique na parang merong kinakausap.

"Alam mo baby, hindi ako makapaniwala kanina. Sorry baby ah, kasi *sniff* kasi hindi kita tanggap nung una. Pero nung una lang yun baby, ikaw pala ang dahilan kung bakit laging inaantok si mommy sa klase eh. Hehe i love you baby."- Monique

Lumabas ako na hawak ang pregnancy test ni Monique. Nakita ako ni Monique kaya naman agad niyang pinunasan yung luha niya sa mukha.

"Oh, tapos ka na pala. S-sige baba na ko, hinihintay na tayo ni manang dun. Kain na tayo."- Monique

"Monique." - tawag ko sakaniya. Pag kalingon niya ay agad ko pinakita sakaniya yung pregnancy test. "Kailan mo balak sabihin na buntis ka na?"

Bakas sa mukha niya ang pagkatakot. Teka? Hindi naman ako galit ah?

"Bali, kanina ko lang din nalaman na buntis ako. Pasensya na kung ikaw pa nakatuklas at hindi ko agad sinabi sayo."- sabi niya at iiyak nanaman. Gento ba talaga pag nag dadalantao? Aish iyakin!

"Aish! Iyakin ka talaga kahit kailan!"- ako

"Hindi naman ako naiiyak eh, ewan ko ba ba't ang babaw ng luha ko ngayon. S-siguro gento talaga pag nag dadalantao. Tsk! Baba na ko! Gutom na ko!"- siya at agad lumabas ng pintuan.

Sumunod ako sakaniya. Nakaupo na siya dun at kumakain. Sinigang na baboy yung ulam.

Kumain na kami hanggang sa napansin ko nalang na parang may kahalo yung sinigang ni monique.

"Stop eating that! What kind of food is that? Sinigang with chocolate peanut butter on the top of your rice? Seriously? Look, kung gusto mo mag pakamatay, wag mo idamay ang anak ko."- sabi ko habang nakatingin sakaniya ng parang nandidiri

"FYI Mr.Kyle Comia, kung gusto ko man mag pakamatay eh di sana kanina tumalon na ko."- siya

"And what's the reason?"- ako. Napatahimik siya..

"Nung, gutom na gutom ako.Sobra naman kasi eh, hindi mo ko ipinaghanda ng pagkain."- siya

"So kailangan ako talaga mag handa ng pagkain, JUST FOR YOU?"- sabi ko

"Eh di hindi ako kakain para parehas kami ni baby mamatay."- siya. Aish baliw na ba talaga to?

"Ok, ok! For the baby, mag luluto ako."- ako at kumain na ko.

Siya naman napa"Yes" sa sobrang saya. Ang laki ng pinag bago niya. Para siyang bata kung umasta..

Nang matapos namin kumain, nilabas ni manang yung dessert na fruit salad.

Kumuha na kami, pinauna ko si Monique. Sumunod ako.

Pag kasubo ni monique bigla siyang napahawak sa tyan niya at bibig.

"*Grrrp*"- Monique.

"Okay ka lang?"- ako

Bigla siyang tumayo at pumunta sa lababo.. Dun niya ginawa yung pag labas niya ng kinain niya. Agad akong lumapit sakaniya.

"Monique ok ka lang?"- ako

"Oo ok na ko."- siya at agad siyang nag hilamos.

"Wag ka munang kumain ng salad."- ako

"Pero gu---"- siya

"NO BUTS, sige umakyat ka na at mag pahinga." - ako

Pagkatapos nun napakamot siya sa ulo niya..


Monique's POV

Hmmp, nakakapanibago naman, gusto ko yung fruit salad eh.

Bakit kaya bigla nalang umikot sikmura ko? Favorite ko naman yun..

Habang paakyat ako papuntang kwarto namin ni Kyle, napahawak ako sa tyan ko.

Nang makapasok ako sa kwarto ay pumunta muna ako ng C.R para mag toothbrush, pagkatapos nun ay pumunta na ko ng kama at humiga.

"Siguro baby, ayaw mo yung favorite food ni mommy. Hmmp. Pero gustong gusto mo yung sinigang na baboy with chocolate peanut butter on top of the rice. Kahit ako nung nakain ko yun baby, hindi ko alam kung bakit ko yun nakain. Ang wierd talaga pag nag bubuntis ang isang tao.."- sabi ko habang nakahawak ako sa tyan ko.

Nung nakakaramdam ako ng antok, at papikit na ko, biglang pumasok si Kyle.

"Sorry kung nagising kita."- Kyle

"Hindi ok lang, patulog pa naman ako eh."- ako

"Sige. C.r lang ako saglit."- siya.

Tapos nun ay unti unti na kong pumikit.. Antok na ko..

5 minutes~

Hindi ako makatulog.. Nakapikit parin ako.. Hanggang sa narinig kong nag bukas yung pintuan ng C.R Lumabas na pala si kyle..

"Ang bilis naman matulog nito.."- sabi niya

"Oy naririnig kita!"- sigaw ko sa sarili ko

Naramdaman kong humiga na siya. Naramdaman kong ring pumatong yung ulo ni Kyle sa tyan ko, sabi ko na nga ba eh mali yung posisyon kong nakatihaya..

"B-baby?"- sabi niya, sabay himas dun sa tyan ko..

"Aish, I look stupid kung kakausapin ko yung tyan nito."- sabi niya ulit. Mabatukan nga.

*paakkk*

"Aray! Tsk! Gulo naman eh. Gising ka pa ba?"- sabi niya at naramdaman kong lumingon siya.

-_O

O_O

"Oo gising pa ko! Paano ako makakatulog kung nandiyan ka sa tyan ko?"- ako

"Sorry, sige matulog ka na.."- siya

"Sige, kausapin mo na yung anak mo."- ako

"P-pwede?"- sabi niya..

"Sige wag nalang."- ako

"Ito na.. *patong ulo sa tyan ko* baby? Naririnig mo ba si daddy? Well, ang wierd niyo ng MOMMY mo, kung ano ano ang kinakain. I love you baby, bilisan mong lumaki ah, I want to carry you and to see you. I'm so excited."- sabi niya at kiniss yung tyan ko..

"T-tulog na ko Kyle."- ako

"Pwede bang dito muna ako sa tyan mo?"- siya.

"Sige."- ako

Pumikit na ako. Hindi ko maisip na pag katapos ng usapan baka palayasin nalang ako ni Kyle pag kaanak ko sa anak namin.

Gusto rin mabuhat ang anak ko Kyle, gusto ko rin siyang makita araw-araw, gusto kong masubaybayan ang pag laki ng anak natin.

Hindi ko hinihiling na mahalin mo ko. Ang gusto ko lang makasama ang anak ko.

Teka, mahal ko na ba tong lalaking toh?

~~~~~~~~~~~~~~~~

Happy 1k reads! Hahaha thank you po sa support na ibinigay niyo dito sa IHBM!

Thank you sa mga Silent Readers at sa mga nag vote! Sana naman po may mag comment na kasi hindi ko alam kung nagandahan ba kayo sa kwentong to o hindi..

Thank you rin sa mga nag lagay nito sa mga RL nila! Keep on supporting!

^____^

I'm His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon