Chapter 10

11.4K 203 0
                                    

Monique's POV

1 week ng nakakalipas ng maospital ako, medyo ayos na rin ang pakiramdam ko kaya pumasok na ako sa university. Kaso medyo nahihilo pa ko ngayon.. Nag lalakad ako ngayon sa hallway ng makita ko si Trevor, nilapitan ko siya at kinausap.

"Uy, ikaw lang mag isa?"- ako

"Mm-hm, wala pa si Xyriel eh. Kaya buti nalang nandito ka na. Kamusta na si kyle? Eh si ba-----"- tinakpan ko ang bibig niya at kinausap

"Wag ka maingay, kayo lang ni xyriel ang nakakaalam ng totoo kong sitwasyon ngayon."- ako at tinanggal ang kamay ko mula sa pag kakatakip sa bibig niya

"Ano ka ba my Future cousin in-law. Ako na bahala dun. Sana kasing ganda mo yan at kung sakaling boy yan, sana kasing gwapo ko"- sabi niya with matching pogi pose

"Hahahahaha, Agree ako dyan. Tara na nga at pumasok na tayo"- sabi ko sakanya.

"Eh? Di man lang pumalag? Syempre *bulong* sa ama nag mana si baby ng kagwapuhan.. Haha tara na nga - sabi niya at hinawakan niya ko sa balikat

Namalayan kong naka ngiti ako ng pag kasabi nya nun. Pag ka pasok namin sa room, maraming nakatingin samin. Yung iba parang nagulat pa.

"Oy trevor? ANO YAN? Girlfriend mo?!! Pansin namin lagi mo siyang kasabay ha!"-sabi ni drake

"Sira ! Si xyriel girlfriend ko! Parang ate ko na kaya tong si monique kaya wag ka nga dyan!"- sabi naman ni Trevor.

"Hahaha! Mga buang! Kapatid na turing ko dito no.. At tama siya, best friend ko, girlfriend nyan!"- sabi ko at umupo

"Hay, ang swerte naman ni xyriel. Buti napa-oo mo yun Trevor!"- sabi ni Joan

"Syempre. GWAPO ko kaya !"- sabi naman ni Trevor

Nagulat nalang ako ng may sumigaw mula sa pintuan

"ANONG USAPAN TO HA?! AT YAN SI TREVOR COMIA?! B-O-Y-F-R-I-E-N-D KO?! SINO NAG PAKALAT NG MALING, MADUMING, KABABALAGHAN NA BALITANG YAN?!!!"

May idea kayo kung sino? TAMA! (Ano ba naisip nyo? XD) SI XYRIEL NGA!

Lahat naman kami ay napatingin kay Trevor, at si Trevor naman ay tumingin sa ibang direksyon. Hahaha ang cute nilang tingnan!

"TREEEEEEEVVOOOOORR!!!!"- si Xyriel na biglang sinugod si Trevor at pinag hahampas ng libro. Oww wawa..

"OUCH BABE! ANO BA MASAKIT HA?!!"

"BABE YOUR FACE! DI AKO BABOY PARA I-BABE BABE MO KO DYAN!!"

"EH DI MAHAL! SORRY NA!!"

"WAG KA NGANG ASSUMERO! MAHAL KA DYAN ! DI AKO PANDAK!"

"HEEEEEEP!!! Time first guys! Sige kayo, baka mag katuluyan kayo dyan.."- sabi ko naman habang natawa

"SHUT UP NGA MONIQUE! It's so kade-re you know that?"- sabi niya with irap.

"Ok fine. Hahahaha mamaya di ako sasabay sainyo sa pag uwi ha? Yung pinag usapan natin last time.. Remember?"- sabi ko naman

"Ano yan monique ha? Share it naman!"- sabi ng mga kasama namin sa room. Aish. TSIMOSO'T TSISMOSA -,-

"Hmm, kakagaling ko lang sa sakit diba? Eh di pa ko masyadong ok kaya ayun. Ayaw ko lang sila mahawa."- palusot ko

"Owww, what a sweet friend"- sabi nung iba. Ngumiti naman ako sakanila.

Actually, susunduin ako ni ate kristina. Mahirap na daw kasi dahil noong panahong nasa ospital ako, susugurin daw sana ako ni karen. Kaya ito, baka kung ano pa mangyare mas mabuti pang umiwas daw ako sa gulo lalo na't nag dadalang tao ako.

I'm His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon