Chapter 20

2.9K 72 0
                                    

Monique's POV

Nagising ako at dahan dahang minulat ang mga mata ko. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Kyle na natutulog sa tabi ko.

Dahan dahan akong umupo mula sa pag kakahiga at hinawakan ang tyan ko. Bigla naman nagising si Kyle at tiningnan ako.

"Shit. Gising ka na." - sabi niya at bigla siyang napayakap saakin.

"K-kyle. Kamusta si baby? Ayos lang kami diba?"- sabi ko sakaniya.

Naramdaman kong napahigpit ang yakap niya saakin. Naririnig ko rin na para siyang naiyak. Pero bigla siyang humiwalay at ngumiti saakin.

"Monique. You need some rest. Hmm? Please. Para saakin." - sabi ni Kyle.

Bigla naman nag bukas ang pintuan at nakita ko sila Ate Kristina, Papa at Mark.

"Buti at gising ka na." - sabi ni ate at bigla akong niyakap. "Ilang araw kang tulog. Masyado mo kaming pinag alala."

"Sorry ate. Hindi na mauulit. Aalagaan ko na sarili ko wag kayo mag alala."- sabi ko at niyakap pabalik si ate.

Napatingin naman ako kanila papa at Mark. Pagkatapos ni ate, sila papa ang lumapit saakin at yumakap.

Napatingin naman ako kay Kyle na nakatulala sa isang tabi.

Napatingin naman kami sa pintuan ng pumasok ang doktor.

"Good afternoon. Oh, Monique. Buti naman at gising ka na hija. How's your feeling?"

"Uhm. Mabuti naman doc. Pwede ko po bang malaman kung okay lang yung baby ko?"- tanong ko sakaniya.

Nahalata ko naman na nag katinginan silang lahat. May hindi ba ako alam? Bigla akong kinutuban.

"I think it's time to tell her." - sabi ni Kyle at lumapit sakin. "Monique. W-wala na si baby."

Napatigil ako at napahawak sa tyan ko. Napatingin ako sa mga taong nandito sa loob ng kwartong to.

"Kyle. Wag ka mag biro ng ganyan. Hindi totoo yan." - napatingin ako kay Kyle at naiyak siya. Napaluha naman ako.

Naramdaman ko ang yakap ni Kyle. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto ko mag wala sa galit. Gusto ko sumigaw pero hindi magawa. Sobrang hinang hina ako sa nabalitaan ko.

Iyak lang ako ng iyak habang nakahawak sa tyan ko. Bakit ngayon pa bumitaw yung anak namin. Masakit. Sobrang sakit.

"H-hindi naman ako nag kulang diba? Inalagaan ko ang sarili ko. Iningatan ko bawat galaw ko. Saan ako nag kulang?! Saan?!" - halos pasigaw kong sabi. Humigpit ang yakap ni Kyle saakin.

"Monique, please calm down."- sabi ni doc.

Paano ako kakalma? Wala na yung baby ko. Yung anghel namin ni Kyle. Siya lang nag paramdam sakin na dapat kong mahalin si Kyle pero nasan na siya ngayon. Nawala siya. Bakit ang daya? Ang daya ng anak ko.

Wala na kong ginawa dito kundi umiyak ng umiyak. Humiwalay ng pag yakap si Kyle at naramdaman ko ang pag halik niya sa ulo ko.

Lumabas sila ate kasama yung doktor. Umupo sa tabi ko si Kyle at hinawakan ang kamay ko.

"Shh. Monique please. Tahan na." - sabi ni Kyle at pinunasan ang luha ko.

Umiling naman ako at napahikbi. Hindi ko matanggap na wala na yung anak namin. Masakit para saakin yun. Kung kailan handa na ko maging ina at maging asawa ni Kyle saka naman nangyare to.

"Fine. But please. I want you to rest. May gusto ka bang pagkain? Bibilhan kita." - sabi ni Kyle.

Umiling nalang ulit ako at humiga sa kama. Ayoko makipag usap sa kahit kanino sa ngayon.

"I-iwan mo muna ako. Gusto ko makapag-isa."- sabi ko at tumalikod sakaniya.

Narinig ko naman na napabuntong hininga siya at umurong ang upuang kinauupuan niya kanina. Naramdaman kong hinalikan niya ko sa ulo.

"Take some rest. I love you." - sabi niya. Narinig ko nalang na nag bukas at nag sara ang pintuan.

Walang tigil sa pag-agos ng luha ko. Napatingin nalang ako sa bintana at nakakita ng paru-paro. Napaisip ako na baka yun na si baby.

"Sana maging masaya ka na kung nasaan ka ngayon baby ko."

Kyle's POV

Napasandal ako sa dingding at napaupo. Ang hirap makitang ganun si Monique. Sobrang sakit. Lalo na't wala na yung anak namin.

"Babe."

Napayukom naman ang kamay ko ng marinig kung kaninong boses yun. Napatayo naman ako at hinarap si Karen.

"Wag ngayon. Pwede ba?!" - sabi ko at tumalikod.

Pero bago ako mag lakad palayo sakaniya bigla niyang hinila ang kamay ko at pinaharap niya ko sakaniya.

"Ang ganda ng nabalitaan ko. Wala na yung baby niyo. So akin ka na ulit?" - sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.

"Kahit kailan, hindi mo ko pag mamay-ari." - sabi ko at tinanggal ang kamay niya sa kamay ko. "Umalis ka na nga dito."

"Ayoko hangga't hindi kita kasama. Tayo nalang ulit, Kyle. Please. I love you." - sabi nito at yumakap mula sa likod ko.

"Get off! Shit"- sabi o at pilit na inaalis siya sa pag yakap saakin.

"Bitawan mo nga daw siya. Hindi ka ba nakakaintindi?"- sabi ng babaeng pamilyar ang boses. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Naramdaman ko naman na humiwalay si Karen sa pagka-yakap saakin. Hindi ako makagalaw sa kinakatayuaan ko.

"Oh. Hi there, Eunice. Long time no see." - sabi ni Karen. Fuck. Mag kakilala sila?!

"How did you know my name? Ni-hindi nga kita kilala."- sabi ni Eunice. Napaharap na ko sakanila at nakakunot ang noo nito.

"You don't have to know it. By the way, thank you sa pag iwan kay Kyle dati." - sabi nito at tumawa.

"Wala kang alam kung bakit ko ginawa yun! At pwede ba? Iwan mo na sila."- sabi ni Eunice at binitawan ang dala niyang basket na may mga prutas.

"Well, sino nag sabi?" - sabi ni Karen at nag crossed arms.

Natawa naman ng mahina si Eunice at unti-unting lumapit kay Karen at agad sinabunutan.

"Ako. Ahas ka. Lumayas ka na dito hindi ka bagay dito!" - sabi ni Eunice at tinulak ito.

"Hindi pa tayo tapos. Papatayin ko kayo at mapapasakin si Kyle!" - sabi ni Karen.

"Kung kaya mo." - sabi ni Eunice.

Agad naman nag si-datingan ang mga guard. "Miss ikaw nanaman? Naka-block list ka na dito ah."

"Ilabas niyo na yan. Wag niyo hahayaang makapasok yan dito." - sabi ko at napatingin kay Eunice na pinulot ang wallet at yung basket na may prutas.

Humarap siya saakin at napatingin agad sa baba. Hindi parin nag babago tong babaeng minahal ko noon.

"K-kyle. Paki bigay nalang to sa asawa mo. Please alagaan mo siya." - sabi ni Eunice at inabot saakin yung fruit basket.

"You don't have to remind me." - sabi ko at kinuha. "Tatanggapin ko to for my wife."

"I'm sorry. I know hindi mo ko mapapatawad ngayon, pero hindi ako mag sasawang humingi ng tawad sayo." - sabi niya at ngumiti.

Tinitigan ko lang siya. "Ingatan mo siya. At alam kong palaban siya. Hindi tulad ko. Isa akong duwag. Bye for now." - tumalikod na siya at umalis ng tuluyan.

Nakita ko naman agad sila ate na may dalang pagkain. Lumakas ang pag tibok ng puso ko ng lumingon sa direksyon ni Eunice si ate. Buti nalang at hindi niya ito nakita.

"Ba't namumutla ka? Oh? Saan galing yan?" - sabi ni Ate.

"Ah. I-ito? Dumaan yung ka-batch mate ni Monique. Binigay." - sabi kong palusot.

Tumango nalang si ate at pumasok sa kwarto ni Monique. Napahinga naman ako ng maluwag at saka sila sinundan papasok.

~

I'm His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon