Monique's POV
"MONIQUE!"- sigaw nila nang pag kabukas palang ng pintuan
"Hala ! Nandito kayo!!"- sabi ko namay ngiti sa labi ko ..
"Syempre naman ate. Nandito kami para sayo.."- sabi ni mark at agad na niyakap ako..
"Uy monique? Kamusta na future inaanak ko?"- sabi ni xyriel
"Ok naman daw, mahigpit ang kapit kaya hindi basta basta makukunan si monique"- sabi ni kyle
"At kailan ka naman naging monique aber?"- sabi ni xyriel at nakapamewang
"Hanggang dito ba naman? Mag aaway kayo?''- sabi naman ni trevor
"Manahimik na nga kayo! Ang ingay!"- sabi ni ate kristina
"Ay sarreh ok, sarreh"- sabi ni trevor
"Psh, lechugas layas nga sa harap ko !! Paano ba kita naging pinsang kulokoy ka"- sabi ni ate kristina
"Ewan ko, basta ang alam ko, mag kapatid ang magulang natin tapos pinanganak ang gwapong nilalang na katulad ko"- sabi naman ni trevor
"Geh mangarap ka ng gising pangit ka hmmp!"- sabi ni ate kristina
"Hahahaha ! tama na nga yan, kumuha kayo ng cake dun oh.. Ang sarap promise"- sabi ko at sumubo ng isa
"Sige ba, di ko papalampasin yan"- sabi naman ni xyriel
"Monique, siguradong ayos ka lang anak?"- sabi naman ni papa at mukhang alalang alala siya
"Opo naman po papa, basta't nandito kayo, ayos na ko"- sabi ko naman habang nakangiti
"Ingatan mo ang anak mo ha?"- sabi ni papa
"Opo pa.. Pangako, aalagaan at mamahalin ko siya."- sabi ko naman
"Uhmm, kyle? maaari ba kitang makausap saglit? sa labas."- sabi ni papa kay kyle at agad naman silang lumabas ..
Nakita ko naman yung kapatid ko napapalapit at punong puno ng chocolate sa tabing bibig niya.
"Ate, gusto mo pa ba ng cake? Ikukuha kita"- sabi niya habang nakangiti
"No, ayoko na masyadong matamis.. Halika nga rito at ang dami mong chocolate sa mukha"- sabi ko habang pinupunasan siya.
"Ate, pamangkin ko yang nasa tyan mo diba? sana babae para kamukha mo"- sabi niya
"Nako sana nga.. Sige na mag papahinga lang ako ha?"- sabi ko at agad na pumikit
Kyle's POV
Pag labas namin ng kwarto ng tatay ni monique ay agad niya akong kinausap...
"Ipapaubaya ko na sayo ang anak ko Mr. Comia"- pagbungad niya sa usapan namin
"S-sigurado po ba kayo?"- sabi ko at pinilit na huwag ilabas ang pagkatuwa ko sa narinig ko
"Yes Mr.Comia.."- sabi ng papa ni monique
"Kahit kyle nalang po.."- sabi ko naman at nakangiti
"sige. bibili lang ako ng paboritong pagkain ni monique mis-- hehe kyle pala"- sabi niya at tuluyang nag lakad papalayo saakin
Nang matapos namin mag usap ng tatay ni monique ay nag lakad lakad muna ako sa hallway ng ospital. Nadaanan ko rin ang kwarto kung nasan nandun si monique. Di muna ako pumasok dahil alam kong nag ba-bonding pa ang mga bisita niya..
BINABASA MO ANG
I'm His Baby Maker
General FictionPaano kung ikaw ang ipambayad utang sa kinauutangan niyo? At para mabayaran lang, gagawin kang isang baby maker. Alam mo palang sa umpisa na anak lang ang kailangan niya. Pero paano kung pati ikaw ay kailangan niya na rin? May magagawa ka pa ba?