Chapter 1

23.6K 375 3
                                    

Monique's POV

Nag lalakad ako ngayon pauwi galing sa University, oo hindi kami mayaman, pero todo kayod ang Papa ko para lang makapag aral ako sa magandang eskwelahan. Kaya ito baon na baon na kami sa utang. Malapit narin naman ako makagraduate at pwede na kong mag trabaho para lang bayaran lahat ng utang namin dun sa pinakamayamang CEO dito sa pilipinas.

Ba't ko nga bang nasabing pinakamayamang ceo? Ah, siya ang pinakamaraming kumpanya at share holders dito sa bansang ito.

Habang binabasa ko ang notes ko, narinig ko ang phone ko na nag ri-ring. Nung pag kuha ko mula sa bag ay agad kong sinagot iyon.

"Hello? Mark?"

[Ate! Nandito yung CEO na kinakautangan natin.]

"Ano? Diba sabi natin sakanila na babayarin na natin ang kalahati next week?"

[Hindi naniniwala si Mr.Comia hangga't wala tayong pinapakitang proweba sakaniya]

"Sige malapit na ko, ibaba mo na toh"

Pag katapos tumawag ng kapatid ko ay bigla na kong tumakbo, wala na akong pakielam kung meron mang akong nabubunggo na tao.

Nang malapit na ko sa bahay, may nakita akong 3 itim na kotse. Nang makarating na ko sa tapat ng gate, sinalubong ako ng kapatid kong si Mark.

"Nasan si papa?"

"Nakikipag usap siya kay Mr. Comia."

"Sige, Tara pumasok na tayo."

Nang papasok na kami, nakita ko si papa na agad lumuhod sa harap ni Mr.Comia. Biglang napalaki ang mata ko sa ginawa ni Papa.

"Sige na Mr.Kyle, mababayaran na namin ang kalahati next week. Ba't ayaw mong maniwala"

"Eh nasan nga yung pambayad ha?"

Napatingin naman si Papa sa direksyon namin ni Mark at napatungo.

"Mag usap ho tayo sa loob ng kwarto."

Agad tumayo si papa at pumunta sa loob ng kwarto. Susunod sana ako ng harangan ako ng mga body guards ni Mr.Comia

Hanggang sa umabot ng matagal ang usapan nila.

"Ate"

"Bakit?"

"Natatakot ako sa gagawin ni Mr.Comia kay papa."

"Wag kang matakot. Alam kong kaya ni papa yun."

Ngumiti nalang si Mark saakin. Nag hihintay pa rin kami hanggang sa ipinatawag ako sa loob.

Pag kapasok ko ay umupo ako sa tabi ni papa.

"Bakit niyo po ako pinatawag?"

"Anak, sinabi ko na ang totoo"

"Papa naman. Ako na nga yung gagawa ng paraan para makabayad tayo tapos sinabi mo lang!"

Napatungo naman si Papa. Na- realize ko rin na di dapat ako nag taas ng boses kaya naman napatungo nalang din ako at nararamdaman kong paiyak na ko.

Bigla naman ako nakarinig ng isang malalim na hinga at napaangat ako sa kaharap ko ngayon. Si Mr. Kyle Comia.

"Gusto mo bang malaman ang pinag usapan?" Sabi naman nito saakin. "Ikaw ang ipapambayad saakin."

"A-ANO?!"

"Are you deaf? Sabi ko ikaw ang ipapambayad sa lahat ng utang niyo."


"Eh, kaya naman naming bayaran yung utang eh. Bakit ako pa?"


"Pumayag ang papa mo na pagsisilbihan mo ako hanggang sa makabayad kayo ng utang."



"Paano nalang ang pag aaral ko? Malapit na kong grumaduate, titigil pa ba ako?"

"Pag aaralin kita. Makakatapos ka rin. Pero hindi ka titira dito. Doon ka sa mansion ko."

"Pwede naman every week na------"

"No more excuses."

Agad tumayo si Mr.Comia at lumabas. Sumunod kami ni papa para ihatid si Kyle sa labas. From now on Kyle ang itatawag ko sakaniya. Nakakainis. Tumingin ako kay papa. Napaisip ako, paano pumayag si papa sa ganung kasunduan? Ilang araw kaya ako dun? Mag tatagal ba ako ng isang linggo? O taon taon ang binilangin para makabayad kami..

Nung lumabas na kami, papasok na siya sa kotse niya at tuluyang sinarado ang pinto ng kotse. Papasok na sana ako ng merong sumigaw ng pangalan ko.

"Monique! Bukas ka na magsisimula."- Kyle

"Sige."- tipid kong sabi at hindi ko naman siya nilingunan. Agad na kong pumasok sa bahay.


Umupo ako sa sofa, kinakalikot ko ang mga daliri ko sa kamay. Nakita ko si papa, nakatulala at parang naiiyak pa. Pumasok siya sa kwarto niya at tuluyang sinarado ang pintuan.

Kyle's POV

Nang makapasok na kami sa kwarto nila agad na kaming umupo.

"Sa totoo lang , wala talaga kaming pambayad, kaya naiisipan ng anak kong si Monique na mag working student para mabayaran kayo."

"Tch, at saan naman kayo makakahanap ng unang pasahod na 50,000 pesos? Alalahanin niyo, 500,000 pesos ang utang niyo."

"Yun na nga, kaso ----"

"Kaso ano? Pag nawalan siya ng trabaho, hindi niyo na ako mababayaran."

"Pwede bang anak ko nalang ang ipambayad ko sayo? Pwede ka naman niyang pag silbihan eh."

Napatahimik ako bigla at napaisip, kung gawin ko kayang baby maker si Monique?

"Hindi niya ako ipagsisilbihan, gagawin ko siyang baby maker, at doon niyo mababayaran ang utang niyo."

"Ano? Hindi naman ata pwede yan. Okay lang saakin kung ipagsisi----"

"Eh di hindi niyo mababayaran ang utang niyo, gagawin kong doble, mga 1,000,000 pesos, kung hindi kayo sang-ayon."

Katahimikan ang bumabalot sa buong kwarto. Hanggang sa...

"Sige, pumapayag na ako. Pwede bang paki tawag ang anak ko?"

"Okay, deal is deal. Garcia! Pakitawag ang anak ni Mr.Alcantara, si Monique."

Nang pag katapos tawagin ay agad pumasok si Monique.

(A/n: hindi ko na po ilalagay ang nangyare. Nasa POV ni Monique yung kaduktong nito.)

Pag katapos namin mag usap tatlo ay lumabas na ako at pumunta sa labas upang sumakay sa kotse. Nandun ang mag-ama. Nang papasok na si Monique agad kong binaba ang bintana ng kotse at sinigawan.

"Monique! Bukas ka na mag sisimula."

"Sige"- ngunit hindi siya lumingon at diretso siyang pumasok sa sakanilang bahay.

Nag simula nang umandar ang kotse at umalis na kami.

Sa wakas at matutupad ko na ang gusto kong mangyare sa buhay ko, ang mag kaanak.

--------


I'm His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon