Kyle's POV
Isang araw nanaman na nakakapagod. Buti naman at maaga rin natapos ang meeting kaya pwede kami lumabas ni Monique ngayon.
"Sir. May tumawag po kanina at hinahanap kayo."- sabi ng secretary ko
"Sino?"- tanong ko
"Di po nag pakilala eh. Basta ang sabi niya lang po ay babalikan ka daw niya at sana matanggap mo ulit siya."- sabi ng secretary ko
"Nantritrip lang siguro yun. "- sabi ko at nag basa ng ibang tapos ko ng papeles. "Eh, sir. Alam niya po ang pangalan niyo kaya sigurado po akong hindi po iyong pantri-trip." Agad naman akong tumigil at alam niya na ang susunod niyang gagawin. Agad siyang nag bow at nag lakad papuntang pintuan. "Sir, pinahanda ko na rin po pala yung kotse niyo." Sabi nito bago lumabas ng opisina ko.
Napasandal naman ako sa upuan ko at pumikit. Narinig ko naman yung phone ko na tumunog kaya naman ay kinuha ko ito at may nag text.
From: Ate Kristina
Akala ko ba may lakad kayo ni Monique? Bakit wala ka pa rito?
To: Ate Kristina
Ito na. Paalis na.
Pag ka-reply ko ay agad kong inayos ang gamit ko at umalis ng opisina. Pag ka-dating ko ng parking lot ay nandun na yung driver ng company at binigay saakin ang susi ng kotse ko. Pag kapasok ko ay agad ko na itong pinaandar at umalis. Habang nag dra-drive ako ay may tumatawag saakin. Kinuha ko yung bluetooth headset ko at sinagot ko ito.
"Hello? Who's this?"
[Who's this ka dyan! 'Di mo nanaman tiningnan caller ID mo! Anyways. Mangga na hilaw! Bumili ka. Saka Kiwi narin. At saka papaya! At--]
"Monique. Slow down. 'Di ko mapick up lahat ng sinasabi mo. Mamaya na tayo bumili ng mga gusto mo. Pauwi na rin ako."
[Ay ganun ba? Sige ingat sa pag drive. Bye!]
"So ganun na lang? Wala man lang I love you?"
[Ah-eh. Hmm. *tsup*]
*toot toot*
Bigla nalang ako napangiti sa narinig ko. Para akong timang na kinikilig. Kala-lalaki kong tao para talaga akong timang.
Ilang oras din ang biyahe ko kasi medyo traffic at mabuti nalang ay nakauwi na ko. Pag ka park ko ng kotse ay pumasok na ko sa bahay. Naabutan ko sila Monique na nag be-bake ng cupcake. Agad naman akong lumapit sakanila at kumuha ng isa.
"Ang sharap ah."- sabi ko at kumain ulit
"Kyle naman eh! Ba't ka kumuha?!"- iritang sabi ni Monique
"Kailangan kasi may kiss yan, Kyle!"- sabi naman ni ate at nag wink saakin
"Anong kiss?! Wala akong--"- hindi ko naman siya pinag patuloy sa pag sasalita at agad ko siyang hinalikan sa labi. Pag ka hiwalay ko sakaniya ay nakita ko siya na may icing sa tabi ng bibig niya at inalis ko naman ito gamit ang daliri ko. "Sorry. Nadumihan kita. Penge pa ko mamaya ah."- Agad ko naman siyang hinalikan sa noo at nag lakad paakyat sa kwarto.
Monique's POV
Aaayyy! Kaloka! Pinag tulungan ako ng mag kapatid! Nang makaramdam ako ng hangin sa mukha ay agad ako umiling at parang ngayon lang nagising sa katotohanan.
"Hihihihi! Si Monique, namumula."- asar sakin ni Ate Kristina
"H-hindi kaya!"- sabi ko at itinuon nalang sa pag lagay ng icing sa iba pang cupcake.
BINABASA MO ANG
I'm His Baby Maker
General FictionPaano kung ikaw ang ipambayad utang sa kinauutangan niyo? At para mabayaran lang, gagawin kang isang baby maker. Alam mo palang sa umpisa na anak lang ang kailangan niya. Pero paano kung pati ikaw ay kailangan niya na rin? May magagawa ka pa ba?