Chapter 12

10.4K 223 21
                                    

Kyle's POV

Naalipungatan ako dahil sa basang bimpo na nasa noo ko. Habang nakapikit ako ay kinapa-kapa ko pa ito. Tinanggal ko yung bimpo dahil ayos naman na yung pakiramdam ko.

Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Monique na natutulog. Haist loka loka rin to, may space pa naman sa tabi ko bakit hindi siya tumabi sakin? Tsk

Umupo ako mula sa pag kakahiga, umupo muna ako para mag unat pero habang tinititigan ko siya bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero parang may iba na kong nararamdaman sakaniya. Nang nagising ako sa katotohanan ay agad akong tumayo para ihiga siya sa kama.

Binuhat ko siya at nilagay sa kama. Habang inaayos ko siya bigla siyang gumalaw dahilan kaya ako nagulat. Kasi naman parang kabayo, sumisipa sa ere. Kinuha ko rin yung unan ko at pinayakap sakaniya. Pag katapos ko siyang kumutan ay humiga ako sa tabi niya, tinititigan ko lang siya habang natutulog. Pipikit na sana ako ng may kumatok sa pintuan.

*knock knock*

"Come in." -sabi ko at umupo mula sa pag kakahiga

Nakita ko si ate na nag bukas. Mangangasar nanaman to panigurado =_=

"Bunso? Pwede ba kitang makausap?"

"Para saan ate?"

"Para sa Christmas Decoration! September na Oy!"- pasigaw niyang sabi. Bigla naman akong tumingin kay monique na gumalaw bigla

"Ssh! Wag ka ngang maingay! Tulog si Monique oh!"-pasigaw kong bulong sakaniya

"Tara na kasi! Hihintayin kita sa baba!"

Pagkasabi niya nun ay agad niyang sinaraduhan yung pinto. Tumingin ako kay Monique at hinalikan siya sa noo.

"Sleep well"- sabi ko at hinimas ko rin yung tyan niya.

Lumabas na ko ng kwarto at bumaba sa sofa. Nag lalaptop siya at nakunot-kunot pa yung noo niya, umupo ako sa tabi niya at tinitigan siya. Agad naman siyang napatingin sakin.

"Bakit mo ko tinititigan?"- sabi niya

"Bakit mo ko pinababa?"

"Bingi ka ba? Nag linis ka ba ng tenga mo ha?! Di ba sabi ko tutulungan mo ko mag hanap ng Christmas Decoration!!!"- sabi niya ng pasigaw

"Anak ng.. Nakakabingi boses mo ah! At saka di ba pwedeng ipagpa-bukas yan?! Anong oras na? 2:16 am na gising ka pa! Kaya ka pumapangit eh"- sabi ko naman

"Anong sinabi mo?! *binatukan* hoy lalaki! Kahit anong puyat ko, maganda ako OK?!"

"Aray ko naman ate! Binatukan kita ha?? Ansakit ah!! Oo na!" - sabi ko at nakahawak sa batok ko.

"Hmmp. I want this style. Kasi last year diba? Red and Green concept natin. So I want this year Blue and Silver. What do you think kyle?" -sabi niya naman habang nakaturo sa screen ng laptop niya

"Maganda ate, kaso ang tanong? Magugustuhan ba ng asaw-- este ni M-monique y-yun?" -sabi ko at halatang nabigla si ate sa sinabi ko

"Yiie, ehem.. Oo naman! I'm sure na magugustuhan niya yan!"

"Oh sige ate, bukas mamili na tayo sa mall. Nga pala.. Kailan yung graduation ni Monique?"

"Sa makalawa na! Bakit? May reward ba siya? Yiie!!"- sabi naman ni ate

"Tinatanong ko lang ok? Saka re-re-reward? Wala! Mag se-celebrate lang!"

"Nako! Bakit ka nauutal ha?!"

I'm His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon