Chapter 15

8.6K 174 27
                                    

Michael's POV

"Tito? Ano po ba talaga nangyayare?"

"Mark, makipag laro ka muna sa labas."

Pag kasabi palang ni Tito nun kay mark ay agad na umalis ito at tumakbo. Umupo sa kabilang sofa si Tito at huminga ng malalim.

"S-si Mo-monique ang ipinambayad utang ko. Dahil yun din ang gusto ni Kyle." - sabi nito

Di ko alam pero nakanganga na pala ako dito dahil nagulat ako sa sinabi ni tito. Pero hindi basta-basta pumapayag si monique ng ganun nalang.

"Pero, di ganung babae ang pagkakilala ko kay insan. Di siya basta basta pumapayag."

"Oo tama ka michael. Pero walang magawa si Monique kundi umoo nalang ng sapilitan."

"Tsh! Sino ba yang lalaking yan? Sana sakin kayo humingi ng tulong! Ano ba yan tito para naman wala tayong pinag samahan."

"Sorry mich. Biglaan kasi. Alam ko naman na parang kapatid mo na ituring si Monique."

"Pwede ko ba makita si monique? Sige na. Hindi naman ako manggulo dun."

"Asus! Kilala kita Michael!"

"Haist. Oo na tito."

Pag katapos naming mag usap ni tito ay inihanda nya na yung dating kwarto ni Monique at doon ako pinatulog.

Kinabukasan

Agad akong bumangon para mag ayos ng sarili. Pupuntahan ko si Monique kung nasan man siya ngayon. Pagkatapos kong mag ayos ay agad akong lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Mark na kumakain ng umagahan.

"Kuya! Kain tayo."

"Sige lang busog pa ko. Nga pala yung pasalubong ko wag uubusin ah. Bibigyan ko pa ang Ate Monique mo"

"Di naman ako ganun kasiba kuya haha! Ay nga pala ito daw po yung address nila Ate Monique at Kuya Kyle"

Uminom muna ng tubig si Mark bago niya kinuha yung papel mula sa bulsa niya.

"Salamat ah. Sige una na ko."

Pagkatapos namin mag usap ay agad akong umalis ng bahay. Bago ako dumiretso kung nasaan man si Monique ngayon ay pumunta muna ako ng Mall at nag punta sa Grocery Store. Binilhan ko muna ng Mangga na Hilaw dahil yun daw ang pinag lilihian ng mga buntis. Masarap din daw kapag kasama ang Bagoong.

Nang matapos na kong bumili ay pinuntahan ko na si Monique sa bahay nung Kyle.

Nasa tapat na ko ng gate nila. Nakadungaw lang ako sa bintana ng kotse ko at tinitingnan ang kabuuan ng bahay. Napakalaki nito.

Lumabas na ko ng kotse at nag simulang mag door bell.

"Ano po yun?"- sabi nung guard

"Nandyan ba si Monique Alcantara?"

"Kaano ano po kayo ni Miss Monique?"

"I'm his cousin. Michael Cayaco. Pwede mo ba siyang tawagin?"

"Sige po sir. Mag hintay muna po kayo dyan"

Nang sabihin niya yun ay agad siyang tumakbo at pumasok sa loob. Ilang minuto na ang nakakalipas ay nakita ko si Xyriel kasama si Monique

"OH EM GEEEEEE!! NAKAUWI NA PALA SI CRUSH GALING MACAU WAAAAAAH!!!"- sigaw ni Xyriel at tumakbo papunta sakin

"I-insan? Woah kailan ka pa umuwi?"- tanong saakin ni Monique habang papalapit siya saakin

I'm His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon