Chapter 11

10.9K 223 4
                                    

Monique's POV

Ilang oras lang ang nakalipas ng makarating na kami sa SM. Ang saya kasama ni ate, sobrang nakakabaliw. Imbis na dumiretso sa grocery store, sa mga damit kami napupunta. Tulad ngayon, nasa Forever 21 kami at binibilhan ako ng damit.

"Ito monique, bagay sayo to"- sabi ni ate habang pinapakita saakin ang night gown na kulay pink. Agad naman napalaki ang mata ko

"H-hala ate gra-grabe ka, di ko kayang mag suot ng ganyan"- sabi ko naman

"hahaha! binibiro lang kita"- sabi niya at binalik ito sa pinag kunan niya.

Actually may nakuha na siyang damit saakin na dress para sa graduation namin. Yun ang dahilan kaya kami nag pupunta sa mga stores dito. Nabanggit ko kasi sakaniya ang tungkol dun kaya ito kami ngayon, nag pupumilit kasi eh, hindi narin makatanggi ^^

"Mam? here's your order. Come again" -sabi nung sales lady at inabot kay ate yung damit

"Thank you. Oh siya tara na monique, at may bibilhin ka pa sa asawa mo diba? Yiee I'm so kilig"- sabi naman ni ate

"Ate naman. Di po kami kasal ni kyle"- sabi ko naman

"Eh kahit na noh! May baby kayo kaya alam kong magiging kayo sa huli."- sabi niya habang palabas kami ng store

"Lakas naman po ng fighting spirit niyo hahahah!"- sabi ko at sumunod sakaniya

"Ako pa, alam ko kasing hindi mo iiwan ang kapatid ko. Malaki ang tiwala ko sayo"- sabi niya naman

Hindi na ako naka imik pa dahil wala na akong masabi. Nakarating na kami sa grocery or should I say, SM Hypermarket. Hahaha!

Nilagay namin ang mga pinamili sa baggage counter at pumasok ng tuluyan sa loob.

Kinuha ko rin yung listahan ng kasangkapan na kakailanganin ko sa pag luluto ng sopas. Nakita ko rin si ate na kumuha ng push cart.

"Sis, taralets? nako excited nakooo~"- sabi niya

"hahah! ito na nga po. uhmm sa vegetable section tayo ate"- sabi ko naman at nakita ko siyang ngumiti

Naglakad na kami papunta dun, pagkarating namin agad dun ay namili kami ni ate ng fresh na repolyo at carrots. Di na kami kumuha ng bawang at sibuyas dahil marami pa daw ito sa bahay. Pagkapili namin ay pumunta naman kami sa Meat section, ang pinapili ko si ate para sa manok.

"Ate, may nakalimutan ako. Dyan ka muna ha? Susunod ako"

"Oh sige monique, mag ingat ah"

Pagkatapos nun ay pumunta na ako sa mga delata ng green peas. Kukunin ko na sana yung nakita ko pero muntik na kong maunahan. Pag katingin ko sa kukuha sana

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

S-si mama?

"M-mama?"

Di niya ko pinansin at agad siyang lumayo, hinabol ko naman siya at hinawakan sa kamay

"Mama? bakit mo ko iniwan? kami? Bigla ka nalang nawala"- ramdam kong namumuo na ang luha ko sa mga mata ko

I'm His Baby MakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon