Monique's POV
Apat na buwan ng nakakalipas ng makunan ako sa anak namin ni Kyle. Dapat ko bang tawaging anak yun kung isang hamak na baby maker lang ako ni Kyle? Oo minahal at mahal ko siya. Minahal ko rin ang batang dinadala ko ng halos isang buwan sa sinapupunan ko. Maraming nangyari simula ng makilala ko si Kyle. Pag babanta sa buhay ko at sa baby namin. Pero lahat ng yun nalampasan namin.
Hindi natuloy ang kasal. Gustong manligaw ni Kyle at dalawang buwan na siyang sinusuyo ako. Seryoso siya sakin at talagang mahal daw niya ko. About sa babaeng nakita namin sa mall, kilala ko na siya dahil kinuwento sakin ni Kyle kung pano siya iniwan at pano siya nasaktan noon.
Umuwi muna ako samin para makasama sila Mark at Papa. At para rin matulungan sila sa bago naming hanap buhay.
"Mooonique!! Nandito na ang maganda mong best friend!"- sigaw ni Xyriel. Pumasok naman siya habang nag be-bake ako ng mga cupcake na order.
"Sakto lang dating mo. Tulungan mo ko mag hatid nito ah."- sabi ko at ngumiti sakaniya.
Huling set ng cupcakes ang ginagawa ko. Nilagay ko na rin sa isang box ang mga to.
.
.
."Ito yung order ng boss mo. Kay Mr. Chua."- sabi ko at inabot sa babae na nasa front desk ngayon ang tatlong box ng cupcakes.
"Sige salamat. Ito rin yung bayad niya. Tatawagan nalang daw niya ulit kayo kung mag oorder siya."- sabi nito at ngumiti.
Nag paalam at umalis na rin kami sa building na pag mamayari nila. Habang nag lalakad kami, may biglang tumigil na kotse sa harap namin.
"Mon! Sakay na!"- sabi naman ng babae sa loob ng kotse. Pag kasilip ko ay si Ate Kristina pala.
"Hi ate. Uhm ayos lang ba? Baka may--"
"No, sis. Wala akong pupuntahan. Kakauwi ko lang din from shopping so hop in. Namiss ko ang future sister-in-law ko."- sabi nito at binuksan ang pintuan ng kotse.
"Una na ko, Monique."- sabi ni Xyriel at nag lakad paalis.
"Xy! Hatid ka na namin."- sabi ni ate at lumabas sa kotse.
"Nakakahiya. Malapit lang din naman ang bahay ko. Thank you nalang."- sabi ni Xyriel at kumaway.
Naglakad naman papalapit si Ate Kristina kay Xyriel at hinila ito. "Sige na. Makisabay ka na."- sabi nito at binuksan ang likod ng kotse. Wala naman magawa si Xyriel at pumasok nalang sa kotse.
Habang nasa byahe kami at tinuturo nito kung saan ang bahay niya bigla naman may mag-asawang nag aaway. Napatingin naman ako kay Xyriel.
"Uhm. Dito nalang siguro ako. Nag aaway kasi magulang ko. Pasensya na rin sa lugar. Maraming salamat."- sabi nito at ngumiti. Nag paalam din sakin ito at saka lumabas ng kotse.
"Mahiyain kaibigan mo. Tahimik lang eh."- sabi ni Ate at saka umalis sa lugar nila Xyriel.
Ilang minuto ang nakalipas at nanatiling tahimik kami ni ate sa byahe.
"Nga pala sis. Kamusta kayo ni Kyle? Kamusta rin din yung business nyo?"- biglang tanong ni Ate sakin.
"Ayos naman kami ni Kyle, ate. Medyo nakikilala na yung business."- sabi ko
"Well it's good to hear. Nga pala. Pag pasensyahan mo na si Kyle kung hindi pa siya nakakadalaw ngayon sayo."- sabi ni Ate.
"It's okay. Naiintidihan ko naman yun."- sabi ko at ngumiti. Napangiti din si Ate sakin.
Habang nasa byahe pauwi sa bahay ko ay biglang umulan ng malakas.
"Ate, gusto mo dun ka muna samin? May nga natirang cupcakes dun."- pag aya ko sakanya.
BINABASA MO ANG
I'm His Baby Maker
Ficción GeneralPaano kung ikaw ang ipambayad utang sa kinauutangan niyo? At para mabayaran lang, gagawin kang isang baby maker. Alam mo palang sa umpisa na anak lang ang kailangan niya. Pero paano kung pati ikaw ay kailangan niya na rin? May magagawa ka pa ba?