Chapter 14: I think... I'm Ready..
Monique's POV
Napatulala nalang ako sa sinabi ni kyle, kaya ko na bang ikasal sakanya? Pero baka may sagabal kapag nalaman na ikakasal na siya saakin. Yung babaeng dapat susugurin ako sa hospital dati, natatakot ako. Baka kunin niya si Kyle sakin, at baka pati ang magiging anak namin.
"Anak? Ayos ka lang, ba't ka naiyak?"- nagising nalang ako sa katotohanan ng marinig ko si Papa na nag salita. Naramdaman ko rin na basa ang pisngi ko. Agad ko naman pinunasan yun at tumingala
"Uhm, excuse me muna, mag C-cr lang ako."- sabi ko at tumayo. Narinig ko naman si kyle na parang inubo.
Pag pasok ko ng bahay, nakita ko sila Xyriel na nanunuod sa sofa kasama si Mark. Agad naman akong nakita ng kapatid ko kaya naman lumapit siya saakin
"Ate, papakasalan mo si kuya kyle?"- tanong niya saakin.
"Nakinig ka sa usapan namin no? Ano bang sabi namin sayo ni papa?"- sabi ko
"Hindi ako nakinig, narinig ko lang kanina nung kumuha ako ng tubig."
"Hmm, alam mo sagot ko? An--"- napatigil ako dahil pumasok na si Kyle at si papa
"Mark, uwi na tayo, gabi narin oh."- sabi ni papa kay mark
Nakita ko naman si Kyle na umakyat ng kwarto namin, ang suplado ng aura niya. Tiningnan naman ako ni Xyriel na "Anong nangyare look". Nagkalabit balikat nalang ako.
Nang palabas na ng bahay sila Papa, hinatid ko narin sila para makasakay ng taxi.
"Pa, salamat sa pag punta ah?"- sabi ko
"Wala yun anak, basta ikaw."- sabi naman ni papa at niyakap ako
"Ako na po bahala kay kyle kapag hinanap kayo."- sabi ko at humiwalay sa yakap niya
"Di na kailangan nak, nag paalam narin naman ako.. Sige na pumasok ka na dun at mahabog dito sa labas."- sabi niya at pumasok sa sasakyan at tuluyang umalis
Pumasok na ko ng bahay at nadatnan ko si Xyriel at Trevor na nag lilinis ng kusina.
"Sir Trevor, kami na po dyan."- sabi nung isang kasambahay
"Di na, kami na dito kaya nanamin. Kumain na kayo doon at pagkatapos mag pahinga para may lakas kayo para bukas."- sabi naman ni Trevor habang pinag hahanda ng pagkain yung mga kasambahay.
"Nakakaheya naman pu kase ser, dapat pu talaga ay kame pu ang gumagawa de-yan. Ay hala madumehan pa kayu lagut aku kay ser kyle."-sabi nung isang kasambahay na bisaya
"Ay ako na bahala kay kuya, sige na ito na yung pagkain niyo at kumain na kayo, tapos magpahinga na. Clear?"- sabi ni Trevor
"Piro pu ser--"
"No buts!"
"Yis ser itu na nga pu!!"- sabi nung kasambahay at nag madaling nag lakad
"Wow naman, ikaw siguro ang 2nd Head master kaya di sila makaangal? Hahaha nakakatawa kayong tingnan."- sabi ko at kumuha ng basang basahan para ipunas sa lamesa
BINABASA MO ANG
I'm His Baby Maker
Ficção GeralPaano kung ikaw ang ipambayad utang sa kinauutangan niyo? At para mabayaran lang, gagawin kang isang baby maker. Alam mo palang sa umpisa na anak lang ang kailangan niya. Pero paano kung pati ikaw ay kailangan niya na rin? May magagawa ka pa ba?