(A/N: At dahil hindi makita yung sa multimedia. Ito po si Eunice. Nag loloko talaga si Wattpad sa cellphone ko. Huhuhu. Enjoy reading!)
Eunice's POVSana pala hindi nalang ako nag pakita kay Kyle kanina. Hindi ko alam na may asawa na pala siya. Mukhang buntis pa yung babae. Hindi ko makakayanan ang konsensya ko kapag may nangyari dun sa babae. At mas lalong hindi ako mapapatawad ni Kyle.
"Anak, uminom ka muna."- sabi ni mama at binigay sakin ang isang basong tubig.
Kahit na stepmom ko lang itong si mama, para niya ko tinuring na isang tunay na anak.
"Ma, mapapatawad pa ba ako ni Kyle?"- tanong ko kay mama. Napalunok naman si mama.
"Kung sasabihin mo naman sakaniya ang lahat diba? Maiintindihan niya rin yun."- sabi ni mama at niyakap ako.
Tumayo na si mama at lumabas na ng kwarto ko. Napahilamos naman ako ng mukha dahil naiistress na ko sa nangyayare.
Napatayo naman ako at pumunta sa kabinet ko. Pag bukas ko, nandon ang wedding gown na dapat gagamitin ko sa kasal namin ni Kyle.
Kinuha ko ito at tinitigan ito. Lahat ng ala-ala, bumabalik.
Araw na ng kasal ko. Excited ako dahil ikakasal ako sa pinakamamahal kong lalaki. Inaayusan ng para bang isang prinsesa.
Nakatingin ako ngayon sa salamin. Nakatayo. Tinitignan ang buo kong sarili. Hawak ko ang puting rosas na pinagsama sa iisang tali. Nilagyan na ko ng veil. Habang tumatagal, lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.
Habang palabas ako ng silid. Naririnig ko nalang ang tibok ng puso ko. Sa sobrang bilis ay para bang sasabog ito.
"Handa ka na ba sa bagong buhay mo?"- tanong sakin ni mama.
Bago ako nag salita ay huminga muna ako ng malalim upang mabawasan ang kaba sa dibdib ko."Sobrang handang-handa."
Pasakay na ko sa kotse para maihatid ako sa simbahan kung saan kami mag iisang dibdib ni Kyle.
Pagpasok ko sa kotse, umandar na ito. Hindi na mawala sa labi ko ang mga ngiting kanina pang nakangiti. Inamoy ko ang nga bulaklak na hawak ko.
Napansin kong iba ang direksyon ng pupuntahan namin. Napalingon ako sa likod at dapat kumaliwa na kami dahil doon papunta ang simbahan.
"Kuya, mali po yung dinaanan natin."- sabi ko sa nag dra-drive.
"Alam ko." - bigla naman ako nagulat sa narinig kong boses. Boses babae ito.
Bigla naman nyang tinapan ang ilong niya at may ini-spray sa tapat ng aircorn ng kotse.

BINABASA MO ANG
I'm His Baby Maker
General FictionPaano kung ikaw ang ipambayad utang sa kinauutangan niyo? At para mabayaran lang, gagawin kang isang baby maker. Alam mo palang sa umpisa na anak lang ang kailangan niya. Pero paano kung pati ikaw ay kailangan niya na rin? May magagawa ka pa ba?